Sa nakadedicate,ito na iyong sabi ko sayong ipapasok ko as Kean's sister. I changed C to K kasi alam mo na para parehas silang puro K. HahahaChapter 26: Kean's family
Third person POV
Hindi mapakali si JG nang malaman from Flare na wala na si Kean. Hanggang sa bahay nila hindi sya mapakali.
He wants to call tito James pero nahihiya syang magtanong. Hindi lingid sa kaalaman nito na ikinainis nya ang ginawa sa kanya ng kaibigan kaya naman umiiwas ang papa ni Kean na makipagcommunicate sa kanya lalo pa't shareholder ang daddy nya sa company nito.
Marami syang gagawin pero kahit isa hindi sya makagawa. Nakita nya sa mini table ang phone na binigay ni tita Keana sa kanya.
Kinuha nya iyon at binuksan. He played some videos. Iyong ibang videos ay ang mga bonding moments nila ni Kean.
He got curious sa isang video na may name na, WATCH THIS.
Sa video,Kean sat on his bed habang nakaharap sa camera. He assembled the position at nang makuntento na ito ay umupo ito ng maayos sa kama.
"Hi,J-Gerv."
J-Gerv ang tawag nito sa kanya. Kaya natawa sya nang marinig uli ito sa kaibigan.
"Hindi sana ako gagawa ng ganito pero kasi nangagamba ako. Someone is giving me creeps. Someone is stalking me."
Nacurious si JG kaya pinagpatuloy nya ang video.
"And giving me death threats. Iyong last letter nya,he said he will kill me. Hindi ko alam kung ano ang motibo nya pero nabanggit ka nya. May kilala ka bang taong may galit sa akin?"
Napailing sya bigla na parang kausap lang nya ang kaibigan nya. Sino naman ang magtatangka sa buhay ng bestfriend nya? As far as he know,lahat ng malapit sa kanyang classmates nya ay close rin ni Kean. So why is that?
"Bye the way,hanggang dito nalang. Inaantok na ako eh." Kean yawned and do his favorite post. Iyong peace sign na pabaligtad. Sabay sabing, "Swag."
He turned off the phone and put it under his pillow. Who is that stalker at bakit nya pinagbantaan si Kean?
At bakit nito nabanggit ang pangalan nya kay Kean? Hindi kaya kilala nya ang stalker nito?
Naalala nya ang sinabi sa kanya ni Flare.
"Nagpaalam sya sa akin kagabi. Aalis na daw sya. Wala na sya vice pres,he's gone."
He's gone. Totoo nga kayang wala na si Kean?
Tumayo sya sa kama at kinuha ang jacket nya. Tutal hindi naman sya mapakali,pupunta nalang sya sa hospital. Kung totoong wala na nga ang kaluluwa ng bestfriend nya,is it possible na bibigay narin ang katawang tao nito?
Sa totoo lang hindi sya naniniwala sa kinukwento ni Flare sa kanya. She said she sees Kean. How come? Posible nga bang makita ng tao ang isang kaluluwa?
Kinausap nya ang driver na ihatid sya sa hospital. Nagulat sya nang makita si Flare sa front gate ng hospital. She's wearing pink tshirt and jeans. Nakasulyap lang sya sa hospital.
Bakit ayaw nitong pumasok? At bakit naroon ito?
Paglabas nya sa kotse ay tinawag nya ito.
"Joshel."
Napatingin naman ito sa kanya. Umaliwalas ang mukha nito. Lumapit ito sa kanya.
"Vice pres. Naku mabuti narito ka." napakamot ito sa ulo. "I just want to make sure kung ano ang nangyari sa katawan ni Kean."
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...