****THIRD PERSON POV****
Kasalukuyang nagbabatuhan ang magkabilang kampo ng kani-kanilang bala. Nakatago sa mga bato ang matapang at mapang asar na si Joshua habang masayang nakikipagbatuhan ng paintball sa kalabang sina Kean at John Gervie.
Nagkakatuwaan lang silang tatlo.
"Isuko nyo na ang flag nyo!" sigaw ni Joshua habang nakatago. Natatawa pa sya sa ginagawa nila.
"Ikaw ang sumuko na! You are all alone samantalang dalawa kami! Kapag hindi ka pa sumuko mapipilitan kaming tapusin ang walang kwenta mong buhay!" pabirong sigaw pabalik ni Kean.
"Awts. Ang sama ng ugali mo! May kwenta ang buhay ko no. Marami akong napapaligayang babae!" nangingiti pa syang pumwesto na parang sniper. Di lang alam ng mga ito,maraming girls na nagkakandarapa sa kanya. Hindi na nga nya mabilang eh. Yumuko sya nang barilin sya ni JG. Muntikan na sya roon haha. Huminga sya ng malalim bago hinamon ang dalawa. "Kung gusto nyo magsabayan nalang tayo oh! "
"Sige ba!" sagot ni Kean habang sinenyasan si JG na ito na ang tumira kay Joshua. Tumango naman ang Vice president na akala mo'y si Ferb sa Phineas and Ferb while Kean is his genius brother Phineas.
JG stood up at waited for Joshua to get out of his shell."Pagbilang ko ng isa!"Niready na ni Joshua ang sarili para sa pag atake. Kahit mag isa lang sya kaya nyang matalo ang magbestfriend. Maning-mani sa kanya ang lahat.
"Dalawa! Tatlo!"Pagtayo ni Joshua ay hindi na nya naiputok pa ang paintgun. Naunahan na sya ni JG. Napatingin nalang sya sa vest nya na nagkulay asul.
Ow shit! Naunahan sya ng pabibong si JG. Nakakainis madaya ito. Sabi nya magsabayan sila pero nakatayo na pala ang loko at hinihintay nalang sya.
Hagalpak ang tawa ni Kean na pinaulanan ng paintball si Joshua. Gumanti narin ang loko pati si JG ay nakisali na. Kawawang Joshua,natadtad ng paintball sa katawan.
Nasa ganoon silang eksena nang makarinig sila ng putok ng baril. Natigil silang tatlo at napatingin sa paligid.
"What was that?" Joshua asked.
Nagkatinginan silang tatlo. Iisa lang ang nasa isip nila nang marinig ang putok na iyon.
Flare!!!
"Shit!" JG put his gun down and ran as fast as he could. Ganoon rin ang ginawa nina Joshua at Kean na sumunod sa kasama nila.
On the other side, Nagbarilan rin sina Berry at Nelorie pero hindi sila magkatamaan hanggang sa napagdesisyunan nilang magharap nalang na dalawa.
Nakangisi si Nelorie habang si Cranberry ay nilalaro ang kanyang dila sa loob ng kanyang bunganga. Nakatutok ang kanilang baril sa isa't isa.
"Tell me,why are you mad at me?" tanong ni Nelorie sa kalaban. She just want to know why Berry is mad at her. Yeah,alam ni Nelorie na mataray sya sa babae ,she's just teasing her to catch her attention right now. Para maunahan nya itong tumira ng paintball.
Berry gasped."As far as I remember,ikaw ang may galit sa akin. Sinugod mo nga ako sa cafeteria remember?"
Nelorie smirked. Oh yeah she remembered. Sinabihan pa nga sya nito na ito na ang magiging bagong Queen bee saka nya inasar ito. She loves to tease everybody but this girl is different. Masyado syang naaliw at the same time naasar sa palabang artista.
Ito lang ang may lakas ng loob para gantihan sya o kaya naman makipag away sa kanya harap-harapan. At isa pa,may pagkamaldita rin ito gaya nya. Madalas nakakabeastmode ang pagiging user nito kaya sinusupalpal nya. Kung magkakaroon lang din naman sya ng kaibigan wag nalang sana katulad ni Berry,baka araw-araw silang magkalmutan.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
ЮморTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...