Chapter 45:Bad NewsFlare's POV
Hindi ako makatulog pagdating ng gabi. Nahuhuli ko na lang ang sarili ko na nagpapagulung-gulong sa kama ko habang yakap ang kulay blue kong unan. Naaalala at lagi pa rin sa isip ko,paulit-ulit na nagrerewind ang sinabi ni Gervie.
Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tanong ko bigla sa isip ko.
Iniisip niya rin kaya ako? Kaya siguro hindi ako makatulog! Kyaaah!
Humiga ako sa kama at nagpapadyak-padyak. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya nalaglag ako.
"Ouch!"I grunted holding my back. But I just smile like I have never been hurt. I'm too happy just to think my back is aching right now.
Inabot ko sa mini drawer ang cellphone ko. Baka nagtext na siya. Abot tenga pa ang ngiti ko.
But I was so disappointed when I saw nothing. No vice pres on my message box. Si talk 'n text lang ang masugid kong texter na nagtext.
Nakapameywang ako na inilapag ang cellphone ko sa kama habang nasa baba parin ako. Tila nainis ako sa ginawa niya. Parang walang concern sa akin.
"Ah ganon? Hindi nagpaparamdam. Sige,ganyanan tayo." nagcross arms ako na nagmumukhang tangang pinagagalitan ang cellphone. "Gusto mo ako pero hindi ka man lang magtext ng goodnight? Huh!"
Napapatiim-bagang ako sa pagiging inconsiderate niya. Bakit siya ganyan? Nakakainis. Bakit ako nagkagusto sa taong ganyan? Kakabwisit!
Kahit man lang group message wala?
Sinilip kong muli ang phone pero wala talaga.
"Hindi ako magtetext,hindi ako ang unang magtitext!"feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan ay nagkaroon ng pagpupulong sa ulo ko.
Ilang segundo akong hindi tumingin sa cellphone na parang nagmamaktol na bata. Naiinis ako,dahil hindi man lang siya makaalala. Ganoon na ba kahirap magtext?
Biglang tumunog ang phone ko. Senyales na may nagtext sa akin.
Agad napawi ang inis ko na tumingin doon. Sabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis.
Tiningnan ko ang text,kaso nanlumo ako nang iba ang rumehistro na numero.
From: Multo
Good evening:)
Si Kean lang pala,
Bigla uling may nagtext kaya nabuhayan ulit ako. Pero lalo lang uli akong nanlumo.
Multo,
I am sorry,Pearly Shel. Sorry na,peace na tayo please?
Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ang ginawa niya sa akin kaya sinuntok ko ng mahina ang screen. Naiinis ako sa kanya pero hindi ko magawang magkimkim ng sama ng loob.
Bakit ba siya humihingi ng sorry,di niya pa ba alam na lagi ko naman siyang pinapatawad sa huli?
To:Multo
Multong gluta,okay lang iyon.
Umakyat ako sa kama at dumapa. Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang text ng masungit na iyon.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
ЮморTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...