Twenty one : She sees dead people

1K 52 11
                                    


Chapter 21: She sees dead people



Flare Joshel's POV



Kinabukasan,pinagkukumpulan ang bulletin board ng mga students. Hindi na dahil sa mga pictures kung hindi dahil sa result of  examination.

Walang gana akong pumunta roon. Pinagtitinginan nga ako ng iba at naglalayuan na parang meron akong malubhang karamdaman.

Hanggang ngayon,lutang parin ako sa sinabi ni vice pres kahapon. Nagsulat nga ako sa notepad ko. Inilagay ko roon ang sinabi ni vice pres,ang tungkol sa nangyari sa old building at kung bakit galit si vice pres kay Kean.

Kaya nga ba talagang gawin iyon ni Kean?

Iwinaksi ko ang iniisip ko. Kailangan kong mag move on. Hindi dapat ako magpadala sa mga sinabi nya.

Tiningnan ko ang result sa bulletin.

300 lang ang Grade 10 students kaya naman madali lang para sa akin na makita ang pangalan ko. May kanya kanyang bulletin board ang mga grade level kaya naman hiwalay kami sa iba. Ibat iba din ang building namin. Sa grade 7,Hades building.Grade 8, Hera ,sa grade 9 Perseus building at kami,Artemis building.

Para sa senior high ang Zeus building.

Hango sa mga Greek Gods and Godesses ang pangalan ng mga building,office at kung anu-ano pa.

Apollo Garden
Library Athena
Aphrodite Laboratory
Poseidon's pool

Etc.

Nakita ko sa dulong list ang pangalan ko.

299.Flare Joshel Garcia

Natuwa ako. Bakit? Kasi dati nasa last number ako pero ngayon nasa second to the last na. Medyo umaangat na ako. Achievement na ito sa akin.emeged I kennat.

Tiningnan ko ang Top 50 students. Kapag kasali ka kasi sa top 50 sikat ka na sa mga grade 10 students.

1. John Gervie Buenaflor
2. Scottie Dela Cruz
3. Nelorie Jade Buenviaje
4. Vince Aballos

Ang talino talaga ni vice pres. Ang galing naman nya.

Teka nga,kung ako ang second to the last, sino ang pinakahuli.

"Omg!" narinig kong reaction ni Cranberry na nasa tabi ko na pala. Gulat syang napatingin sa board. Simula kahapon awkward na ang feeling ko sa kanya pero nang makita ko sya parang nawala naman agad. Hindi ko maintindahan ang sarili ko.

Naiintindihan ko naman sya.

Sinundan ko ang tingin nya.

300. Cranberry Hopkins

"Pft. Last on the list."

Napalingon kami ni Berry sa kanan. Nandoon rin pala si Nelorie. Nakatingin sya sa board tapos dinako ang tingin sa amin. Nakataas ang kilay nya at nang aasar ang mga ngisi. Her arms crossed over her chest. Kasama nya ng mga alipores nya.

Parang si Joshua lang,may Squad din.

Cranberry glared at her.

"Tapos gusto pang palitan ako sa pwesto ko. What the heck."

Hindi makaimik si Berry.

Nelorie Look at me. "You know what Flare you should be thankful to Berry. Dahil kung hindi sya dumating,malamang baka ikaw ang huli sa list. Pasalamat ka may mas bobo pa sayo." she grinned devilishly.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon