Six: Revelation(Edited)

1.5K 93 17
                                    


Salamat nga pala dcmuch sa pagbabasa ng walang katuturang kwentong ito. Hahaha.

Oy , Yukashi_01ang pretty mo bhe. Ito na yung scene. Josko. Hahaha!

Six: Revelation

Pagpasok ko kinabukasan sa school, halos lahat ng students napapatingin sa akin tapos nagbubulungan. Kapag sinusulyapan ko naman nagbabawi ng tingin at lumalayo. Nagtataka nga ako kasi 'di tulad ng dati na pagtatawanan nila ako everytime na nakikita nila ako o 'di kaya ay ang katangahan ko. Katulad na lamang kanina, nadapa ako sa may gate kaya may kaunting dungis ang uniform ko pero wala ni isang tumawa o nang-asar bagkus ay nilayuan nila ako na parang may malubha akong sakit.

Sobrang ilag na nila sa akin. Kanina nga pumunta ako ng cafeteria para mag almusal bago magsimula ang klase, halos ayaw nilang makita ako. Nag-iiwas agad sila ng tingin tuwing mahahagip ko sila ng tingin. Kung hindi lang ako mali-late sa pagpasok ay hindi naman ako pupunta sa cafeteria, bawal kasing mahuli kahit isang minuto lang. Masyadong mahigpit ang school pagdating sa oras.

Hindi ko na lang pinansin although may tanong sa isip ko kung bakit parang takot sila sa presensya ko ngayon. But I think it doesn't make sense.

Kahit sa classroom namin, wala nang mapang asar na Joshua and the squad, lagi na lang silang nakatingin sa'kin. Tapos tahimik talaga ang room. Sobra akong nagtaka. Kahit kailan hindi tumahimik ng ganito ang section namin. Hello, we are talking about class F. Usually kapag ganitong umaga nagtatago ang iba sa gilid at nanonood ng x rated movies or videos, ang mga babae naman, nagpatayo na yata ng parlor dahil sa loob na sila nagpapakulot ng buhok, make up, manicure, pedicure. Ang iba naman may ka-chat sa cellphone. Ngayon wala, sobrang tahimik nila.

Nararamdaman ko ang mga mata nila na nakatingin sa akin. Naiilang tuloy ako, 'yung iba nagbubulungan lang. May dumaan bang anghel sa school namin? Bakit parang nabawasan ang ingay? Nagsibaitan na ba silang lahat.

Ok, baka naman kabado sila kasi exam namin ngayon?

Pero hindi eh. Dapat nga mag-ingay sila dahil labasan na ng mga dakilang kopyador at kopyadora. Magkakaroon na dapat sila ng kontrata kung saan kukuha ng sagot.

Ano ba yan, ano ba'ng meron? Baka naman may tagos ako. Tiningnan ko naman ang palda ko, wala naman eh. Sinipat ko ang buong katawan ko, baka may kung anong nakadikit sa akin kaya naman napapatingin sila. Wala naman akong nakuha nakapagtataka talaga.

Nagkibit-balikat na lang ako. Dumating na ang adviser namin. Binigyan niya kami ng questionnaire at answer sheet. Siya ang magbabantay sa amin buong araw ng preliminary exam dahil nakaatang sa adviser ang gano'ng task. Tinuon ko ang pansin sa test paper ko. Pambihira, baka magdugo utak ko sa kakaisip. Nararamdaman ko ang mata ng mga kaklase ko na pahapyaw na sumusulyap sa akin. Hirap na nga ako doon sa kaluluwang ligaw pati ba naman sila poproblemahin ko pa?

Inumpog ko ang ulo ko sa desk. Unang test pa talaga namin ang Science. Pakiramdam ko nagsipag-unat na ang kulubot ko sa utak. Mabuti na lang multiple choice. Manghuhula na lang ako ng sagot. Sa filipino ako nagreview at ni minsan hindi ko pinasadahan ng tingin ang Science. Isa sa hate subject ko ito kasama ang Math.

Kinuha ko ang lapis at nagsimula nang sagutan ang answer sheet ko. Ang ibang questions ay hinuhulaan ko na lang. Alam kong napag-aralan namin ito pero nakakalimutan ko lang talaga.

22. What is accelaration?

A. The amount of space between two places or things

B. The rate at which the speed of a moving object changes over time

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon