CHAPTER 33: Team buildingFLARE JOSHEL'S POV
Nagmamadali akong bumaba ng jeep. Napaaray pa ang mga pasahero nang hilahin ko ang luggage ko pababa. Paano,nagulungan ang mga paa nila ng gulong ng luggage.
"Sorry po." I apologized. Hinila ko na ang luggage ko at tumakbo papuntang school. Nalalaglag pa ang backpack ko kaya hindi ako tuluy-tuloy makatakbo.
Late na ako!
Patay ako sa mga classmates ko,hindi sila makakaalis agad hangga't hindi nakukumpleto ang mga sumama sa team building.
Natapilok ako sa humps. Pati gulong ng luggage ko natanggal. Pambihira! Nilapitan na naman ako ng kamalasan.
"Manong,manong sandali!" Hingal na hingal akong tumakbo papuntang gate. The guard starting to close the gate. Pinigil ko ito at binuksan agad. Natamaan si manong guard sa mukha. "Ay sorry po!" iniangat ko ang luggage ko para makapasok sa gate saka mabilis na tumakbo papuntang parking area.
Sa parking area nadaanan ko ang ibang sections. Binati pa ako ng isang student pero hindi ko nalang pinansin.
Pagdating ko sa area namin,tinaasan agad nila ako ng kilay. Badtrip na badtrip ang mga mukha nila. Ang iba inirapan ako o kaya naman napabuntong-hininga sa sobrang relief.
Huminto ako at ibinaba ang hawakan ng luggage ko. Itinukod ko ang mga kamay sa tuhod ko. "So-rry,late-po-ako." Hingal kong sabi saka huminga ng malalim. Buti nalang hindi pa sila nakakasampa sa bus.
"FINALLY." napaatras ako at napatakip ng tenga nang tapatan ako ng megaphone sa tenga ni Mrs. Arlando,adviser namin. "Ang mga pabidang late nagsisidatingan na."
Taas kilay syang humarap sa akin saka inutusan ang classmate ko. "Ilista lahat ng late."
Patay. Paparusahan yata kami. Magpapaliwanag sana ako pero hindi ako pinansin ni Ma'am.
Tinitigan ako ni Ella. "Saan ka pupunta? Sa korea? Dami mong dala ah."
I glanced at my luggage. Marami raw akong dala,eh kulang pa nga iyang mga iyan eh.
"TWENTY MINUTES LATE NA SI MS. CRANBERRY!"
Halos lahat kami napatakip sa tenga sa pagsalita ni Mrs. Arlando sa megaphone. Nakakainis,ang sakit sa tenga.
Bumaba sa isang black van si Berry. She's wearing white shorts,white sando and sunglasses. Hinawi nya ang buhok nya sabay sukbit ng backpack at lumabas sa van. Lahat kami napanganga sa kanya sa sobrang amaze. She's beautiful! We are mesmerized by her presence. Kumaway sya at lumapit na.
"Hi guys." she sweetly smiled and took off her sunglasses. But she got mad when our teacher scolded her.
"CRANBERRY HOPKINS,HINDI ITO SHOOTING NA KAMI ANG MAG AADJUST PARA SAYO,THIS IS A TEAM BUILDING. YOU ARE LATE!"
Pinukpok ni Berry ang tenga nya,natuliling yata. Ipinalista din nya sa classmate naming babae ang pangalan ni Berry.
"PUMASOK NA KAYO SA BUS. LAHAT NG LATE,MAY ANNOUNCEMENT AKO PAGDATING NATIN SA LUGAR."
Naiiling na pumasok kami sa bus. Alphabetical orders ang ginawa sa amin kaya naman nakatabi ko sa middle part si Berry. Parehas kaming late. Ano kayang parusa sa amin?
I'm not talking to her because she is busy. Busy kakaselfie.
"Medyo lumayo ka nga sa akin,nakikita ka sa camera." sabi nya kaya dumikit ako ng maayos sa bintana. Ang arte.
Nagbyahe na kami. Hindi parin sya matapos kakaselfie at kakapost sa instagram. Inantok ako kaya natulog ako.
Nagising ako sa tumawag sa pangalan ko. "Flare,flare. Nandito na tayo."
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...