Five: Curiousity
Nagtapos na ang last subject namin, sa wakas makakauwi na rin. Drain na drain na ang utak ko. Inayos ko ang mga gamit ko, nakayakap na naman ako sa bag ko, ilalagay ko na lang ito sa locker para bukas 'di na ako magdadala. Ayoko din sabihin kay mama na nasira ko ang bag, magagalit na naman iyon sa akin at pagdidiskitahan ang mga inipon kong merchandises sa bahay. Sasabihin na naman n'on kung inipon mo mga pinambili mo n'yan e 'di may bag ka sana na original at hindi galing sa bangketa!'
Hindi niya kasi naiintindihan, haays.
"Hoy, panget!" sigaw ng alam niyo na kung sino. Siya, kasama ang squad niya. Lumapit sila sa seat ko. Umupo si Josh sa upuan ko, pinagmamasdan niya ako habang inaayos ang gamit ko. Pinapakiusapan ko ang sarili ko na 'wag siyang pansinin.
Napaangat ako ng tingin sa kanilang apat nang malakas na suntukin ni Josh ang desk ko.
Natatawang tinuro ni Kean ang apat. Nandito pa pala siya, naku naman para na siyang nakadikit sa akin kung saan man ako magpunta. "Suitor mo? hanep ang hilig mo pala sa mga gangster." nakaupo siya sa vacant seat sa harap ng seat ko,bale nakalingon siya sa akin. Gusto niya daw makinig sa teacher namin. Ewan ko dyan, baliw na 'yang kaluluwa na 'yan.
"Shut up." saway ko kay Kean at dahil hindi naman makita nila siya, nagmukha akong tanga. Akala rin siguro ni Joshua siya ang sinabihan ko.
Nawala ang ngiting mapanloko ni Joshua. "Shut up? Did you just said that to me?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"A-ah." I stuterred. Patay paano na? Pagtitripan na naman ako nito, hindi na naman ako tatantanan.
"Bahala ka na d'yan. May susundan pa pala ako. Ba-bye. Goodluck. Hahaha." kumaway sakin si Kean bago naglaho. Sabi niya tinatamad siyang sundan iyon? Kung kailan naman kailangan ko siya, dakilang user talaga.
Kean!
Siraulo ka talaga! Ugh!
Iniwan na naman niya ako.
Tumawa ako ng mapakla."Ah, wala 'yon ikaw naman. Kausap ko ang sarili ko. Hahaha." Sana makalusot. Pero bakit nga ba kailangan kong magpaliwanag?
Hindi ko alam kung naniwala sila o hindi. Bahala na. Wala akong mahanap na dahilan eh.
Tinaasan niya ako ng kilay, nag-crossed arms siya at huminga ng malalim. "Anyway, nakita kita kasama 'yung SSC vice president. Ano'ng sinabi mo sa kanya?"
Kinakapa ko pa ang sasabihin ko. Bakit naman interesado siya kung ano'ng pinag-usapan namin?
"Vice.. President?" I asked.
"Oo." napakunot noo siya." H'wag mong sabihing hindi mo sya kilala?"
"Ang bobo mo naman kung ganoon."Clinton, ang mean squad member niya.
Look who's talking. Eh pare-parehas lang kaming nasa class F eh. Pffft. Kung minsan talaga gusto ko na lang ipatumba sa riding in tandem ang mga kaklase ko.
"Tell me." Joshua lean forward. "Nagsumbong ka ba sa kanya?"
"A-ako? Ano namang isusumbong ko." Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan nang magsalita ulit siya.
"Alam mo na. Baka kumati 'yang dila mo at isumbong mo kami." Narinig kong wika niya kaya napalingon ako. Nginitian ko siya ng mapakla.
"Bakit naman kita isusumbong?"
Kumunot noo siya. "Kasi binu-bully ka namin 'di ba?" tumayo siya at naglakad papalapit sa akin.
"Ah yun ba?" I rolled my eyes heavenwards, huminto siya sa paglapit. Isang dipa ang layo namin sa isa't-isa. "Wag kang mag alala. Kung isusumbong ko ang mga bully, mauubos ang mga classmates natin." Nag-smirk ako sa kanya, bago ako tuluyang lumabas ng pinto ay sumulyap ulit ako. May itatanong lang ako sa kanya, tutal naman marami siyang kakilala sa school at balita ko simula first year nandito na siya, baka kakilala niya si Kean. "Ah, Joshua and the squad. May kilala ba kayong Kean James?"
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...