A/n: super duper thank you @rengrnsy for making this latest book cover:)
Chapter 38: KERRY Moment
CRANBERRY'S POV
Hindi kami pinayagan makauwi na kaagad ng teachers namin. Dapat sana mapapaaga kami ng uwi dahil sa nangyari kay Musang at kay JG. Busy pa kasi ang mga teachers namin sa pagkukuwestiyon sa management nito dahil sa seguridad. Nirereview nila ang cctv cameras. Si Flare at JG nasa hospital habang kaming naiwan,nagsama-sama.
Gabi na kaya lalong natakot ang mga kasama ko sa safety nila. Ako,natatakot rin ako pero wala naman kaming magawa.
Nakaupo lang ako sa open window. Nakasampa at nakatulala. Nasa veranda kaming lahat at sobrang ingay sa pagbibigay ng komento ang iba.
Biglang umihip ng malakas ang hangin. Napuwing ako kaya kinusot ko ang mata ko. When I open my eyes,I saw a guy facing me. Maputla ang mukha nya at titig na titig.
"Waaahh!!" sa sobrang gulat ko nabuwal ako sa pagkakaupo. Nagulat naman silang nasa loob. Lahat sila napatingin sa akin ng nagtatanong ang mga mata.
"Are you okay?" tanong ni Mark sa akin pero hindi ko sya pinansin.
Nakatingin ako sa lalaking multo na unti-unting lumalapit ulit sa akin. May sinasabi sya pero hindi ko sya maintindihan. Napaupo ako sa sahig at napapaatras sa bawat lapit ng multo na iyon sa akin.
I shut my eyes. Nararamdaman ko ang presensya nya malapit sa akin. Tumaas ang balahibo ko sa katawan at parang nanlalaki ang ulo ko.
Kumilos ka na...
Tulungan mo ako....
You need to help me...
"No!" umiling-iling ako. Hanggang sa pakiramdam ko,niyakap nya ako. Hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo.
"CRANBERRY!!!" may biglang nag-alog sa balikat ko.
"WAAAHHH!!!" gasping,I opened my eyes again. I saw our classmate,Clinton. He looks so worried.
"What happened?" Clinton asked me. Habol hininga akong napatingin sa paligid ko. Takang-taka ang mga schoolmates ko sa inasal ko.
I was more afraid when the ghost I'm avoiding appeared on Clinton's back. He's reaching his hands on me. Tapos biglang sumulpot ang iba pang mga multo. Marami sila, inaabot nila ako at nanghihingi sila ng tulong.
"Aaaahh!!"I shrieked. Tinabig ko si Clinton at tumakbo ako palayo. Nalalagpasan ng katawan ko ang mga multo at kada lagpas ko,parang may malamig na humahalukay sa sikmura ko. Hindi ako nagpatinag at tumakbo lang ako ng tumakbo papunta sa hallway ng building.
Napatingin ako sa likod ko,sumusunod nila sa akin kaya binilisan ko ang takbo ko. Bakit ba bumalik na naman ang bagay na kinaayawan ko?
Lalo akong natakot nang sa bawat hakbang ko palayo,namamatay ang mga ilaw. Pinaglalaruan yata nila ako. Hindi ako lumilingon sa likod ko at patuloy lang ako sa pagtakbo.
"STOP IT!!" naluluha kong sigaw. Hindi ako pwedeng huminto,hindi pwede! Mahahabol nila ako. Para akong mabibingi sa halu-halo nilang pagsasalita.
Nahinto ako nang makita ko ang wall sa harap ko. Wala na akong tatakbuhan. Corner na ako.
Napasandal nalang ako sa pader habang nakatingin sa mga papalapit na multo. Lumulutang sila sa ere. Ang iba,mga babae na mahahaba ang buhok at puti ang dress,dalawang naka school uniform. Tapos iyong pinakahumahabol sa akin kanina school uniform din ang suot.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
ЮморTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...