Four: Who's that guy
Akala ko madali lang na tulungan ang katulad niya. Akala ko kasi ang gusto ng mga tulad niya ay isang panalangin lang at huling mensahe para sa mga magulang niya. Hindi ba't ganoon naman talaga ang mga kaluluwa? Ganoon ang napanood ko sa isang Kdrama.Hindi kasi sila matatahimik hangga't hindi pa nila nasasabi ang mga gusto nila.
Pero itong multo na ito sinasabing hindi siya multo kun'di ligaw na kaluluwa lang. Ang dami niyang hinihiling sa akin. Hindi niya ako tinatantanan."Sa tingin ko talaga wala na akong oras. Gawin mo na 'yung pinagagawa ko!" hysterical niyang sigaw sa tenga ko. Natutuliling na ako sa kaniya.
Nandito ako ngayon sa library at nagrereview. SANA. Kung wala lang gumugulo sa tahimik kong mundo.
"Ano na? Magsalita ka naman d'yan! tsk." inis niyang untag sa akin.
Kung pwede lang sana akong sumigaw at kausapin siya nang hindi napagkakamalang baliw, ginawa ko na. Kung wala lang sana ako sa library. Hindi ba sya marunong magbasa? Observe silence, bes. Kapag nag usap kami rito palalayasin ako panigurado ng mga nag-re-review. Tapos lagi pa naman akong binabantayan ni Ms. Annie, 'yung librarian. Madalas daw kasi na hindi ibinabalik ang mga ginamit ko.
Kinuha ko ang note pad ko at nagsulat. Ipapabasa ko na lang sa kaniya ito. Ayaw ko sana sulatan itong note pad kasi ang ganda ng texture niya pero wala akong magagawa.~~> Nag-re-review ako, mamaya na lang.
I tap the note pad para basahin niya. Napatingin ako sa paligid. Wala namang nakatingin sa akin, busy sila sa kani-kanilang gawain pero kailangan kong makasiguro na walang nakatingin. Mahirap na.
Nakita ko kung paano niya pilasin, lukutin at itapon sa ere ang piraso ng note pad. Sinundan ko kung saan pupunta ang papel at tinamaan ang lalaki sa kabilang table. Sumulyap ang lalaki na nagsusulat sa akin. Ang sama ng tingin nya. Nag peace sign na lang ako sa kanya, mabuti na lang itinuon niya ulit ang atensyon sa ginagawa. I heaved a sigh. Muntik na akong mapaaway.
"Wala na nga akong oras, tingnan mo unti-unti akong nagpi-fade!" reklamo ng baklang kaluluwa. Hindi siya bakla talaga, kaso kasi kapag nagrereklamo siya parang siya iyong taga-kulot ng buhok sa parlor na hindi pa nagkaka-customer.
Saglit ko siyang sinulyapan. Oo nga mas malala ang pagkakatransparent niya ngayon. Pero bakit ganyan? Ibig sabihin ba maglalaho na siya nang tuluyan? Nakaramdam ako ng tuwa at lungkot, 'pag nawala siya babalik na sa dati ang buhay ko pero nakokonsensya naman ako.
"Tulungan mo na ako, please." Ipinagdaop niya ang dalawang palad and he's really begging for my help. Nagbaby talk pa siya. Nasabunot ko ang buhok ko sa sobrang stress sa kaniya. Nagtatanong ang isip ko kung bakit kailangan ako ang hingan niya ng tulong. Isa lang akong simpleng tao, wala akong kakayahan para damayan siya sa problema niya.
Nagsulat ulit ako sa note pad ko.
~~~> Hindi p'wede ngayon. Pagtapos ng test ko puwede na okay? Ayokong bumagsak sa exam. Please lang. Hanap ka na lang ng ibang tao na nakakakita sa---"Hey!" napalakas ang boses ko nang agawin niya ang note pad at ibato sa kaliwang side na table. Napatingin tuloy sa'kin 'yung babae na seryosong nagbabasa.
"Uhm. Sorry." hiyang hiya akong yumuko. Kunwari akong nagbasa ng libro at inangat ito para matakpan ang mukha ko. Mapapa-trouble talaga ako ng dahil sa lalaking ito.
"Fine. If you won't help me eh 'di 'wag! I guess hihintayin ko na lang na kunin ako ng grim reaper. Painumin ng inumin na nakaka-erase ng memory tsaka ako makakaakyat sa paradise. Huhuhu." Sabi niya na tila nangongonsensya.
Yumukod ako at pinantakip sa mukha ang libro. Mahilig yata 'to sa kdrama. Alam ang kwento sa Goblin eh. Tsaka may selective memory sya 'di ba? Useless 'yung pinapainom ng grim reaper sa kanya, haler.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...