Chapter 31:
Berry's POV
Two weeks na akong hindi pumapasok. After that bitch birthday party,may nakausap akong manager ng isang entertainment at lumipat na ako sa kanila. The hell that former entertainment of mine,pinakawalan nila ako, huh ngayon magsisi sila.
Bago palang ako sa entertainment binigyan na nila agad ako ng project. Wipee. Hahaha. Maglaway sila sa akin ngayon.
Nasa shoot kami ngayon at nagiimpake na ang mga crew at staff dahil tapos na. Nagshoot kasi kami ng commercial for a fastfood restaurant. 10 pm na at uwian na,nagsara narin ang resto.
Pauwi narin sana ako pero hetong driver ko,wala parin sya. Kainis,naloloshang na ang beauty ko kakahintay,nagsisialisan na sila.
"Miss Berry."
Lumingon ako sa bagong manager ko. I smiled at him but on my part ,gusto ko nang umalis roon. Nilalamok na ang malaporselana kong katawan. At ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong ako nalang ang natitira sa set. Kasi naman,pumunta ako rito gamit ang kotse ni mom. Hindi pa ako pwedeng mag drive kaya iyong driver namin sa bahay ang naghahatid sundo sa akin. Ang sabi ko umuwi muna sya para makapagpahinga at bumalik ng 9pm pero ano'ng oras na wala parin sya.
"Manager Chui."
"Uwian na hija wala ka bang dalang kotse?"
Tinawanan ko sya ng pilit."Meron po. Actually parating na po iyong driver ko."
"Gusto mong sumabay na?"
"Ay,hindi na po." pagtanggi ko. Ayokong sumabay sa kanila. Meron akong sarili no. Hindi ako cheap para di magkaroon ng kotse. "I'm Okay manager."
"Sige,ikaw ang bahala. Basta wag kang magtagal rito ha. Marami pa namang masasamang tao na nagkalat rito."
"Masasamang..." kinilabutan ako bigla. "Tao?" pakshet! Baka may gumagalang killer rito. Nakakatakot.
"Anyway,We will go. May taping pa bukas. Iyong script mo, pag aralan mo na okay? Bye!"
"Bye,mr. Chui" kaway ko sa kanya hanggang sa makapasok sya sa kotse at makalayo.
At heto na nga ang kinatatakutan ko, naiwan na ako sa set. Totoo nga kayang may gumagalang masamang tao rito? Wtf,I need to call him.
Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot. Lalo akong kinabahan. I'm afraid of two things that might happened to me,una ay ang mapagtripan ng masamang loob at ang... Makakita ng ghost.
Shet,hindi gumagana ngayon ang third eye ko ,sana magtagal nang nakasarado pero minsan gumagana ito hindi ko alam kung bakit at kung paano.
I feel someone is looking at me. Nagtry ako ng nagtry sa pagdial ng number nya,saka lingon ng lingon sa paligid ko. Please naman,dumating ka na.
May bigla akong nakita na anino sa may kanan ko,napahigpit ako ng hawak sa phone. He's like a guy wearing a face mask and hoodie. May hawak syang parang tubong bakal sa kamay nya.
Sya ba iyong bad guy?
Pero mas lalo akong natakot nang may makita sa likuran nya. Three persons was beside him,a guy and two girls. Parehas silang tatlo na naliligo sa dugo. They were glaring at him.
Nabitawan ko bigla ang phone ko. Shit lang talaga. Iyong dalawa kong kinakatakutan ay nangyari. Tandem pa sila. What should I do?
"S-sino kayo?" nanginginig akong napaatras.
Pagkasabi ko non,lumingon sa paligid iyong lalaki tapos iyong tatlong multo napatitig sa akin. Unti-unti silang lumapit kaya naipikit ko ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...