A/n: sa nakadedic,hi lola miss you po. Hahaha.
Flare Joshel
Tumapat ako sa bintana ng kuwarto ko at naupo sa tapat niyon upang siliipin ang mga tao sa ibaba. Nakapuwesto ang kuwarto ko sa ikalawang palapag. It's saturday. Salamat naman at walang pasok ngayon. Nasa kuwarto lang ako at nakaupo sa tabi ng bintana habang nakatingin sa mga taong dumadaan. Nasa second floor ang kuwarto ko kaya naman natatanaw ko ang mga kapitbahay namin sa baba habang kumakain ng marshmallows. Ang aga-aga nag-aaway sila. Nagbabatuhan ng mga kagamitan nila sa loob ng bahay.
Ito talagang mag-asawang kapitbahay namin lagi na lang nag-aaway. Babaero kasi ang lalaki kaya nagseselos ang babae. Ang edad nila tantiya ko mga nasa kuwarenta pataas na. Nakita ko kung paano hampas-hampasin ni Aling Loreta ng sandok ang asawa niyang si Juancho. Kinukompronta ng babae kung sino 'yong nakita ng kapitbahay nila na kasama ni kuya Juancho sa mall.
"Hala, sige banatan mo." I cheered her wife. Tama lang iyan sa mga babaero. Kung pwede nga lang sana ipatapon sila sa bermuda triangle para hindi na makaperwisyo pa. Sana may ganoong batas nang mabawasan naman sila.
"Mga walang kwenta ang mga lalaki." Pinisil ko ang marshmallows nang maalala ko ang papa ko. Isa siya sa mga walang kwentang tao sa mundo. Pinabayaan niya kami ni mama. Nakita ko kung paano kumayod ang mama ko para lang makakain kami at kung paano siya umiiyak kapag hindi sapat ang kinikita niya sa mga gastusin namin. Nakita ko ang paghihirap niya kaya naman isinumpa ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko na muling hahagilapin pa ang papa ko. Para saan pa? kaya naman naming mabuhay nang wala siya. Magpakasaya na lang siya sa kabit niya at h'wag na silang aalis ng America
Huminga ko ng malalim. Bakit ba may mga taong malas sa buhay? Bakit may mga taong swerte at marangya ang pamumuhay? Hindi yata talaga pantay-pantay ang mga tao.
"Joshel,"
"Yes po ma?" Lingon ko sa may pinto nang marinig ko ang tawag sa akin ni mama. Pinihit niya ang pinto ng room ko. Inilibot niya muna ang paningin niya sa kabuuan ng kuwarto ko nang makapasok siya. "Anak, puro poster na naman ng korean ang room mo," nakabusangot niyang sabi. Kinuha niya pa sa lapag ang nalalag kong baller ng Blackpink. Umiiling niyang inihagis ito sa kama ko.
"Mwamwa." Nagsalita ako habang may marshmallow ang bibig ko. "Kwesha namahn mwagahdjik akho sza drhoga." Daig ko pa ngongo sa pagsasalita kaya naman napakunot-noo si mama.
"Wag kang magsalita nang may kinakain pa," komento niya.
Nilunok ko ang kinakain ko. "Ang sabi ko ma, kesa naman mag adik ako sa droga diba? Sabi nga ni president Duterte di baleng mag addict sa kpop wag lang sa---"
"Tigilan mo ako,hindi nya iyan sinabi." She crossed her arms.
Hindi ako umimik. Tiningnan ko lang siya. Ang mama ko mukhang mas bata pa sa akin. Puro mga usong damit ang sinusuot. Mukhang bata pa dahil naglalagay ng kung anu-anong pampabata sa mukha, tapos sexy pa rin. Nagtatrabaho siya sa isang company na nagi-endorse ng beauty products. Kaya naman ganyan siya kaganda. Kapag magkasama nga kami mukha lang kaming magkapatid tapos ako pa iyong nagmumukhang ate. Mas matangkad kasi ako sa kanya. Salamat sa papa ko nalahian ako ng katangkaran iyon lang siguro ang pinagpapasalamat ko sa kanya.
"Bago ka magkpop-kpop diyan nagawa mo na ba homework mo?" Napansin kong nakasuot sya ng uniform niya sa trabaho. Ako na naman ang maiiwan sa loob ng bahay. Kailangan na naman niyang magtrabaho para may panggastos kami lalo pa at pinag-aral niya ako sa medyo mamahaling eskuwelahan. Ayoko ko nga sana ang mag-aral doon kaso wala na akong magagawa. Hihintayin ko na lang na matapos ako ng high school. Hindi ko rin alam kung paano niya ako napag-aral sa ganoon gayong minimum rate lang ang sahod niya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...