Nine: Flare has a friend? (EDITED)

1.3K 65 8
                                    

Flare Joshel

Pumasok na ako sa classroom matapos akong patalsikin ni Vice pres. Nagkukumahog akong lumabas sa hall dahil natatakot akong mapagalitan niya. Kung nakakatakot si Nelorie, mas nakakatakot siya at ayaw ko siyang makalaban.

Pagdating ko sa room, bumalik na ang sigla ng classroom namin. Ang kalat na rin ng paligid dahil tila mga bata sila na nagbabatuhan ng bolang papel sa isa't-isa. Ang mga babae naman ay nagtutumpukan sa gilid at nagtsi-tsismisan.

Naupo akong muli sa chair ko. Saglit akong natulala nang maalala ang nangyari kanina sa loob ng Olympus hall bigla akong natawa nang sumagi sa isip ko ang itsura ni vice pres. Kasi naman, may suot pa siyang party hat kaso 'yong mukha niya parang nalugi sa negosyo. Iyon ba ang welcome party para sa kanya? Hay nako. napapailing na lang ako.

"HAHHAHA!" Hindi ko napigilan ang tawa na lumabas sa bibig ko. Hindi ko magawang huminto sa pagtawa nakahawak pa ako sa tiyan ko. Napatingin lahat ang classmates ko sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigil ito. Yumuko na lang ako saka tinuloy ang pagtawa kahit nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig. Napansin ko na lang na may pares ng paa ang nasa harap ng desk ko. Pag angat ko ng ulo, Si Joshua pala. Nawala ang tawa ko at napalunok nang makita siya.

Tinanggal niya ang earphones niya, hinayaan niya iyon lumambitin sa kanyang balikat. May hawak siyang malaking keychain na butiki na gawa sa stainless steel. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya na inangat ito sa ere . Hawak niya ang buntot nito kaya naman patiwarik ang posisyon ng butiki.

Huminga siya ng malalim saka ginalaw ang butiki pahalang . Para bang hinihipnotismo niya ako. awtomatiko akong sumulyap sa butiki. Wala naman epekto iyon sa akin but I look at him askingly. Ano'ng ginagawa niya?

"Jiu mo gwai gwaai faai di zau,"

Nakapikit niyang inuulit ang salitang iyon. Sinusumpa niya ba ako? Ano'ng language iyon?

Sumulpot sa gilid niya ang kanyang squad na sina Mark, Luke, at Clinton. May dala silang insenso pero hindi naman nakasindi. Naturingang mga bible names ang pangalan ng tatlo pero ang daming kalokohan sa katawan. Si Clinton lang ang naiba ng pangalan. Naligaw.

Nagtatanong ang isip ko silang pinagmasdan habang binibigkas pa rin nila ang chant na iyon. Nakita ko pang naglabas si Mark ng necklace na ginagamit ng mga monghe. Iyong necklace na bilog-bilog? Parang rosary. Ah ewan basta nilabas nya iyon at pinulupot sa kamay nya.

"Jiu mo gwai gwaai faai di zau," they said in unison.

Napataas ako ng kilay. "Eh? Ano'ng trip 'yan?"

Dumilat si Joshua. Nagulat na lang ako nang ipalo niya sa akin ang pamaypay niya na kulay pink. Hinampas niya ako ng tatlong beses habang bumubulong pa rin.

"Aray!" sapo ko ang ulo ko. Sumusobra na itong mga ito. Dati ang ginagawa lang nila sa akin ay panlalait lang pero ngayon nananakit na.

Pinalo niya ulit ko. "Masamang espirito. Lumabas ka sa katawan ng babaing ito. Ngayon din! Prizzzzzz." hinawakan niya ang ulo ko tapos para siyang nangingisay na ewan. Tumitirik din ang mga mata niya. Ang squad naman niya nag-bow ng nag-bow habang nagcha-chant pa rin.

"Ano ba ito, exorcism?" I reacted. Nakakaloka sila para silang mga tanga na dinadasalan ako. Bakit nasapian ba ako?

Tumigil si Joshua pero nakapikit pa rin siya. Binulungan siya ni Mark pero malamang hindi ko narinig kung ano ang sinabi niya.

"Uhhhmmm. Uhhmmm," pikit mata pa ring sabi ni Joshua. Naghawak kamay silang apat. Nagchant na naman sila.

Buwisit ano ba'ng ginagawa nila? Nakakaasar.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon