Forty-six: Scottie's past

863 43 13
                                    

Chapter 46:Scottie's past

*THIRD PERSON POV*

Pinagmamasdan ni Scottie na nasa katauhan ni Maki ang tulog na si Flare habang nakatali ito sa upuan.

Itinaas niya ang susi na galing sa kanyang namayapang tito. Napangiti na lang siya nang maalala ang mukha ng tito niya habang naghihingalo. Alam na niya ngayon kung para saan ang maliit na susing ito. Ito ang hawak nito bago tuluyang bumagsak sa sahig.

Buti nga sa kanya. Anang isip niya habang nangisi. Masyado kasi itong hadlang sa buhay niya. At sa totoo lang,iyon naman na talaga ang plano niya rito. Iyon nga lang,ang lason na ginamit niya ay tumatalab lang kapag madalas gamitin. In short,ang tsaa na iniinom nitong may lason ay hindi agad tumatalab. It takes time. And how happy he was when he saw the result.

Goodbye,my one and only uncle.

Hindi niya napigilan ang luhang may halong poot at tuwa. Sa wakas,napatumba na niya ang mahigpit niyang kaaway.

Mula pagkabata,hindi siya nakatanggap ng kahit anong pagmamahal rito. Ito rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang magulang.

Ito ang puno't dulo ng lahat.

Hindi naman niya magagawa ang lahat ng ito kundi lang din sa kalupitan ng tito niya.

Oo,aaminin niya. Siya ang nagsunog ng daycare center kung saan sila nag-aaral.

September 24,2007. Mula sa kanilang bahay ay pumunta siya habang umiiyak sa daycare center nila na malapit lang sa tinitirhan nila. Nagkulong siya sa bodega.

Gusto niyang lumaban pero hindi niya kaya ang kanyang tito sa ginagawa nitong kalapastanganan sa kanyang ina. Pati ang pambubugbog sa kanya dahil lang sa kamukha siya ng papa niya.

Bata pa lang siya ay natira na sila sa bahay ng malupit niyang tito.

Naaalala niya pa ang unang punta nila roon.

"Bakit nandito ka?" maangas na tanong ni Joselito Dela Cruz sa tatay niya.

Makulimlim nang araw na iyon at nagbabadya ang masamang panahon.

Mahilig pumostura ang lalaki sa harapan nila, palibhasa ay isang principal sa paaralang pundar ng kanyang lolo. Yakap siya ng kanyang ina at may dala namang mga maleta ang kanyang ama.

"Kuya,"

"Pwe!" dumura si Joselito nang marinig ang tinawag ng ama niya rito. Ang alam niya,ito ang kanyang tito. "'Wag mo akong matawag-tawag na kuya dahil bastardo ka lang!" bulyaw nito sa kanila.

Doon pa lang napoot na siya sa lalaki. Sa isip niya kahit kailan hindi sila magkakasundo base sa ugali nito.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon