Eighteen: New Subject

1K 61 12
                                    

A/n:  Sa nakadedic. Hey,thank you sa paggawa mo ng book cover ko. Thanks talaga. Haha. Sana makaulit ako sayo.  Lovelots








CHAPTER 18: New Subject.












"Woah,woah,woah. Look who's here."







Napalingon kami sa nagsalita.

Nakatingin sya sa board tapos kay Nelorie. Nakapamulsa syang lumingon.  Ang mga mata nya na noon ay mapang asar ay biglang naging cool na parang magyeyelo ka kapag napatingin ka sa kanya.

"The mean squad of Queen bee Nelorie." cool nyang pagkakasabi. He grinned devilishly. Kung isa ako sa mga fan nya malamang ay nagtitili na ako sa ganda ng pagpasok nya sa scene.

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko na dumating sya o dagdag lang ito sa problema ko. Pakiramdam ko kasi mas lalala lang ang mangyayari.

"Oh look who's here too. Ang bobong playboy ng class F." sagot ni Nelorie sa kanya. She crossed her arms and raised her eyebrow.

"Aww." he touched his chest. "Ang sakit  mo naman magsalita. Parang wala tayong pinagsamahan ah." hindi parin naaalis ang ngisi sa mga labi nya. It's like, he really loves to tease her.

"Shut up." saway ni Nelorie sa kanya. Nakakunot na ang noo nya. Senyales na hindi na sya natutuwa sa presensya nito.

Joshua glanced at me then to Nelorie. "Inaasar mo ba talaga ako?" he put his both hands on his pocket. Meron syang bandana sa noo at halata ang piercing nya sa tenga. Pasaway talaga,bawal sa school ang may piercings. Kapag nahuli sya malamang sa detention na naman ang bagsak nya.

You heard it right, he's Joshua Andrei Ferrer.

"What do you mean?" maang na tanong ni Nelorie.

Hindi ako binibitawan ng mga nakahawak sa akin kahit ano'ng palag ko.

"Sinabi ko na sa iyo, ako lang ang may karapatang mambully sa babaeng yan."

She gasped. "Huh,wala kang paki kung sino ang aawayin ko at kung sinong hindi."

"Let her go." utos nya sa mga babaeng nakahawak sa akin.

"No!" Nelorie answered.

"Let go."

"Sino ka para utusan sila? Back off,Joshua!"

"SINABI NANG BITAWAN NYO!!"

Huminto ang lahat sa pagsigaw ni Joshua. Nagulat kaming lahat sa galit na rumehistro sa mukha nya.

Binitiwan nila ako. Napaupo ako bigla. I am weak,I'm so weak. I hate it. Kung may lakas ng loob lang ako lumaban hindi na sana ganito.

Lumapit sya sa akin at tinayo ako. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. He's not smiling,he's not looking at me. Naka-focus lang sya kay Lorie.

"I told you not to touch my property." he said.

"I was once your property." sagot ni Nelorie. Feeling ko may laman ang sinabi nya. "Pero hinayaan mo lang ako noon."

Namilog ang mga mata ko. Ang sabi nya property daw nya ako? Emeged I kennat. Ang haba naman ng hair ko.

Bigla ko rin naisip putulin ang buhok sa isip ko. Sinabi nya nga pala noon na,Gusto nya sya lang ang nang-aasar sa akin. Akala mo talaga nabili na ako sa sobrang selfish nya.

"Was. Ibig sabihin past na. " pagpapaalala nito.

I saw how she clenched her fist."Wala kang pakialam. Bitawan mo sya!"

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon