Sixteen: Newspaper

1.1K 58 6
                                    

Chapter 16 : newspaper




"Transferee ba sya?"

"Classmate ba natin yan?"

"Parang namumukhaan ko sya."

"Hindi ba sya iyong future wife ko?"


Lumingon ako sa paligid. Lahat ng schoolmates ko nakatingin sa akin. Napakunot ako ng noo. Dumaan lang ang sabado't linggo naging weird na sila.

Namamangha silang nakatingin sa akin. Lalo na yung mga lalaki. Nagtutulakan pa sila para makuha ang atensyon ng iba,nakataas ang kilay ng mga babae sa akin.

Umiling-iling ako. Hindi. Daydream lang ito. Hindi ganito ang treatment sa akin ng mga schoolmates ko.

Nagtuluy-tuloy ako sa Artemis Building. Nakakaloka talaga yung mga tingin nila sa akin.

"Ganda mo te! Masaya ka ba ?" si Kean na sumusunod sa akin."Para sakin panget ka parin kahit two inches ang kapal ng make up mo."

Bitter sya kahapon. Hindi daw nya kasi ako mahanap. Wala naman daw akong sinabi kung saan ako pupunta. Like duh,hindi ko naman obligasyon magreport sa kanya. Lalo pa syang nainis nang sabihin ko na kasama ko kahapon si vice pres. Sinabihan nya pa ako na sinasadya ko daw na mapalapit kay JG para hindi ko sya makita.

Tamang hinala masyado. Kahit hindi naman totoo.

Hindi ko nalang pinansin. Bitter masyado,kahapon pa iyan. Aba malay ko bang nandoon din si JG?

"Ganda mo rin eh no?" he sarcasticly said.

I snap my fingers. Kung pwede lang lumayas sya sa harapan ko baka matadyakan ko sya. Pasalamat sya hindi ko na sya mahawakan.

May isang lalaki na humarang sa daan ko.  Nakilala ko agad sya and he's Mark.

"Hi miss,are you a transferee here?"nangingiti nyang tanong.

Huminto ako at napakunot-noo. "Ano'ng problema mo?" tanong ko.

"Oh ,iyong nambubully sa iyo bulag yata."hindi tumitigil sa pagkokomento ang multong ito.

"Ikaw. Tumatakbo ka kasi sa isip at puso ko eh. Hindi ka ba napapagod?" ani Mark.

"Wooooaaah. Dinaan mo na naman sa pick up lines,Mark." akbay ni Clinton sa kanya. Kumindat sya sa akin. "Hi,I'm Clinton. And you are?"

Nagtaas ako ng kilay. Ano nangyari sa mga ito?

"Dalawang araw lang ang nakalipas. Ano'ng nangyari sa inyo?" tanong ko. Nakakapagtaka talaga.

"Teka,I know this girl." Luke appeared. Sabay turo nya sa akin na may pilit tinatandaan pero hindi nya maalala.

"Oo! Sya iyong magnanakaw ng cctv sa kanto . Sya iyon bro." Kean.

Sinamaan ko sya ng tingin. Napakabitter naman niya.

"Wag nga kayong tanga! Si ugly duckling yan!" naiinis na sumigaw si Joshua. Lumapit sya sa akin na nakakunot-noo. May ginawa na naman ba akong masama sa kanya? Ang alam ko wala. Nilabas nya ang laruan nyang butiki. Inangat nya sa ere na parang pananggalang nya iyon sa masasamang elemento.

All of the students gasped in shock. Hindi makapaniwala na tiningnan nila ako from head to toe. Napapailing naman ako. Jusko mga dre, baka nagparebond at facial lang ako,binilhan lang ako ng bagong uniform at sapatos. Hindi na ako mukhang gangster sa kanto.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon