Kathryn POV
Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kwarto at kumuha ako ng damit at dumiretso ako ng cr para mag half bath.
Natapos na ako mag half bath at magbihis sa loob ng cr. Tumapat ako sa salamin habang kinakausap ang sarili.
"Ok kath chill ka lang ha, kaya mo toh matutulog lang naman kayo, okay? okay."
Paglabas ko ng cr naka higa si dj sa kama.
"Hello"
"Aahm bakit?"
"Tara na dito matutulog na tayo"
"Ahmm"
"Tara na tulog na tayo"
"Ahmm sge dito nalang ako sa sahig"
"Hindi ako nagbibiro halika na dito"
"Hindi sge ok lang dyan ka nalang dito nalang ako sa sahig" kinuha ko yung isang unan at inilapag sa sahig.
"Aaah mas gusto mo ba sa sahig edi dyan tayo." sabay gulong sa kama pababa sa sahig.
"Dj! (Sabay irap) sge dyan kana sa sahig dito nalang ako sa sofa"
"Edi sge dyan tayo!" Sabay takbo si dj sa sofa.
"Dj! Hindi ako nakikipag biruan. Sge kung gusto mo dyan sa kama nalang ako" kinuha ko yung unan ko tapos pumunta sa kama.
"Eh kahapon magkatabi tayo eh"
"Uhmm sge sa kubo nalang ako ulit matutulog" tatayo na sana ako ng hinawakan ni dj kamay ko.
"Kathh, etoh naman joke lang. dito naman talaga ako matutulog sa sofa. Atsaka joke lang yung kanina na magkatabi tayo kagabi dito din ako sa sofa natulog"
"Aahh sge"
"Uhmm kath?"
"Hmm bakit?"
"Ahmm wala lang"
"A-ahh sge goodnight na"
Tumalikod na ako at kunwaring natutulog.
Dj POV
Habang naka upo ako sa sahig at nakapatong ang kamay ko sa kama at tinitignan si kath tumayo narin ako at binulungan sya.
"Goodnight" pumunta na ako sa sofa at humiga na ako doon kahit medyo hindi fit saakin yung sofa. Nakita kung gunalawa si kath kaya nagtulog tulugan ako.General POV
Lumingon si kath para tignan si dj kung tulog naba. Pagtingin nya tulog na ito at naawa naman sya dahil nahihirapan itong humiga sa maliit na sofa. Kaya nilapitan nya ito.
"Bait at pogi naman pala pag natutulog, haysst kaya naii---"
"Huh ano po yun?"
"Uh-eh wala ano tinitignan ko lang kung tulog kana ba talaga"
"Weeh?"
"Oo nga! (Hinampas ni kath ng unan si dj) doon kana nga sa kama matulog naawa ako sayo eh!"
"D ok lang, may awa ka pala!"
"Oy grabe ka sakin ha! Ikaw nanga pinapatulog sa kama eh, tumayo kana dyan!"
"Weeh?"
"Ayaw mo ba?"
"Eto nanga eh"
Paghiga ni kath sa kama sumunod naman si dj.
At nilingon nya si kath."Hoy dj walang kalokohan ha?"
"Kala mo naman talaga!"
"Malay mo! Uhmm btw may narinig kaba kanina?"
"Huh?"
"Ahh wala wala, sge goodnight."
Magkatalikod silang natutulog. Hindi makatulog si kath dahil baka gumawa ng kalokohan si dj. Kaya tinignan nya si dj kung tulog na ba talaga. Pagtingin nya naka pikit na ito. Hindi pa sya nakuntento kaya kunwaring sinipa nya ng mahina ito. Pero tulog na talaga kaya naman tumalikod na sya. At matutulog na sana sya ng biglang nagsalita si dj.
"Mahal na mahal kita....."
Tinignan lang ni kath ito at pinabayaan nalang nya at natulog na sya.
❤️
❤️
❤️
(Sino kaya yung tinutukoy ni dj?)
❤️
❤️
❤️
❤️
❤️
❤️
❤
(Sorry po sa mga typo or maling makita nyo po. Pls vote and follow guys thank you! mwaapsss💖)
BINABASA MO ANG
Just the two of us
Fanfiction(First story ko po ito guys sana magustuhan nyo) Sabi nga nila, the more you HATE, the more you LOVE! ON GOING PO ITO GUYS!!! Pls vote follow and comment po. Thank you!