Kath POV"Perfect!" Siguro naman lalo akong ma gugustuhan ni daniel nito sa ganda ko ba naman diba hahaha char
*KNOCK KNOCK KNOCK*
"Chandria bilisan mo diyan at anong oras na!"
"Opo kuya sunod na po ako sa baba" Nagpabango na ako at kinuha ang cellphone ko tsaka bumaba.
"San na yun si kuya? Ah baka nasa kotse na"
Lumabas na ako nang bahay at nakita ko si kuya nilalabas na yung kotse.Lumabas na ako at sumakay sa kotse at umalis na kami ni kuya.
Bigla namang may nag text saakin si julia.
Hindi ko na sya nireplyan dahil malapit narin kami, tumawag naman sakin si dj.
|ACCEPT||DECLINE|
"Hello?"
"Oo malapit na kami"
"Sge sge"Ilang minuto pa ay naka rating na kami sa bahay nila dj at pinark na ni kuya ang kotse nya.
Nag doorbell na ako at si magui yung nag bukas nang gate.
"Hi magui, where's your kuya?"
"In his room ate, come in"
Pumasok na kami sa loob at nakita ko agad si tita karla na naghahanda nang pagkain.
"Hi iha! Ang ganda ganda mo naman" sabi ni tita karla "thank you po" nag beso kami at niyakap nya ako.
"Hi tita, si dianne po?" Sabi ni kuya at lumapit kay tita karla at nagbeso din sila. "Nasa taas pa sila" inabot naman ni kuya yung cake na binili nya kanina kay tita karla. "Thank you iho" sabi nito at binigay nya sa kasambahay nila at pinalagay sa ref para mamaya. "Tita pwede ko po ba puntahan si dianne sa taas?" Sabi ni kuya "oo naman sige akyat kana.
ikaw naman kath samahan mo ako dito sa kusina na mag prepare" sabi ni tita hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kusina.
"Tita ikaw po nagluto lahat neto?" Kinuha ko ang wine at nilagay ko yun sa dinning table. "Sino paba? Eh ako lang naman ang marunong magluto dito si ate dianne mo naman hindi rin masyado marunong magluto yun"
Buti nalang mabait nanay neto ni daniel at mukhang magiging close kami nang mga kapatid nya lalo na pag sinagot ko na sya.
"Mukhang ang sasarap nga po nang mga niluto mo eh" nagugutom na ako sa mga pagkain na nakikita ko. "Syempre ako pa" kaya idol ko tong mama ni daniel eh.
"Magui!" Narinig ko ang boses ni daniel na tinatawag si magui kaya iniwan ko muna si tita karla sa kusina at pumunta ako sa sala. Nakita ko siya na naka upo sa sofa nila at naka bihis narin ito pogi pogi talaga nang soon to be boyfriend ko, lumapit ako sa likod nya nang dahan dahan at tinakip ang kamay ko sa mga mata nya.
"Magui! Pls stop!" Sabi nito at umupo naman si magui sa tabi niya. "Why kuya?" Tanong ni magui "Magui?" Kinapa nya ang kamay ko kung si magui nga ba talaga yung naka takip sa mata nya.
Nilapit ko ang labi ko sa tenga nya at binulungan sya "Hi danilo" nakita kung namumula ang tenga nya hindi ko alam nanaman kung bakit. "Kathryn?" Tinanggal ko ang kamay ko at lumingon sya. "Kanina kapa dito?" Tanong nya at tumayo at lumapit sakin. "Oo kanina pa sya dito anak kaya tara na kain na tayo dahil gutom na ang mga alaga ko sa tiyan ko, magui tawagan mo na sila ate mo" pa punta na kami sa kusina nang may nag doorbell "daddy mo na siguro yan"
kinakabahan ako lalo! alam na kaya nila na nililigawan ako ni daniel? Pina upo na ako ni dj sa upuan at sinalubong naman nya ang daddy nya na kaka uwi lang at nag bro hug sila.
"hi po tito" tumayo naman ako para mag mano sana sa daddy ni dj pero hinawakan nya ang kamay ko at nag shake hands kami. "Nakaka tanda naman yung ginagawa mo sakin iha, pang matatanda lang ang mano" tumawa kami pati si tita min. Umupo na kami ni dj at sakto naman na bumaba na sila kuya kenji.
Hayss ang swerte talaga ni kuya kay ate dianne. Maganda na matalino pa tapos ang bait ako rin naman swerte rin dahil may daniel akong minamahal ako nang sobra pero siguro panandalian lang yun kasi pwede pa magbago ang lahat, hindi ko nga akalain na liligawan nya ako at mas lalong hindi ko ma imagine na magiging boyfriend ko siya pag sinagot ko na siya eh obvious naman na sasagutin ko rin siya dahil unang una sa lahat na fall na ako sakanya tapos ang alaga nya pa sakin, minsan nga hindi ko na naiisip na bestfriend ko lang siya dahil sa sobrang pag aalala nya. Lalo na nung nagalit siya saakin dahil akala nya boyfriend ko si tony, akalain mo yun hahaha at nung hinatid niya ako sa bahay nila chienna tapos nakita namin si athena, nag acting pa siya na akala mo talaga kame. Salamat nalang kay kuya at ate dahil kundi dahil sakanila hindi kami magiging close ni dj dahil sigurado hanggang ngayon magka away parin kami.
Naniniwala na talaga ako sa sinasabi nila na the more you hate, the more you love.
.
.
.
.DJ POV
Naka tingin kami ngayon lahat kay kathryn, dahil naka ngiti ito at tulala.
"Kathryn uy, chandria!" At sinampal ko siya nang mahina lang naman.
"Aray bakit mo ako sinampal?" Diba arte eh ang hina lang naman. "Kasi po naka tulala ka po" Tumingin siya kila mama at kila kuya kenji na naka tingin din sakanya habang sila patrick at magui pinipigilang tumawa. "Siguro nag iimagine ka na ikakasal kayo ni dj" pang aasar ni patrick. Nilakihan nya lang nang mata si patrick at natawa naman ako baka nga nag iimagine siya na honeymoon na namin hahahaha. "Tama nayan, kumain na tayo" umupo na si mama at kumain na kami, natatawa parin ako at tinignan ko si kath seryso ang mukha nya napipikon na ito.
"Anong gusto mo?" Hindi niya ako pinansin at kumuha siya nang kanin, cute talaga neto pag na pipikon. "Gusto mo nang ribs?" Hindi nya parin ako pinapansin, umayos ako nang upo pa harap sakanya, tumingin naman siya saakin at tinaasan nya ako nang kilay "what?" Nginitian ko siya at hinawakan ang baba neto. "Hoy daniel mamaya nayang harutan tignan mo kinikilig ka nanaman" tumingin ako kay mama na naka kunot ang noo "saan naman ako kikiligin?" Tumingin ako kay kath na pinipigilang tumawa. "Yang tenga mo kasi namumula nanaman" sabat ni ate, pinagtutulungan nanaman nila ako, nakakahiya kay kath, bwisit nayan bakit pa kasi kailangan ma mula yung tenga.
Umayos ako nang upo at si kath naman lumapit sa tenga ko para bulungan ako. "Kaya pala pag kasama kita lagi nalang namumula tenga mo ha" nagulat ako sa sinabi niya, tumingin ako sakanya at pinipigilan nanaman niyang tumawa "kumain kana" nilagyan ko nang pagkain yung plato niya at naka smile lang siya habang tinitignan ako. "Kumain kana diyan at mamaya samahan mo ako may pupuntahan tayo" na iirita ako dahil naka tingin lang siya sakin. "Saan tayo pupunta?" Tanong nito. umayos siya nang upo at kumain narin. "Basta kumain ka muna"
.
.
.
.
.
.
.Saan kaya sila pupunta? 🤔
BINABASA MO ANG
Just the two of us
Fanfic(First story ko po ito guys sana magustuhan nyo) Sabi nga nila, the more you HATE, the more you LOVE! ON GOING PO ITO GUYS!!! Pls vote follow and comment po. Thank you!