.
.
."Saan ba tayo kasi pupunta?" Tanong nito habang pa padyak na lumalakad papunta sa sala. "Basta wag kanang matanong" umupo siya sa sofa at naka simangot.
"Ginagawa mo diyan? Tara na aalis tayo" inirapan niya ako, nilapitan ko siya at tumabi sa kanya. "Why bali? Bakit naka simangot ang bali ko ha? Sinong umaway?"
"Para kang tanga! Saan ba kasi tayo nga pupunta!?" Tanong nito habang naka simangot. "Edi pag sinabi ko sayo malalaman mo... surprise nga eh" tumayo na ako at binuhat ko siya na parang bagong kasal. "Ayy!!! Ibaba mo nga ako!" Pinagpapalo niya ang dibdib ko. "Ibaba mo ako! Isa!" Wika nito at hindi ko parin siya binibitawan "Aray, ayaw mo kasi sumama eh" nilabas ko siya sa bahay at nandoon na si patrick naka ready na yung kotse sa labas, si patrick ang gagawin kung driver ngayon "ibaba mo ako sabe!"
Binuksan na ni patrick yung pinto at pinasok ko na doon si kath. "Hoyy! Ano nanaman ba ito! Patrick ha!" Pumasok na si pat sa loob at ganon din ako ni lock niya ang pinto at umalis na kami.
Nasa harap kaming dalawa ni patrick at si kath naman ang naka upo sa likod.
"Himala ang tahimik mo" wika ni ko. Tinignan ko siya at inirapan niya lang ako at sinipa yung likod nang upuan ko. "Lagot ka pre, bad trip nayan! Sabi ko sayo very wrong set up mo eh" nilakihan ko naman nang mata si patrick, actually malaki naman na pero pogi parin ako.
Naka rating na kami sa condominium ko kaya pinasok na ito ni patrick sa parking. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni kath nang naka simangot "basta! Tumahimik ka nalang diyan!" Wika ko at sinipa nanaman niya ang likod nang upuan ko. "Aray!"
Naka park na kami at bumaba na kami ni pat sa kotse. "Ano hindi ka bababa?" hindi niya parin ako pinansin at umusog siya sa kabilang upuan at doon lumabas sa kabila at sinara niya nang malakas yung pintuan nang kotse kaya napa lingon kami ni patrick. "Kath dahan dahan naman kawawa naman baby ko" wika ni pat, tinarayan lang siya ni kath at tinawanan ko lang siya.
"Tara na?" Tanong ni kath at tumango lang ako kaya pumasok na kami sa elevator. Pinindot ko yung 20 floor kung saan yung pinaka tuktok nang building dahil nandoon yung unang pina set up ko kay patrick.
Alam ko na masyadong mabilis lahat nang pangyayari pero hindi ko alam kung bakit sobrang gaan nang pakiramdam ko kay kath, simula nung nag break kami ni athena saglit ko lang naramdaman yung sakit na ginawa niya saakin, oo mahal na mahal ko siya dati pero noong dumating si kath iba eh, iba yung pina ramdaman niya sakin na kahit nung simula magkaaway kami. Dahil siguro noong bata pa kami crush ko na siya ewan basta ang masasabi ko lang mahal na mahal ko na siya.
Nasa 19th floor na kami kaya pina suot ko na sakanya yung blindfold na hawak ko. "Ano nanaman itong pakulo mo?" Hindi ko na siya sinagot at sinuot ko nalang sakanya yung blindfold buti naman at hindi siya umangal. "Basta sumama ka nalang sigurado akong magugustuhan mo" inalalayan ko siya palabas nang elevator habang si patrick naman ang nag vivideo. Actually hindi lang kaming tatlo yung nandito nila patrick nandito rin sila julia ang bestfriend niya syempre at si joshua.
.
.
.
.
.
.Naka blindfold ako ngayon at malamang wala akong nakikita kaya inaalalayan ako ni dj at tanging bosses lang ni daniel ang naririnig ko na umaalalay saakin hanggang sa huminto kami at binitawan ako ni daniel. "Uyy daniel saan ka pupunta?" Kinakapa ko ang paligid ko pero tanging hangin lang ang nakakapa ko. "Tanggalin mo na yung blindfold mo" wika nito kaya tinanggal ko na ito at wow as in wow ang ganda! Hindi ako makapag salita tinitignan ko lang ang paligid ko na punong puno nang magagandang ilaw. Bigla namang tumogtog ang kantang Perfect by ed sheeran.
BINABASA MO ANG
Just the two of us
Fanfiction(First story ko po ito guys sana magustuhan nyo) Sabi nga nila, the more you HATE, the more you LOVE! ON GOING PO ITO GUYS!!! Pls vote follow and comment po. Thank you!