KATH POVBumalik na ako sa classroom at lunch break parin namin. Nandoon naman sila julia at mga tropa ni dj. Pinalabas naman nila mga iba naming classmate sa room at ni lock nila yung door.
"Uyy kath ano na balita? Nasaan si dj bakit hindi mo kasama?" Tanong ni julia pero hindi ko rin siya sinagot.
"Kath don't tell me na iniwan ka niya? At bakit maga yang mata mo? Pina iyak kaba niya?" Tanong sakin ni marco na naka upo sa harap ko. Pero hindi ko rin siya sinagot. Lumapit naman si tony saakin at hinawakan yung balikat ko, tumayo naman si marco at hinawakan si tony sa balikat. "Bro alam mo naman siguro kung bakit ka sinuntok ni dj kanina? Gusto mo bang ulitin ko sayo yun?" Wika ni marco. Tumayo naman sila koshua sila patrick at dominic.
"Hoy mag si tigil nga kayo! Parang hindi tayo mag totropa eh!" Pag awat ni joshua at pumagitna siya kila tony at marco.
"Bro gusto ko lang naman mag sorry kay kath, problema mo?" wika ni tony.
"Bobo ka pala eh! Sa tingin mo may magagawa pa yang sorry mo?! Ano?! Sagot!!" Susugod sana ulit si marco kaso napigilan ulit siya,
"Ano? Masaya kana na napag away mo na sila?" Wika ulit ni marco na galit na galit."Bakit ba? Kung nag seselos si dj wala akong pake ok? Kasi una sa lahat walang sila!!" Wika ni tony kaya napa tingin kaming lahat sakanya. Hindi pa pala siya updated.
"Bro girlfriend na ni dj si kath, sila na" wika ni joshua at tumingin naman saakin si tony. hindi ko na napigilang mapa iyak ulit at sumigaw na ako.
"TAMA NA!!" napatingin silang lahat saakin.
"Wag na kayong dumagdag pa sa problema! Tony wag ka na munang lumapit saakin pls!Kasi hindi ko na alam gagawin ko kapag nakita pa tayo ni dj na magkasama, baka tuluyan na niya akong iwan kapag na ulit pa yung nangyari kaya pls kung totoong mga kaibigan ko kayo pls kahit respetuhin niyo nalang kami bilang kaibigan niyo" kinuha ko yung earphone ko sa bag at nakinig nalang nang music sakto namang dumating na yung teacher namin kaya tinanggal ko muna earphones ko.
"Guys i have an announcement mag si upo muna kayong lahat" umupo naman silang lahat at umayos ako nang upo. "Dahil first day ngayon! Halfday lang ang classes ngayon! And pwede na kayong umuwi! Basta yung mga pina padala ko bukas kailangan niyong madala ok? Sige na, dismissed na kayo" Wika ni ms. Gonzales at nilagay ko na ulit yung earphones ko. Kinuha ko na bag ko at lumakad palabas nang room. Dumiretso ako sa c.r. at naka sunod pala saakin si julia. Gusto ko nang umiyak kaya pumasok ako sa cubicle at ni lock ko iyon at tinakpan ko ang bibig ko at umiyak nang umiyak. Kumakatok naman si julia pero hindi ko parin siya pinag bubuksan. Hanggang sa tumigil siya at narinig ko bosses ni marco at julia na pinapalabas nila ibang student sa c.r. , kumatok naman ulit si julia.
"Kath? Plss buksan mo na yung pinto. Nandito lang kami para tulungan kayo ni dj na maayos lahat nang nagyari. Pls kath?" Hindi ko naman matiis ang bestfriend ko kaya binuksan ko na yung pinto at lumabas nang cubicle. Nagulat naman ako dahil hindi lang si marco at julia yung nasa loob nandoon din sila dominic, joshua at patrick.
"Kath ano ba kasi talagang nagyari?" Tanong ni marco. Pinunas ko naman ang luha ko at nginitian ko lang siya. "At nagawa mo pang ngumiti matapos kang humagolgol sa banyo?" Wika niya at natawa naman ako at ganon din sila pero nandoon parin yung lungkot ko sa mga nangyari kaya nag sad face ako ulit. "So ano nanga kath?" Tanong ni marco.
BINABASA MO ANG
Just the two of us
Fiksi Penggemar(First story ko po ito guys sana magustuhan nyo) Sabi nga nila, the more you HATE, the more you LOVE! ON GOING PO ITO GUYS!!! Pls vote follow and comment po. Thank you!