Going to PALAWAN

35 2 0
                                    



Kath POV

Nagising ako sa sinag ng araw at tinatamad pa akong bumangon.

"Goodmorning!" 

Dj?????? Lumingon ako at nakita ko si dj na naka upo sa gilid ng kama ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Ginagawa nito dito??

"Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin?" Anong nakalimutan ko? Weird lumapit sya sa tabi ko at umupo naman ako sa pagkaka higa ko.

"Diba nga pupunta tayo ng palawan, remember?" Palawan? Ahh oo nga pala.

"Ahh oo nga pala, Eh anong oras na ba, ang aga pa ata e" kinuha ko phone ko sa side table at pag tingin ko 11:30 na pala.

"Na paalam narin kita sa kuya mo, naka book na ako ng flight at ng tutuluyan natin sa palawan at ok na wala kanang aalalahanin" ayy iba rin, na excite tuloy ako bigla.

"Ilang days ba tayo doon?" Sana matagal hahaha

"Dipende"

"Dipende?!" Syempre etchos lang hahaha

"Oo nga bingi lang?, aalis din sila ate pupunta ata sila ng japan ni kuya then sa singapore ata"

Grabe hindi manlang nagyaya si kuya.

"Anong oras ba yung flight natin?"

"1pm, kaya bumangon kana at mag impake ka narin ng damit mo" 1pm?! Nakakatamad naman!

"Pwede ba bukas nalang?" Humiga ako ulit at nagtalukbong ng kumot.

"Wala ng bawian, bumangon kana dyan at maligo kana. Ma la-late tayo sa flight nyan" haysss bat ba kasi biglaan!

"Oo na po!" Nakaka tamad kaya bumangon.

"Kath tayo na at maligo kana" kulit naman netong mokong na to!

"Oo nga---, ay!!! hoy ibaba mo nga ako! Kaya ko maglakad! Ano ba!"

"Ako na magpapaligo sayo" okay sabi mo eh, charot lang!

"Hoy danilo ano ba! Ibaba mo ako sabe!" Bwisit naman toh!

"Ayokoooo" aahh ayaw mo ha!

"ARAY!!!!!! Putek ang sakit!!"


Daniel POV

"ARAY!!! Putek ang sakit!" Nabitawan ko si kath dahil kinagat nya yung tenga ko.

"Hahahaha buti nga sayo! Bleh!" Pag ako naka ganti sayo mamaya.

"Ang sakit non ah!" Pumasok na sya sa banyo at ni lock ito.

"Ikaw kasi eh!" Tignan mo talaga sisigaw pa

"Bilisan mo na dyan 12:30 kailangan nasa airport na tayo!"

Ang sakit buset! Sa baba ko nanga lang sya hintayin, hayss inaantok pa ako eh.

Umupo ako sa sofa sa sala at ang sakit parin ng tenga ko kaka iba talaga ngipin non, hayss manonood nanga lang muna ako ng showtime.

Habang nanonood ako hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.

Nagising ako dahil ang sakit ng tenga ko, minulat ko mata ko at nasa kotse ako, nakita ko yung driver at hindi familiar saakin yung mukha, baka na kidnap ako.

Just the two of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon