Bad day

90 4 0
                                    


(Sorry po sa mga typo errors or kahit anong maling makita nyo hahahaha. Pls vote and follow, thank you guys)

GENERAL POV
Habang nasa room sina kath at julia.
"haysss nakakapagod naman ang dami daming pinapagawa samin kung kelan na malapit ang bakasyon tsaka pa nag pagawa ng ganito karami!" Naiinis na sabi ni kath.

"Ok lang yan gawin mo nalang kaysa naman bumagsak tayo diba?" Sagot ni julia.

"Alam ko naman yun pero bawat pasa natin dinadagdagan nya pa! Sya nanga lang yung teacher natin na walang sign sa clearance natin diba"Tumayo na si kath sa upuan nya at inayos ang mga gamit nya.

"Kaya mo yan girl!" Sabi ni julia.

"Bahala na!" Inis na sagot ni kath. Pagkatapos nyang ayusin ay niyaya nya si julia sa canteen para doon tumambay. Free time nila kaya kahit ikutin pa nila buong campus ok lang. habang naglalakad papuntang canteen si kath at julia. Natamaan ng bola si kath na binato ng lalaki sa sobrang badtrip parang may kaaway na ewan.
Medyo malakas yung tama ng bola sa ulo ni kath. Lalapitan sana nya yung lalaki ng biglang may lumapit na isang lalaki na nag sorry. Kahit alam nya na hindi sya yung nakatama
Sakanya nung bola at pinabayaan nya nalang.

"Okay hindi ko nalang papatulan, Dagdag pa sa problema ko yan!" Inis na sabi ni kath.

"Ok ka lang kath," tanong ni julia.

"Batuhin kaya kita ng bola tapos tatanungin kita kung ok ka lang?" Inis na sagot ni kath.

"Sungit naman, tatanong lang eh." Pang aasar ni julia.

"Tara nalang sa canteen baka pati sayo mabadtrip pa ako ng sobra sobra." sabay hila ni kath kay bella.

DJ POV

"Babe wag naman ganito! Pag usapan natin toh parang awa mo na." Pagmamakaawa ni dj kay athena.

"Hindi mo ba naiintindihan dj AYOKO NA! HINDI KO NA KAYA!"

"SO BAKIT NGA ANONG DAHILAN!"

"HINDI MO MAIINTINDIHAN!"

Hinawakan ni dj ang mga braso ni athena.

"EDI IPA INTINDI MO ATHENA. KASI KUNG IKAW AYAW MO NA, AKO GUSTO KO PA! AT NEVER AKONG MAGSASAWA NA IPA INTINDI SAYO KUNG GAANO KITA KA MAHAL."

"Sorry dj pero hindi ko na mababawi lahat ng sinabi ko. Sorry."

Tinatangal ni athena ang kamay ni dj sa kanyang braso pero ayaw sya bitawan nito.

"DJ pls bitawan mo na ako. "

"Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo sinasabi sakin ang dahilan."
Sinusubukan parin ni athena na tumakas sa mga kamay ni dj na nakahawak sakanya.

"BITAWAN MO NA NGA AKO DJ! ALAM KO MASAKIT PARA SAYO ITONG GINAGAWA KO!, KAYA KAILANGAN BITAWAN NA NATIN ANG MGA BAGAY NA DAPAT BITAWAN. hindi lang para saakin itong ginagawa ko dj para sayo din ito, at gusto ko kapag nakahanap kana ng iba, mamahalin mo sya ng mas higit pa sa pagmamahal na ipinaramdam mo saakin. Mahal kita dj pero kailangan kung gawin ito."

Just the two of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon