Akala

28 1 0
                                    




Nagising ako at tinignan ko phone ko 1:30 na nang madaling araw, at parang masama ang pakiramdam ko, naalala ko nanaman yung panaginip ko, wait panaginip nga ba yun?

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si kathryn na may hawak na tubig.

"Kathryn? Diba nasa----" wika ko at napa tigil ako dahil sumakit ang ulo ko bigla. "Aahh aray"

"Oh bakit masakit nanaman ba ulo mo?" Tumango lang ako at pina inom niya ako nang tubig.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya at inabot niya ang gamot ko saakin.

"Huh? Kanina pa ako dito ano kaba, inumin mo na itong gamot mo oh" wika niya at inabot saakin ang gamot

"Akala ko totoo na" wika ko at napa tingin siya saakin.

"Yung ano?" wika niya at pinatong niya ang baso sa table sa gilid nang kama ko.

"Yung panaginip ko, na disgrasya tayo pareho. Pero ikaw nasagasaan tapos ako sa car accident nadisgrasya. Tapos nagka amnesia ka pero kilala mo parin ako kaso lang bilang bestfriend mo lang hindi bilang boyfriend" natawa naman si kathryn sa kwento ko at kumunot lang ang noo ko. "Anong nakakatawa? Paano kung mangyari talaga yun?" Wika ko at tumigil naman sya sa kakatawa.

"Hinding hindi mangyayari yun bali ok? Ikaw lang ang boyfriend ko at bestfriend ko. I love you tangi" wika ni kath at hinalikan ako ulit sa lips, smack lang naman.

"Nakaka dalawa kana tangi ha?" Wika ko at niyakap ako. Pinatong niya ang ulo niya sa dibdib ko at niyakap ko rin siya. "Tangi mag 2am na hindi kapa uuwi?" Tanong ko at umiling lang siya. "Baka hanapin ka nang kuya mo"

"Tinext ko na si kuya sabi ko dito muna ako matutulog at maaga nalang akong uuwi bukas, kasi nga may sakit ka" wika niya at kiniss ko siya sa noo niya at niyakap siya.

"I love you tangi" wika ko at sinuklay suklay ko ang buhok niya hanggang sa naka tulog narin siya sa dibdib ko. Hindi ko inalis ang pwesto niya kinumutan ko na rin siya hanggang sa naka tulog narin ako.


.
.
.
.
.


A/N: sorry sa short update guys! takot kayo noh? Akala niyo totoo na, chos ko lang yun syempre. Sabi nga ni kath hinding hindi yun mangyayari pero tignan nalang natin hahaha.

Just the two of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon