(C1: Jeffoy :'D)

131 0 0
                                    

 JEFF TROY ANGELES at the side ^____^

****

 

"Hoy!" tawag sakin ni Jeffoy. "Wag mong titigan yan, malusaw yan." Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong nagbabasa siya. NERD! -___-

 

"He's just too cute to ignore..." Sabi ko sa kanya habang titig na titig pa rin sa crush ko. :"> Onga pala! Bestfriend ko siya, si Jeffoy. Jeffoy tawag ko sa kanya. Jeff Troy Angeles talaga ang full name niya. Cute lang kasi ng JEFFOY ^^ Ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. :D

 

"Tsss... Ano magrereview ka ba o titigan na lang yan? That jerk!" Narinig kong bulong niya. Ang init talaga ng ulo nito pagdating kay Marco. -,- Minsan nya na kasing nakasagutan yan eh, sagutan lang, walang pisikalan. Hihi!

"Oy oy... Jerk ka dyan? Sipain kita eh!" Makatawag ng jerk? Iflying kick ko kaya to? Ano? Anong gusto nyo? Tutuloy ko to, pigilan nyo ko!

"Psh! Magreview ka nga dyan mag-isa!" Saka siya umalis.

Pero agad ko naman siyang pinigilan. "Oy oy! Jeffoy, wait lang! Joke lang yun eh. Hihi! Peace! *peace sign*" Pigil ko sa kanya. Nagpapatulong kasi ako sa kanya magreview malapit na kasi final exams eh, graduating na kami. And for sure, valedictorian o kaya salutatorian tong lalaking to. Buti na nga lang at may bestfriend akong katulad niya. ^__________^

"Jeff!" Sigaw niya. Nga pala! Ayaw niya ng tinatawag siyang Jeffoy. Eh nasanay na ako eh.

"Oo na, sorry na Jeffoy!" Sinusundan ko pa rin siya hanggang ngayon.

"Jeff!" Sigaw niya ulit. Lumingon siya at saka ako tinignan ng masama.

"Ayh Jeff pala!" Hinawakan ko siya sa braso, "Sorry na! Dali na! Review na tayo, please?" Pagmamakawa ko. at mabilis niyang hinila yung kamay nya at saka naglakad pabalik dun sa table namin kanina.

- - - -

Isang oras na kami dito at parang wala namang nagsync-in sa utak ko. Potek! Nakakanosebleed T_T

"Haaaaah....." Hikab ko habang nakapalumbaba.

"Nakikinig ka ba?" Tanong niya, poker face -___-

"Malamang! Pero Jeffo....." 

"Jeff!" Putol niya.

"Je-Jeff.... bat ganun? Ginawa ko naman ang lahat uh?...." Napatingin siya sakin na para bang nagtataka sa sinasabi ko, "May inspirasyon naman ako, at si Marco yun! Tapos may bestfriend naman akong matalino. Ginagawa ko lahat ng sinasabi ng magulang ko, pati na rin ni Kuya. Pero... pero bat walang pumapasok sa utak ko? Bakeeeeeet?"  Sabay hilamos ko ng kamay ko sa mukha ko.

"Parang wala namang totoo sa mga sinabi mo, maliban sa matalino ako." Cool na sabi niya. Aba! "Ang drama mo! Tara na, uuwi na ako. Wala naman akong mapapala dito." Pagpapaalam niya. Potcha naman! Wala nga akong natutunan tas aalis na kaagad? Tulungan nya naman ang maganda niyang bestfriend oh. Tsk...! "Ano, uupo ka na lang diyan o ihahatid mo ko?" May deal kasi kami. Irereview nya akong tuwing exams at ihahatid sundo ko naman siya lagi. Matalino yan eh! -,-

"Eto na nga e, tatayo na. Ililigpit ko lang po tong mga ginamit KONG libro."

"Ikaw naman talaga gumamit niyan." Sabi niya. AKo nga gumamit pero siya may hawak. Tsss....

 - - - -

Nakarating na kami sa bahay nila. Tuwing makikita ko ang maliit nilang bahay, hindi ko alam kung awa o tuwa ang mararamdan ko. Awa kasi ganyan ang buhay niya, sa kanya na lang umaasa ang Nanay at ang dalawang kapatid niya. Nabaril kasi ang Tatay niya nung grade 6 pa lang siya nang dahil sa holdap. Eh lumaban yung tatay niya, ayun nabaril. :/ Tuwa naman kase, ginagawa niya lahat matustusan lang ang pamilya niya. Minsan nga naisip ko, ganyan kaya siya katalino kung hindi nabaril Tatay niya? O kaya, ganyan kaya ako katalino kung ako nasa sitwasyon niya? Scholar siya sa school namin, nung 1st year ko lang siya nakilala. 4th year na kami ngayon, matagal-tagal na rin kaming close kaya matatawag ko na siyang bestfriend. :D

"Hoy! Bababa na ako." Natauhan ako nang bigla siyang magsalita. 'Hoy hoy', napapadalas yun uh? -_-

"Hoy Jeffo..... Jeff! Oh!" Binato ko sa kanya yung french fries na binili namin. Bago kasi kami dumiretso dito, dumaan muna kami sa Jollibee para bumili ng french fries para sa mga kapatid niya at hindi niya alam yun. Ang alam niya, bumili ako para sakin. x) "Uhmmm.... Kuya Michael, tara na po."

Hayyyyssss.... Naaawa ako sa bestfriend ko na natutuwa eh. Kasi alam ko pag-uwi niya, magbibihis na lang siya tapos didiretso na sa trabaho. Working student kasi siya eh, ewan ko kung bakit siya tinanggap kahit na 16 pa lang siya. Nagtatrabah siyang waiter sa Mcdo. Oh diba? Ang sipag! Kaya proud ako diyan eh ^^ Kahit masungit yan. -,-" Matalino. Masipag. Mabait naman din yan, di lang halata. =_= Habulin din yan ng mga babae. Kahit sa school namin, mukha kasi siyang mayaman dahil nga sa gwapo siya. Pero pag nalaman nila ang tunay na buhay ni Jeffoy. Naku! Lalayo yan, maaarte pa naman yung mga yun! Yung tipong kahit lamok, pinandidirian. Tsss.. >< At yun yung isang kulang sa kanya, ang maranyang buhay. Pangarap niyang maging Engineer, at ang mabigay lahat ng gusto ng pamilya niya. And worst... Pangarap niyang mapatay yung bumaril sa Tatay niya :O Hindi daw muna ngayon kasi wala pa siyang mukhang maihaharap dahil sa estado niya sa buhay. Yun talaga ang importante sa kanya, ang estad ng buhay ng pamilya niya.

 * * * *

A/N: Sorry kung maikli. :'> Tungkol muna kasi yan sa buhay ni Jeffoy eh.

Ayh este, Jeff pala! Peace Jeff! XD HAPPY 1K guys :*

Thankyou! ^^

 --_reeeyn ♥

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon