(C7: Flashback Feelings :>)

59 1 0
                                    

Ishra Leigh's POV

"Fine. I like you Ishra!" Nagulat ako sa sinabi ni Marco.

"Anong joke yan?" Tanong ko habang pilit na tumawa.

"Im not joking, Ishra." Seryosong sabi nya. "Matagal na kitang gusto. Ewan ko ba! Pero natotorpe ako pagdating sayo, sa iba naman hindi." Dugtong nya.

"Ma-Marco?" Napatingin ako sa kanya pero umiwas siya.

"Grade 4 pa lang Ishra, nung naging muse ka ng section natin, tapos nanalo ka pa sa Miss Little *insert famous Academy here* Academy natin, dun nagsimula yun. Pero tang'na! Ang dami kong nadaanang babae pero sayo lang ako natorpe. Imagine, almost 6 years na akong may gusto sayo tas ngayon lang ako umamin sayo kailan aalis ka na…… kailan may boyfriend ka na. Langyang buhay to…" Seryoso talaga siya. At nagulat ako sa sinabi niya. So? Siya din? Alam niya?

"Ah yung tungkol dun. No! Its just a rumor. Hindi totoo lahat ng yun. Bestfriend ko lang si Jeffoy."

"Jeffoy?" Pagtataka niya. Haha! Ako nga lang pala ang tumatawag sa kanya ng ganun.

"Ah oo! Nickname niya yun."

"Ah." Tumawa siya saglit. "Bestfriend lang talaga, pero may…" ngumuso siya (which means, 'kiss') Waaah! Ang cute niya :">

"Ayh, hinde! Ma-may bi-binulong lang siya." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Nasan na nga pala tayo?" Dagdag ko.

"Dun sa gusto kita simula grade 4, pero ngayon lang ako umamin." Seryoso na ulit na sabi niya.

"Marco, naiintindihan kita. Pe…" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nyang hilahin ang kamay ko at hawakan ito ng mahigpit.

"Ishra, will you be my girl?" Nagulat ako sa sinabi nya kaya lalo akong kinilig pero…

"Pa-parang ang bilis naman, Marco?" Pagtataka ko. Ewan ko! Matagal ko na rin syang crush ng hindi nya alam, pero may parang kung anong pumipigil sakin na wag muna. Aish! You know that feeling? Siguro, masyado lang mabilis.

"Ikaw kasi eh. Aalis ka na, yan tuloy napabilis." Tumawa sya na parang may halong dismaya.

Nakauwi na ako, hinatid ako ni Marco. Nasabi ko na rin naman sa kanya na pag-iisipan ko. Grabe, masyado kasing mabilis talaga! Halo-halo talaga emosyon ko eh. Kilig, dismaya, saya… aish! Alam nyo yung feeling na yun? Panira! The moment your crush confessed a feelings for you but there is something forcing you to say 'No'? The hell is that?!

Jeff Troy's POV

Pauwi na sana ako galing trabaho, pero nakita ko siyang malungkot. Balak ko sana siyang puntahan pero nagbago yun nung nakita kong lumapit sa kanya ang lalaking kinaiinisan ko. Naging doble ang inis na yun nung hinawakan niya ang kamay nito. Pvta! Bakit ba ako apektado? Matagal nya ng gusto yan. Alangan namang pigilan ko ang saya nya. Hindi ako makaalis sa pwesto dahil sa nakikita ko. Nakita kong naging seryoso siya habang kinakausap siya. Langya! Ano bang nangyayari sakin?!

Ewan ko uh?! Pero may kung anong pumilit sakin na sundan sila. Hinatid niya ito sa bahay. Parang huminto yung pag-ikot ng mundo ko ng halikan niya ito sa noo. Fvck! Ano ba Jeff?! ><

- - - -

(Kinabukasan)

"Kuyaaa… kuya!" Tawag sakin ni Jela. Bunsong kapatid ko siya.

Nag-aayos na ako, papasok na rin ako maya-maya.

"Bakit?" Matipid na sagot ko.

"May project kami." Kumunot noo ko saka umupo para tignan siya.

"Project? Jela naman. Hindi ka pa nga nag-aaral, project agad?" -Ako.

"Naku Kuya! Wala na sa sarili yan si Jela. Sinabi ko lang sa kanya na may project ako, ginaya na." Sabi ni Jane na kapatid ko rin. Grade 6 na siya, graduating na rin. "Pero Kuya, may project talaga ako." Pagtuloy nya.

"Jane, anak. Sabi ko naman sayo ako na lang eh. Wag ka ng manghingi dyan sa Kuya mo, nakakahiya. Tara nga dito." Pagsaway ni Mama.

"Hindi Ma, okay lang." Sabi ko kay Mama. "Kailan mo ba kailangan, Jane?"

"Huh? Sa…" Biglang nagsalita si Mama.

"Jane.. Hindi Jeff, okay na, ako na lang." Sabi ni Mama habang inaayos yung uniform ni Jane.

"Ma, pe…" Naputol na naman -__-

"Wag ng makulit. Sige na, kumain na kayo dun." -Mama. Ngumiti na lang ako.

Siguro nga malas ako pagdating sa pera. Pero ang swerte ko naman pagdating sa pamilya ko.

- - - -

(Sa school)

"Waaaaaah! Jeffoy!" Bungad sakin ni Ishra. Tsanggala! Jeffoy na naman! Mas gusto ko pang lagi siyang galit eh. "Jeffoy!" Tumakbo siya palapit sakin at kitang-kita sa mukha nya ang saya. "Jeffoy, grabe! Kinikilig ako!"

"Ano ba?!" Pagtaboy ko sa kanya. "Ano na naman ba yun?" -Ako.

"Ang saya saya ko!" Sabi nya habang nakangiti ng abot langit -___- "Pero may halong lungkot din." Biglang lumungkot yung mukha nya. Tsss..! Daddy nya na nman -_______-

"Ano ba yun?!"

"Ano bang gusto mong unahin ko? Masaya? Malungkot?" Tanong nya. Kitang-kita ko sa mukha nya ang hindi maintindihang emosyon.

"Kahit ano." Mahinang sagot ko.

"Nililigawan ako ni Marco!"

* * * *

A/N: Ano kayang magiging reaksyon ni Jeff nito ngayong meron siyang lihim na pagtingin sa bestfriend nya, pero siya mismo, hindi maintindihan kung anong nararamdaman nya?

Sa phone po ako nag-update kaya ampangit ng peg ng chapter ngayon. Sorry! -,- :)

Thanks for undertanding! :*

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon