(C3: Bestfriend?)

73 1 0
                                    

ISHRA LEIGH's POV

"Let it go, let it go!

Can't hold it back anymore.

Let it go, let it go!

Turn away and slam the door..." 

Naglalakad ako sa sala habang kinakanta yung Let It Go ng Frozen. Ang ganda kasiiiiiiiiiiiiii! ^^

"Hoy!" Mabilisang sigaw ni Kuya kaya naman nagulat ako.

"Ayh panget na Shomba kamukha mo! Ano baa?!" Sigaw ko. Puteeek! Nagulat ako dun.

"Ang ingay mo kaya! Kita mong natutulog ako dito!" Aba, malay ko bang nandun siya noh?

"Baka nakita kita? Bakit naman kasi diyan ka natutulog Kuya, may kwarto ka diba?" Inis na sabi ko sa kaniya. May kwarto naman siya pero dito natutulog. Kuya ko nga pala siya, si Kuya Ethan Luke Flores.

"Sasagot ka pa!" Tumayo siya saka ako hinabol sa sala. Tumakbo naman ako -_____-

Then BOOM!................

"Some important thing fell in to the grouuuuuuuuuuuundddddd........" Sabi ko na may halong pang-aasar na parang panlalaki na bata yung boses XD "You're dead, Kuya...!" I evil smiled at him.

"What's that sound?"  Sigaw ni Mommy mula sa taas. Nabunggo kasi ni Kuya yung vase at ang pagkakaalam ko........

"Hala ka!" Tinatakot ko pa lalo si Kuya.

Pababa na si Mommy.

"What did you do?" Tanong ni Mommy na hindi malaman yung expression niya, kung galit ba o ano. Ayh ewan!

'

"A-ano po..... Mommy kasi..... ano...." Hindi mapakali si Kuya.

"Hinahabol niya kasi ako Mommy, then bang!" May hand gestures pa yan uh? "He really doesn't mean to do that." Pagtatanggol ko kay Kuya.

"Ah yeah." Yun na lamang ang naisagot ni Kuya.

"Alam nyo ba kung saan pa galing yan? Galing pang Europe yang vase na yan, uwi pa ng Lola nyo yan." Pagpapaalam samin ni Mommy.

"Eh Ma, hindi ko naman po sinasadya. Magpadala na lang ulit kayo..."

"Im not joking here, Ethan." Galit na sabi ni Mommy. "Bat ba kasi kayo naghahabulan?"

"Eh kasi to Ma eh, ang ingay ingay! Natutulog ako eh, tula ng tula!" -Kuya.

"Anong tula? Kanta yun! Loko ka uh?" Sabay hirap sa kanya. Ang ganda ganda ng boses ko tapos sasabihin niya na tula yun?

"Ikaw Ethan, ang laki-laki mo na pinapatulan mo pa yan. Ikaw naman Ishra, babae ka pero kumilos ka prang lalaki. Umayos nga kayo uh?" Galit na suway samin ni Mommy.

"Yes Mom.." Mahinang sagot namin ni Kuya.

"Be sure of that." -Mommy.

"Fine!" Sagot ko at dire-diretsong umakyat sa kwarto ko.

- - - -

*Jeffoy Calling*

"Yes? Hahhhhh!" Hikab ko, natutulog kasi ako eh.

[Come here.] -Jeffoy.

"Huh? Anong oras na ba?" Tumingin ako sa clock sa side table ko. "Hoy! Ano ka? Its already 1:26 AM. Are you out of your mind?"

[OA mo eh noh? Nandito ako sa Veranda nyo.] -Jeffoy.

"Kahit na. Bakit ba?"

[Basta!]

*toot toot toot*

Binabaan ako, walang hiya! -_____-

- - - -

"What can I do for you, Mister?" -Ako.

"Just sit here." Nakaupo siya sa sofa habang may binabasa na ewan ko kung ano yun. -,-

Umupo ako sa tabi niya. "Oh tapos? Okay na? Can I go back to sleep now?" Tatayo na sana ako pero hinila niya yung kamay ko nang hindi inaalis tingin sa binabasa niya.

"Upo!"

"Ano ba kasing kailangan mo?" Inis na tanong ko at saka umupo.

"Ano mo ba ako?" Tanong niya na hindi inaalis yung tingin sa binabasa.

"Best..... friend?" Napaisip ako dun uh? "A-ano ba? Kinakaibigan? Huh?" Nagtaka din ako sa sinagot ko na parang tanong.

"Moron. Pinapasaya, pinapatawa."

"Aba loko ka uh? You jerk!" Bawi ko sa kanya.

"Idiot." -Jeffoy.

"Sunget!"

"Liit!." -Jeffoy.

"Pangit."

"Ugly girl." -Jeffoy.

Wala na akong maisip na panggaganti. "Bakla!" Napansin ko kasi, simula ng magkakilala kami, hindi pa siya nagkakagirlfriend.

"What?" Galit na tanong niya.

"Gay!" Toungue's out.

"Anong sabi mo?" Tanong niya ulet, saka tinignan ako ng masama.

"A-ano? Wa-wala. May sinabi ba ako?" Ewan ko pero nasisindak ako sa mga tingin tingin niya.

"Meron. Moron."

"Meron pala eh...... Ano yun?"

"Na bakla ako." -Jeffoy.

"Haha! Ikaw nagsabi niya, hi-hindi ako."

"Want me to prove it to you?" Nakatingin pa rin siya sakin.

"Ha-huh?" Ano na nman to? Palapit ng palapit yung mukha niya. Tae! Kinakabahan ako."Je-Jeff.... Anong ginaga-gawa mo?" Napapikit ako at ramdam kong pulang-pula na yung mukha ko dahil sa sobrang lapit niya. Konti na lang at didikit na yung labi niya sa.......

* * * *

A/N: Pabitin effect? HAHA! Sarry :'D Ano, kamusta ulet? Pakicomment na lng yung mga gusto nyong sabihin, mapapositive o negative man yan. Go! :D Thank you! ^^

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon