Ishra Leigh's POV
(Sa front house…)
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad dito. Kanina ko pa siya tinatawagan, hindi niya naman sinasagot. Kanina ko pa siya tinetext, hindi rin siya nagrereply. Ano ba yan?! Naaasar na ako.
Ang gulo niya! Kanina lang sabi niya, mahal niya ako, tas sasabihin niya rin layuan ko siya? Ano ba to lokohan? Hindi ko naman pwedeng iiyak ang lahat, lalo na't hindi ko alam ang reason ng paglayo niya saken. >:/
*beep beep*
Napatingin ako sa gate dahil sa kotseng bumisina. Hinintay kong makapasok yung kotse para makita ko kung sino yun. "Si Daddy." Bulong ko sa sarili ko.
Papasok na sana ako sa loob para iwasan si Daddy, pero tinawag niya ako. "Ishra.." Tawag niya sakin bago ko marinig na sinara niya yung pinto ng kotse niya.
Nilingon ko siya at lumapit sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Ishra, alam mo na para sa ikabubuti mo ang ginagawa ko, alam mo yan. At walang ibang inisip ang mga magulang kundi ang makabubuti sa mga anak nila."
"Dad, not all the time yung makabubuti lang samin ang isipin nyo. For the meantime, yung makakasaya rin samin. And what, anak?" Tumawa ako ng pilit, at ramdam kong nagtea-teary eyed na ako. "Ni minsan Dad, hindi ko naramdaman anak mo, tas sasabihin mo yan? At alam ko rin po na kaya mo ko gustong paalisin, kasi gusto mo kong lumayo sa kanya. You should be happy Dad, kasi ginagawa niya." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Then that's good." Lumakad siya para sana pumasok na, pero nagsalita ako at humarap sa kanya.
"But Dad, I love him!" I admitted.
Lumapit siya sakin. "You should stop that love before anything get worst." Kita sa mukha ni Dad ang galit.
"So it happens Dad!" Lumakas yung tono ng boses ko. "He's staying away from me, and I cant take it. You know what I mean, Dad. You're my father, you should be happy where am I happy. Pero sa nakikita ko, wala kang ginawa kundi imanipulate kami. Gagawin ko naman lahat Dad eh. But please, not this, not this one." Yan ang sinabi ko kay Dad, at saka tuluyang pumasok at umakyat.
- - - -
Jeff Troy's POV
Kailangan kong pigilan ang sarili ko sa kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya.
Alam ko pagsisisihan ko din 'to sa huli, pero ito muna ang tama sa ngayon.
"Anak.." Natauhan ako ng tawagin ako ng Mama ko.
"Oh Ma, akala ko tulog ka na?" Tanong ko. Gabi na kasi kaya akala ko tulog na siya.
"Hindi ako makatulog. Eh ikaw, bat gising ka pa? May practice ka pa bukas para sa graduation mo." Sabi ni Mama.
"Hindi ako makatulog Ma eh." Sagot ko.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Ma, ganto ba talaga pakiramdam pag-umamin ka na sa taong mahal mo?" Tanong ko kay Mama. Alam
ko ang weird, pero pagdating talaga sa mga ganitong bagay, kundi si Ishra ang kausap ko, si Mama.
"Si Ishra ba yan, anak?" Tanong niya.
"Huh? Ah, opo Ma eh." Utal-utal na sagot ko. Iba talaga pag Mama mo noh? Ramdam niya lahat, pati kung sino yung mahal mo.
Huminga siya ng malalim, hinawakan niya ang kamay ko at saka nagsalita. "Sa umpisa lang yan, kasi naeexcite ka sa mga susunod na mangyayari."
"Iba to Ma eh, hindi saya ang nararamdaman ko, kundi takot at lungkot. Aalis na siya Ma." Malungkot na sabi ko. Mahirap isiping aalis na siya, kanina lang aako umamin tas 1 week na lang, mawawala rin lahat ng yun.
"Hayyy... malaki ka na nga talaga, anak." Hinimas niya yung buhok ko, napangiti ako dahil dun. "Alam mo, hindi naman natin mapipilit ang pag-ibig eh. Pero hindi rin naman natin pwedeng itago ang nararamdaman natin, kasi habang nakatago ito, mas lalo tayong nasasaktan, mas parang lumalayo yung loob natin sa kanya. Hindi rin naman natin masisisi, kung bakit sa isang taong imposible pa ito.." tinuro niya yung puso ko. "…nagkagusto, kasi lahat tayo may karapatang magmahal, pero hindi sa lahat ng pagkakataon masaya tayo. Alam mo anak, hindi puro saya ang nasa isang pag-ibig."
* * * *
A/N: Ano na kaya ang mangyayari sa mga susunod pa? Patuloy pa rin kayang lalayo si Jeff kay Ishra? Eh kayo guys, patuloy nyo pa rin ba itong susuportahan? Lol. XD Musta po? Don't forget to comment your thoughts! ;> Love you guys! <3
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Ficțiune adolescențiBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...