(C15: Im sorry)

53 1 0
                                    

Ishra Leigh's POV

Graduation na. Ilang araw niya na akong hindi pinapansin, hindi ko naman siya magawang lapitan kasi natatakot ako na baka itaboy niya na lang ako bigla, o kaya magalit siya, o kaya bawiin niya yung sinabi niya saking mahal niya ako. Nagspeech na rin siya kanina kasi Valedictorian siya, pero saglit lang yung speech niya. Nakita ko pa siyang tumingin kay Daddy, kaya naman napatingin din ako kay Daddy nun, at nakatingin din ito sa kanya.

"Congratulations, anak!" Masiglang bati sakin ni Mommy.

"Thank you, Mommy." Sabi ko kay Mommy habang nakatingin kay Jeff sa malayo. Kasama niya ang Mama niya saka yung dalawang kapatid niya. Nakaupo siya sa bleachers habang inaayos ng Mama niya yung toga niya tapos magpipicture, pero si Jeff nakatingin sa labas, para bang may hinahanap.

"Where do you want to go, Ishra?" Tanong sakin ni Mommy, pero hindi ko siya pinansin.

"Wait lang Ma uh?" Paalam ko sa kanya saka umalis, nakita ko kasing lalabas si Jeff kaya naisipan kong ngayon na siya lapitan at kausapin. Aalis na rin naman ako mamaya, siguro hindi na masama yun.

Pero parang nabiyak ang puso ko ng makita kong nilapitan niya ang isa sa mga kabatchmate namin na grumaduate din, hindi niya lang ito basta nilapitan, hinalikan niya pa ito sa noo at saka inakbayan. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nakita ko. Pinipigilan kong hindi tumulo ang luha ko, pinunasan ko na lang ito. Tumalikod na ako at saka bumalik kila Mommy.

Sabi niya mahal niya ako diba? Sinabi niya yun! Tas makikita ko siyang may kasamang babae? Fvcksh*t siya! Niloloko niya lang ba ako? O way niya lang to para lumayo na talaga ako sa kanya? Hindi ako ganun katanga para hindi maramdaman yung katotohanan sa mga sinabi niya nung gabing yun! ><

"Oh umiiyak ka ba?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Marco.

"Huh? Hindi noh! Tears of joy lang to! By the way, congrats sayo!" Pilit kong ngiti sa kanya.

"Ah." Ngumiti siya. "Congrats din sayo! At saka ingat ka dun uh? Mamaya na flight mo eh, mamimiss kita kahit hindi pa tayo ganun katagal magkakilala. Sa ngayon, ihihinto ko muna panliligaw ko, ang hirap kaya ng long distance relationship noh!" Tumawa kami pareho. "Di bale, pag-uwing pag-uwi mo, liligawan ulit kita!" Determinadong sabi niya.

"Thank you Marco uh?"

"Ano ka ba! Wala yun!" Masiglang sabi niya.

"Marco! Tara na, pupunta pa tayo sa Lola mo." Rinig kong tawag sa kanya ng babae. Mommy niya yata.

"Wait lang Ma." Sigaw niya sa Mommy niya. "Oh pano ba yan? See you in many years? Haha! Ingat ka dun uh? Papakasalan pa kita." Biro niya, natawa naman ako dun.

"Sige Marco! Babye!" Kumaway ako sa kanya.

"I LOVE YOU ISHRA!" Sigaw niya bago tuluyang umalis. Tumingin ako sa paligid, agaw atensyon ako. -,-

- - - -

Tinanong ako ni Mommy kung san ko daw ba gustong magcelebrate, sabi ko wag na lang. Kaya nandito ako ngayon sa kwarto ko, umiiyak, nilalabas ko na lahat ng galit, selos, inggit, lungkot at kung ano ano pa! Sa panahong ganto wala akong makakausap.

"Nakakaasar ka Jeff! Bwisit!" Sigaw ko sa kwarto.

*tok tok tok*

Agad kong pinunasan yung luha ko at umupo ng maayos sa kama.

"Come in." Mahinang sabi ko.

Pumasok si Daddy, tumayo sya sa harap ko.

"Ishra..." Tawag niya sakin, inangat ko kaunti yung ulo ko pero hindi ako tumingin sa kanya. "Ayokong umalis ka ng may galit diyan sa puso mo. Papapuntahin kita dun, to make a new memories." Tumingin ako sa kanya. "Sana maintindihan mo…"

"Yah Dad, Im trying to understand." Putol ko sa sasabihin niya. "If you're just going to lecture me about that thing. Just please Dad, leave me alone, I wanna have some rest." Tuloy ko, humiga ako sa kama at saka nagtalukbong ng kumot.

"I hope you forgive me someday, Im sorry Ishra."

* * * *

A/N: Ngayon na yung alis niya. T_T Nakakalungkot man, pero yun po ang takbo ng story. x) Sorry kung maikli. :') Comment! Love you readers! :*

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon