(C10: Distance between us </3)

71 1 0
                                    

Ishra Leigh's POV

(Sa kwarto...)

Alam nyo yung feeling na, hindi mo alam yung feeling? Yung ganung feeling? Alam nyo yun?

Yung tipong kumikilos mag-isa yung kamay at paa mo. Yung nagsasalita mag-isa yung bibig mo. Tas pati utak mo, nagpaplano mag-isa. -____-

Ganyan yung nangyari sakin kanina.

Bigla ko na lang nayakap si Jeffoy nang hindi sinasadya. Huh? Hindi sinasadya? Parang imposible, diba? Pero, wala eh. Yun yung nangyari kanina. -,- Yung puso ko nagwala na ewan. Aish! Sa dami ng taon na pagsasama namin, ngayon ko lang siya nayakap. Kaya siguro, gnun yung feeling. :/

*knock knock*

Napatingin ako sa pinto habang nakahiga.

"Ishra...." Tawag ni Mommy sakin habang nakasilip yung ulo niya sa pinto.

Nag-indian seat ako sa kama, saka pumasok si Mommy.

"Ishra, anak. Halika nga, mag-usap tayo." Hinila niya yung kamay ko para mapalapit sa kanya saka siya umupo sa tabi ko.

"About what, Mom?" Malumanay na tanong ko kay Mommy habang nakayuko at pinaglalaruan yung kamay ko.

"Hayyy... Alm kong hindi mo pa rin tanggap ang desisyon ng Daddy mo." Mahinahong sabi niya. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Parang kailan lang ang liit liit mo pa. Noon, lahat ng gusto mo ibinibigay namin ng Daddy mo, at lahat din ng tama na alam namin para sayo sinusunod mo kahit ang kulit kulit mo nun..." Hinawakan niya ang kamay ko at saka nagpatuloy. "Ngayon, ang laki laki mo na, kaya mo nang huminde sa mga desisyon namin. At kaya mo na ring sumuway, pero kahit ganun……… I trust you, anak. Alam kong alam mo na ang tama sa mali." Pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak niya.

"Mommy… do… do you believe in that rumor?" Tanong ko kay Mommy.

"Katulad nga ng sinabi ko, anak. Alam kong alam mo na ang tama sa mali." Sagot niya, dahilan para mapangiti ako. Siguro nga hindi ako nag-iisa kasi nandiyan pa pala ang Mommy ko para saken.

"Thankyou Ma."

"Halika nga dito. Ikaw bata ka, pinapaiyak mo si Mommy eh." Masayang sabi ni Mommy pero alam kong may halo pa rin yun na lungkot kasi maghihiwalay na kami. "Mag-iingat ka dun uh? Dont talk to strangers uh? Dont give your number just to anyone, okay? Malaki ka na." Sabi ni Mommy habang nakayakap sakin.

"I love you Mommy." Pinipigilan kong tumulo ang luha ko, ayoko ng madagdagan pa ang lungkot niya.

"I love you more baby." Napahigpit ang yakap ko sa kanya. Namiss ko yung pagtawag niya saken ng baby. :')

- - - -

(Kinabukasan sa school…)

Recess na. Mas boring pa pala pag hindi ko kasama si Jeffoy. T_T Kahit pala tahimik lang siyang kasama, nakakamiss pa rin siya. Hayyss....

Eto ako ngayon, mag-isa sa table tas kumakain din mag-isa habang pinagmamasdan siya sa malayong-malayong table (Layo lang, pag malayong-malayo. Australia na yun! -,-). Ngayong table nga lang ang layo niya sobrang miss ko na siya, pano pa kaya pag nasa Australia na ako? Pano naa? Nakakaasar naman kasi siya! Parang wala lang yung sinabi ko sa kanyang pag-alis ko, at ang malupit pa dun, gusto niya talaga akong paalisin! ><

"Haaayyyy....." Huminga muna ako ng malamim bago ko inumin yung Tropicana ko. Grabe! Di ko talaga maintindihan tong pagkamiss ko sa kanya. Siguro (ULET) , hindi lang ako sanay na wala yung presence niya sa tabi ko. Pero kahit nandyan naman siya, parang wala rin siya. Ayh ewan!

"Mukhang malalim iniisip natin uh?" Natauhan ako ng biglang magsalita si Marco. Hindi ko napansin na pumunta pala siya sa table ko :/

"Ah... hindi naman." Sagot ko sabay ngiti sa kanya.

"Hmmm... siguro tungkol yan sa panliligaw ko sayo noh?" Nagulat ako sa sinabi niya. Parang simula ng makausap ko kahapon si Jeffoy, nakalimutan ko na yung tungkol sa panliligaw niya. "Oh ano? Napag-isipan mo na ba? Ano ng sagot mo?" Masiglang tanong niya. Waaaah! Anong sasabihin ko dito? Mahina pa naman ako pagdating sa ganitong usapan. Lalo na't crush ko pa to!

"Ah ano kasi Marco..." Bahala na! Kung ano na lang lumabas sa bibig ko. "Ang totoo niyan, matagal na kitang gusto eh..."

"Oh, edi maganda pala! Malaki ang chance ko." Hindi pa rin natatanggal ang saya sa mukha niya.

"Pe-pero sana, wag muna ngayon. Kasi…" Hayysss... Bahala na nga si Batman! "Kasi hindi ko pa maintindihan yung nararamdaman ko." Napatingin ako sa table ni Marco pagkatapos sabihin yun, pero wala na siya dun.

"Ganun ba? Okay lang Ish, I understand and Im willing to wait." Kitang-kita sa mukha niya yung pagiging sigurado sa mga sinasabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko at saka nagsalita ulit. "I promise Ish, hindi ka magsisisi pag naging tayo."

* * * *

A/N: Ano na kayang mangyayari between the two BESTFRIEND? Hmmm? Bestfriend nga ba? :D

Musta po? Nahirapan akong mag-isip pagkatapos nung sa Mommy niya. Si Vice Ganda kasi eh, panggulo XD Pero buti na lang may pumasok sa utak ko :D Comment your thoughts, guys! ^^ Thankyou! :*

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon