(C17: Letter)

42 1 1
                                    

Jeff Troy's POV

*tok tok tok*

"Sino yan? Hating gabi na uh?" Mahinahong sigaw ni Mama sa kumakatok. Baka kasi magising yung mga kapatid ko.

"Ma, ako na lang." Prisinta ko na ako na lang magbukas.

"Jeff…" Sabi ng babae sa harap ko.

"Tita Elsa."

"Kahit sinaktan mo ang anak ko, wala akong magagawa, ganun ka niya kamahal. Oh." May inabot siya saking envelope, saka sana aalis.

"Tita…" Tawag ko, humarap siya sakin. "Na-nakaalis na siya?" Tanong ko.

Tumango lang siya saka tuluyang umalis.

"Jeff, sino yun?" Tanong ni Mama.

"Si Tita Elsa lang Ma." Sabi ko habang umaakyat sa taas.

Tinignan ko yung envelope. Familiar yung enevelope na to, eto yung envelope ma may laman ng pictures namin. At hindi ako nagkamali, ito nga yun! Pagbukas ko, nandito pa rin yung mga pictures, yung mga pictures na naging dahilan ng lahat ng nangyayari ngayon. Hindi lang picture laman nito, may papel din ito. Binuklat ko yun at binasa.

"Hi Jeff! :)

Hindi naman mahirap yung pag-alis ko eh. Alam mo kung ano yung mahirap? Yun yung pinipilit mo yung sarili mong ngumiti saka maging masaya, kasi alam mong hindi na babalik yung dating ngiti, tawa at saya mo.

Mahirap nang maging masaya, lalo na't pag malayo na tayo sa taong nagbibigay ng lakas ng loob, nagpapasaya at nagpapangiti sayo. Ngayong malayo na ako sayo, siguro wala nang dahilan para maging masaya ulit ako. Pero pipilitin ko Jeff, para sayo, pipilitin ko, kahit mahirap at kahit masakit tanggapin na may iba ka na. Kailangan eh, that's life. :') Im leaving to make a new memories. Yeah, a new memories without you. You also need to start over again without me Jeff. Be happy with that girl, dont break her heart, okay? Pektus ka sakin! And its up to you, kung buburahin mo na ako sa buhay mo, I understand.

Nung nasa airport ako, I promise myself, pag hindi ka dumating, I'll delete you in my life. Sorry Jeff! This must be my only way to forget you, to forget all the memories we had. Tae! Naiiyak na naman ako. Takte ka kasi eh! Sana hindi ka na lang nagconfessed kung ganto lang din mangyayari. I used to be with you in everyday of my life. Pero siguro ngayon, we need to try something new. Alam ko ang corny ko. Haha! Pero Jeff, mahal na mahal kita. Mamimiss ko yung pagiging tahimik mo. Mamimiss ko lahat lahat sayo. Mahirap mag-move on, pero sa dami ng taon na dadaan na hindi kita kasama, siguro sapat na yun noh? Basta Jeff, kung sakaling magkita man ulit tayo, ayoko ng makita sa mga mata mo yung mga memories natin noon, gusto kong makita diyan kung anong saya meron ka na pagdumating yun. I love you Jeff! Im gonna miss you. :) SMILE! Goodbye.

PS. Goodbye doesn't always mean its the end. We're just need to start a new beginning.

-- Ishra Leigh Flores"

* * * *

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon