Jeff Troy's POV
"Kuyaaaaaaa!" Tawag sakin ng kapatid kong si Jane. Naaalala niyo, yung grade 6 kong kapatid? Na ngayon, 2nd year College na.
"Bakit ba? Makasigaw naman to." Naiiritang sabi ko.
"Thank youuu!" Sabi niya sakin sabay yakap. "Thank you talaga sa gitara Kuya. Kyaaahhh! You're the best Kuya ever!" Sigaw pa niya habang nakayakap sakin. Tae! Mababasag eardrums ko nito eh.
"Oo na, oo na. Sisigaw ka na lang sa tenga ko pa. Kung ganyan ka kaingay lage, kukunin ko na lang yung gitara. Para kang si Ishra. Tss..." Naiirita pa rin ako.
"A-ano Kuya? Teka! Parang may hindi ako narinig. Ano yun? Pakiulit please?"
"Huh? Ang alin? Babawiin ko yang gitara?" Pagtataka ko.
"Hinde, hinde yun eh. Yung huli mong sinabi." Pagpupumilit niya. Ano ba yun?
"Yung tssss?"
"Hahaha! Si Kuya, namimiss si Ate Ishra, uyyy!" Pang-aasar niya. Teka! Hindi ko yun nagets. "Sabi mo, para akong si Ate Ishra. Uyyyy...!"
"Aishh... Ewan ko sayo! Aalis na ako." Sabi ko saka kinuha yung gamit ko sa kama.
Engineer na ako ngayon. Unti-unti ng natutupad lahat ng pangarap ko, maliban na lang sa isa.
Sa anim na taon na nagdaan, maraming nagbago. Lalo na sa buhay namin. Lahat na kaya kong ibigay, kahit ano. Si Jane, na second year college kong kapatid, nandun sa La Salle tumatambay. Si Jela, na grade six kong kapatid, nandun sa school na pinapasukan ko dati. Mas gusto niya daw dun, kasi nakita niya na madami akong memories na nabuo. At baka daw sakaling may makita siyang katulad ko dun. Mga kapatid ko idol ako.
Si Mama? Nandun sa Hong Kong nagbebreakfast.
Ako? Eto, pinagsusumikapang maabot din ang lahat ng pangarap ng kapatid ko. Yun na muna ang pangarap ko sa ngayon, saka na yung pagpatay sa taong pumatay sa Tatay ko. Hindi ko siya makakalimutan. *evil grin*
Si Ishra? Wala na akong balita sa kanya simula nung umalis siya. Ang alam ko lang, wala na akong nararamdaman para sa kanya.
Ishra Leigh's POV
(Sa bahay…)
"Ishra, anak.." Agad akong sinalubong ng yakap ni Mommy pagbaba ko ng kotse.
"Mommy..!" Grabe! Namiss ko to si Mommy. "I miss you so much!"
"Ang laki laki mo na, anak. Sa video call lang kita nakikita. Sorry uh? Busy lang talaga kami ng Daddy mo sa bussiness." Dadag pa niya.
"Oh nandito na pala ang maingay." Salubong sakin ni Kuya, kaya agad akong napatingin sa gawi niya.
"Wow uh? Ang ganda ng salubong mo. Thank you uh? Nagkagirlfriend ka lang ng model.." Sagot ko sa kanya.
"Which means, na pogi talaga ang Kuya mo. You should be proud of that." Pagpapatuloy niya.
"Ah ano Mommy, parang humangin, akyat muna ako uh? Summer na summer, ang lamig lamig. Whoo! Ang creepy." Sabi ko habang pumapasok sa bahay sabay belat kay Kuya.
Sa madaming taong nagdaan, maraming nagbago.
Nagbago na yung dating Ishra na kinilala niyo.
Ang dating Ishra na palaban pero may pagkaduwag.
Ang Ishra na madalas magalit.
Ang Ishra na maingay.
Ang Ishra na minsang minahal ang bestfriend niya.
At yun ang bagay na mahirap alisin lalo na't iniisip mo na magkikita pa ulit kayo.
* * * *
A/N: Nagbalik na si Ishraaaaaa :O Ano kayang magaganap sa unang pagkikita nila? Woot! Konting kembot na lang po, matatapos na ;)
May susunod pa po akong story, entitled "My Rival Sister" ;) Madaming nagsasabi na title pa lang, kaabang-abang na. HAHA! Kahit ako, inaabangan ko. Lol :D So ayun! Keep reading, voting! Comment na rin! Try nyo rin pong ishare, uso yun! ;D Love you readers! <3
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Teen FictionBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...