(C13: Confession)

50 1 0
                                    

Ishra Leigh's POV

"Ishra, I love you." Seryosong sabi niya. Huh? Lo-love? Hinde, nabingi lang ako. Diba? Like sh*t! Ano na namang pakulo to?

"Ano bang pina-pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya saka ako humiwalay ng yakap.

"Ishra, I know its hard to believe, hard to understand, hard to hear, hard to put up in your mind, but fvck! I also did the same. Its so difficult..." Mabilis na sabi niya. "Pero tangna naman kase! Hindi ko maintindihan pero believe me or not, gumaan yung pakiramdan ko nung sinabi ko sayo to.." Halata sa mga mata niya na seryoso siya. Kahit naiilang ako, may pumipilit sakin na wag alisin yung mga titig ko sa kanya. "Ewan ko, pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at alam mo yun. For all these years, may hidden feelings pala ako sayo. Haha! Nakakatawa diba? Kasi sa dinami-dami ng mas magandang babae diyan, mas matalino sayo, hindi kasing gulo mo. Ewan ko kung bakit ikaw pa." Dagdag pa niya. Aba loko to uh? -___- Matutuwa ba ako o ano? "Ishra, may kausap ba ako?"

"Huh? Ah oo." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin?" Yan ang lumabas sa bibig ko. Ano nang gusto niyang gawin ngayon? Maging kame? Shocks! Si Marco!

"Mahal kita, pero hindi pwede." Nag-iba yung tono ng boses niya. Tumingin siya sa dagat.

"Huh?" Pagtataka ko, tinignan ko ulit siya habang nakatingin siya sa malayo. "Anong…… panong hindi pwede? Teka, ang weird naman! Kanina lang sabi mo ma-mahal mo ko tas ngayon hin-hindi pwede? Bakit? Pa-papano? Hindi kita maintindihan Jeff.." Naguguluhang sabi ko sa kanya.

"Sorry Ishra pero siguro dapat……… layuan mo na ako." Seryoso na may halong galit na sabi niya.

Bigla na lang tumulo yung luha ko nung narinig ko sa kanya yun. "Jeff naman! Ano ba?! Hindi naman kita maintindihan eh! Ipaintindi mo naman! Nakakaasar ka na!!" Sigaw ko sa kanya. Naguguluhan ako! Hindi ko maintindihan sinasabi niya. Bakit hindi pwede? Eh diba mahal niya ako? Kung ano man ang dahilan na yan! Dapat ipaglaban niya ako, kasi nga MAHAL NIYA AKO! ><

Tumawa siya ng mahina. Siraulo yata tong taong to eh -____- "Bullsh*t! Ano bang nakakatawa?! Nagagalit na nga ako, tumatawa ka pa! Ano ba Jeff!" Sigaw ko ulit sa kanya. Bwisit!

"Haha...." Pilit na tawa niya. "Nakakatawa kasi ang tanga ko, alam mo yun? Nagiging bobo ako dahil sayo, nagiging duwag ako dahil sayo. Hindi kita kayang ipaglaban. Sh*t lang diba?" May kung anong kumikinang sa mata niya at alam kong luha niya yun. Tumingin ulit siya sakin. "Im sorry...." Hinalikan niya ako sa noo at saka tumayo para umalis.

"Jeff...." Tumayo ako para sundan siya. "Jeff wait!" Hindi pa siya nakakalayo, niyakap ko siya mula sa likod. "Mahal mo ko diba?" Umiiyak na sabi ko. "Jeff, mahal din kita. Kaya sana please, wag sa ganto. Wag sa gantong paraan na parang tinataboy mo na ako. Jeff, Jeff please? Mahal kita, mahal mo ko. Wag mo naman akong iwan oh!" Wala akong kahit anong narinig mula sa bibig niya pero yung puso niya mula sa likod niya, rinig na rinig ko ang bilid ng pagtibok nito. Tumulo yung luha niya sa kamay ko. "Jeff...." Nanghihinang sabi ko dahil nararamdaman ko ang kamay niya na tinatanggal yung kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko. "Jeff no! Ayoko! Hindi ko to aalisin hangga't hindi mo ko sinasagot! Jeff ano ba?!" Pumiyok na ako sa pagkasabi nun dahil na rin sa pag-iyak ko. Pero nabigo ako. "Je-Jeff...." Tumakbo siya, nilagpasan niya si Kuya Michael. "JEFF!" Hinabol ko siya. "Jeff, wag mo kong iwan. ANO BA?!!!" Napaupo na lang ako sa sahig dahil alam kong hindi ko na siya maaabutan dahil sa bilis niya, at nanghihina rin ako dahil sa mga sinabi niya.

Akala ko eto na ang simula ng pagiging masaya ko kasama siya. Pero lahat ng yun, AKALA lang pala! Sinabi niyang mahal niya ako. Dahil sa iniwan at tinakbuhan niya ako, para niya na ring sinabing joke lang lahat yun! Fvck! Pero, umiiyak siya, ramdam ko yun eh! Umiiyak siya! Totoo lahat ng sinasabi niya. Pero bat hindi niya ako kayang ipaglaban kung ano man yung gumugulo sa kanya? Bat ganun?

Minsan talaga may mga bagay na kahit para talaga sa atin, ayaw nila para sa atin.

Minsan hindi lahat ng gusto natin makukuha natin.

* * * *

A/N: Sheyt! Bat ganun? Grabiiii na itu! :( Chill ka lang muna Ishra! </3 Chill lang din kayo guys! :* Comment! ;)

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon