(C22: Whatta reaction?!)

38 1 1
                                    

Ishra Leigh's POV

"Ahahahha! Alam mo yan ang hindi ko napansin sayo dati, yung pagiging makulit at maingay mo." Sabi ko kay Marco habang tumatawa. Nandito na kami ngayon sa mall. Ganto pala talaga kaingay tong si Marco. Grabe! Hindi ko matake. XD

"Kaya nga bagay tayo eh." Sabi niya.

"Huh?" Napahinto ako sa pag-inom ng iniinom ko. Malamang! Alangang pag-inom ng kinakain dba? -,-

"Kaya mong makiride sa mga jokes ko, tas pareho pa tayo ng personality. Di kaya we're destiny for each other?" Sabi niya saka ngumiti ng nakakainlove. Pag ako nabulunan sa iniinom ko. Tsk! Mabulunan sa iniinom? Medyo syonga Ishra.

"Haha! Baliw." Saka ko siya binato ng french fries.

"Oo, baliw na baliw sayo." Ngumiti na naman siya. Syet naman oh! Pag ako nainlove na ng tuluyan dito.

"Tigilan mo nga ako Marco." Natatawang sabi ko sa kanya. Kinikilig kasi ako, pero bawal ipahalata. Haha!

"Sagutin mo na kasi ako. Alam mo kasi sabi nila, ang panliligaw hindi pinapatagal, ang relasyon dapat." Sabi niya at saka uminom.

"Alam mo rin kung ano sabi nila?" Lumapit ako sa kanya. "True love waits." Bulong ko. "Saka dun mo malalaman kung maeffort ang lalaki eh." Dagdag ko pa.

Napansin kong nagseryoso yung mukha niya. "Minsan kasi nakakapagod din maghintay, hindi mo alam ayaw pala talaga sayo nung girl. Kaya Ishra…" Hinawakan niya yung kamay ko. "Sagutin mo na ako. Kahit mapa NO or YES pa man yan, tatanggapin ko yan. I'll respect your decision." Saka siya ngumiti. May point naman yung sinabi niya, pero importante pa rin sating mga girls yung effort ng boys diba? Pero importante naman sa boys, yung sagot nating mga girls.

"Ma-Marco...."

"Iintindihin ko kahit ano pa yan Ishra." Hinigpitan niya pa yung paghawak sa kamay ko. Tinititigan niya ko kaya nakikita ko na sincere siya and he's begging using his eyes.

I let out a deep breath before answering. "Fine. Its a yes Marco."

Jeff Troy's POV

Naghaya na naman ng date si Allysa. Kung pwede lang ako umayaw dito, siguro matagal ko ng ginawa. Nakakairita na eh! Hindi kasi natuloy yung date namin kahapon, nabiwist kasi siya kay Ishra. Hindi ko daw siya pinansin. Tss.. Ang babaw diba? Bigla niya na nga lang akong iniwan sa mall kahapon pagkatapos niya akong pagmadaliin. What does she think? Hahabulin ko siya? In her imposible dreams. -____- Pero kanina siya mismo ang nagsundo sakin sa bahay para maghaya ng date. Oh diba? Hindi natiis kagwapuhan ko. Mga babae talaga! Nagtanong pa nga siya, kung bat hindi ko man lang daw siya kinontact kahapon. Ano siya chix? Hindi ko siya girlfriend para umasta siya ng ganun! Pero boyfriend ang tingin niya sakin. Haha! Nakakatawa tong babaeng to. Pero bahala siya. Dont she ever blame me na umasa siya. *wink*

"Ano ba? Oo na nga eh, eto na! Ang gulo gulo mo!" Iritadong sabi ko kay Allysa. Nakahawak siya sa braso ko tas kanina pa siya turo ng turo kung san pupunta, hindi makuntento sa isang lugar.

"Hahahaha! Ang cute mo pagnaiinis." Nakatawang sabi niya. Natuwa pa? Pag eto nasapak ko, tignan ko lang kung matuwa pa to.

"Ang weird mo..!" Nababanas na sabi ko.

Papasok na dapat kami sa isang restau, pero napahinto kami ni Allysa ng makita namin si Ishra at si Marco na magkasama papalabas ng restau.

"Oh, hi Ishra!" Bati ni Allysa.

Nagfake na lang ng smile si Ishra dito. Tss.. Halatang halata.

"Oh Jeffoy! Its been a many years since our last talk uh?" Nakakabwisit na bati sakin ni Marco. Loko to uh? Anong Jeffoy?!

"It's Jeff." Mahinang sabi ko na may halong pagkainis.

Tumawa siya bago ulit magsalita.

"Sorry bro, nasanay lang kasi ako na Jeffoy ang pangalan mo pag naaalala ko yung pinag-usapan natin dati." Then he smirked at me. Ano ba yun? Pananakot? Pagpapaalala? Pagpapapaselos? O pagpapatawa? Hindi niya pa nakalimutan yun? Ganun siya kainggit sakin non? Wag siyang mag-alala, wala na ang lahat ng yun. *smirk*

"Hey baby, hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?" Sabi nito kay Ishra, habang nakatingin pa rin sakin. Talaga nga naman.

"H-huh? Eh diba, you know each other na naman?" Pagtataka ni Ishra sa kanya.

"As a suitor BEFORE." Sabi pa nito.

"Ka-kailangan pa ba nun?" Tanong pa ni Ishra.

"Baby naman!" Pagpupumilit ni Marco na may halong asar. Tss.. BABY? Ano yan, sanggol?

"Eto na nga eh. Uhmmm… Marco, this is Jeff and Jeff, this is Marco...." Naputol ang sasabihin ni Ishra nang biglang magsalita si Marco.

"HER BOYFRIEND." Saka inabot sakin yung kamay niya.

Tinitigan ko lang ang kamay niya at saka bumalik ng tingin kay Ishra at Marco. "Then good luck to both of you. C'mon Allysa, lets go." At saka ko hinila si Allysa sa loob.

* * * *

A/N: Whatta whatta whatta tops Jeffoy?! Anong nangyari sa inyong dalawaaaa? Aiza lang ang peg. -,-' Okay! Siguro naman alam nyo na? Comment and vote! XD Kapal muks ko eh noh? x) Geh ingat! :)

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon