(C21: Bad idea)

37 0 0
                                    

Jeff Troy's POV

Okay. Kailangan kong magmadali, naghihintay si Allysa sa mall. Late na ako sa date namin, masyado kasi akong busy pero ito namang babaeng to, masyadong mapilit. Aish.! To be clear, hindi ko siya girlfriend o ano man. We're just dating to have fun. Yah! That's what I told her. But I dont know what am I to her. I didn't bother to ask, its not a big deal.

Nagpark na ako ng kotse at saka nagmadaling lumakad sa loob.

*1 new message received*

[From: Allysa De Jesus

Where are you na Troy? You're 10 minutes late. :(]

Hindi ko na siya nireplyan at saka nagmadaling pumasok sa loob.

Ano ba yan! Siya tong naghaya ng date tas ako pagmamadaliin? Aba, ayos to uh?

Nag-ikot ikot ako hanggang sa makita ko siya. Nakita ko siyang may kausap na babae. Pamilyar yung babae kaya tinitigan ko muna bago ako lumapit. Si Ishra. Oo, hindi ako nagkakamali, si Ishra nga ang kausap niya. Likod pa lang. Hindi pa rin siya nagbabago.

Tumakbo ako papalapit kay Allysa. "Hey Troy!" Tawag niya sakin at saka lunapit. Troy ang pakilala ko sa kanya, baka kasi maisipan niya ring Jeffoy ang itawag sakin. Ayt! Back to reality.

"Sorry for being 15 minutes late." Hinapit ko siya sa bewang at saka tinitigan nung mapansin kong papalingon si Ishra samin.

Humarap ako kay Ishra, kita sa mukha niya yung pagkagulat. Lalo pa siyang gumanda. Ayh ewan! "What can I do for you, Ishra?" Tanong ko dito. Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa kanya. Kita sa mga mata niya yung lungkot at pagbalik ng mga pinagsamahan namin.

"H-huh? No... nothing. A-Im just happy for you." Utal utal na sagot niya at saka sana aalis na.

"Wait." Pagpigil ko kay Ishra, huminto siya sa kinatatayuan niya. "How are you?" Tanong ko dito.

Narinig ko pa yung paghikbi niya bago siya lumingon. "A-Im fine. I-ikaw? Kamusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo uh?"

"Troy, you know each other?" Tanong ni Allysa. Hindi ko siya pinansin at saka sinagot si Ishra.

"Yeah, a big change. Im now an Engineer." Sagot ko. Mukhang hindi niya ako narinig, tinititigan niya kasi si Allysa. "Ishra?" Natauhan siya nung tawagin ko siya.

"Oh sorry." Tumingin siya sakin.

"Anyway. Allysa this is Ishra and Ishra this is Allysa..."

"His girlfriend." Dagdag ni Allysa. Kita sa mukha ni Ishra na nagulat siya sa narinig niya. Ngumisi na lang ako.

"Oh I see. I have to go. Stay strong." Ngumiti siya at alam kong pilit lang yun. Tatalikod na sana siya pero bigla ko siyang nahila. Oo, NAHILA. Hindi sinasadya!

Napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya kaya dahan-dahan ko itong binitawan. Hindi pa rin nagbabago yung lambot ng balat niya. "Ikaw? May boyfriend ka na?" Tanong ko.

Halata sa mukha niya na nagulat siya sa tinanong ko, kahit ako nagulat dun. Fvck! Ano bang nangyayari sakin?

"Y-y-yes!" Masiglang sabi niya. "Sorry, but I have to go." Ngumiti ulit siya at saka umalis na.

Ishra Leigh's POV

Waaaaaaaaah! Hindi ko alam gagawin ko. Bat ba kasi umoo ako eh! Eh ang totoo naman, wala pa talaga akong boyfriend. Stupid Ishra! Putek! >< Ano ng gagawin ko?

*0949******* Calling*

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang magring. Number lang. Dahil nga mabilis akong macurious, ako tong tanga na sinagot naman -____- Sensya naman!

"Hello?" Patanong na bati ko. Imbis na 'Who you?', 'Hello?' sinabi. Galing eh noh?

[Finally, you answered! Kanina pa kita tinatawagan.] Masayang sabi niya. Huh? Hindi ko napansin. Masyadong lutang Ishra -____-

"Sorry. Ngayon ko lang kasi nahawakan cellphone ko eh. Who's this nga pala?" Pagpapalusot ko. Sa wakas, natanong ko rin!

[Marco. Kinalimutan mo na pati yung napakaganda kong boses?] Pagyayabang niya. Ayh grabe uh? Ang hangin.

"Ikaw pala yan Marco. Sabi ko na eh, pamilyar kasi yung boses." Palusot.com Ishra. Ang sabihin mo, yung girlfriend lang ni Jeff ang umiikot diyan sa utak mo!

[Akala ko nakalimutan mo na ako. Haha! Dahil nakauwi ka na. Ibig sabihin, icocontinue ko na panliligaw ko?] Nagulat ako sa tinanong niya, kaya naman bigla kong naisip yung convo namin kanina ni Jeff. Nakaisip tuloy ako ng bad idea. Sorry! Pero ayoko kasi ng napapahiya, alam nyo yan. :/

"Huh? Su-sure. Why not? Nanliligaw ka pa lang naman eh." Determinadong sagot ko kahit na nagdadalawang isip ako sa desisyon kong to -___-

[Yes! Where are you anyways?] Masayang sabi niya.

"Im on my way home, kakagaling ko lang sa mall." Na dapat eh magshoshopping ako, pero naputol kasi may eksena pong naganap. >:| Pero syempre hanggang utak lang yan.

[Ah. Ill pick you up tomorrow at 6PM. Lets have a dinner together, okay?] Bigla siyang nagyaya, kaya naman nagwide bigla yung ngiti ko. Crush ko pa rin siya hanggang ngayon, pero hanggang dun lang talaga yun.

"Sure, why not!"

[Tomorrow night. Okay, Ill hang up na. See you tomorrow, I miss you.] Hanged up. Keneleg ako dun, pero hanggang crush lang talaga. Iba pa rin ang love. Hayss...

"I miss you too, Jeff."

* * * *

A/N: Hala, Ishra! Baliw na naman po si Ishra! XD Okay hindi na ako magdadaldal, itutuloy ko na. >:)

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon