Jeff Troy's POV
"Da-Daddy wants me to live in Australia with Lola." Rinig sa bawat pagbigkas niya ng mga salita yung pinipigilan nyang paghikbi.
Sa likod ng palad ko na nakatakip sa mga mata ko, yung pagkagulat at pagtigil ng oras dahil sa narinig ko.
"Ba-baket?" Utal utal na tanong ko at alam ko na dahil yun sa litrato na kumalat. Pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon o sasabihin ko.
"Dahil dun sa pi-picture." Ngayon, umiiyak na siya. "Je-Jeff...." tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko at saka humarap sa kanya. "After the graduation, aalis na ako." Sabi niya habang nakatingin sa harapan niya na puro kotse lang ang makikita. "Pakshet naman kase!" Pinilit niyang tumawa habang patuloy sa pagbagsak ang luha niya.
Kahit hindi ko man aminin, pero alam ko sa sarili ko na ayaw ko siyang paalisin. Tang'na naman kase! Bat hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko?!
Third Person's POV
Sa hindi malamang dahilan, humarap ito kay Jeff at saka yumakap ng mahigpit.
Pareho silang nagulat sa ginawa ni Ishra.
"Je-Jeff.... ayokong umalis." Sabi ni Ishra sa pagitan ng yakap nilang dalawa. "Jeff, tutulungan mo naman ako diba?" Tanong pa nito.
Hindi alam ni Jeff kung anong gagawin niya. Nung yumakap sa kanya si Ishra, parang nagwala yung puso niya, para bang sila lang ang tao sa mundo.
Sinubukan ni Jeff humiwalay sa pagkakayakap nito sa kanya. Tinitigan niya ito sa mata, at pansin sa bawat pagtulo ng luha sa mukha ni Ishra ang pagmamakaawa na tulungan siya na hindi matuloy ang alis nito. "Kailangan mong sundin ang gusto ng Daddy mo." Tumalikod na siya at saka sinimulan maglakad.
"Jeff! AKALA KO BA BESTFRIEND KITA?!" Sigaw ni Ishra habang palayo ng palayo ni Jeff dahil sa bilis ng lakad. Hindi na lamang niya ito pinansin, pinigilan ang sarili na wag lumingon. "JEEEEEEFF?!" Inis na sigaw nito na parang bata. "NAKAKAASAR KA NAMAN JEFF EH!" Rinig na rinig pa rin ni Jeff ang pagsigaw nito kahit malayo.
Jeff Troy's POV
(Sa kwarto niya)
Pilit kong iniitindi ang nararamdaman ko. Pero pvta! Wala eh >< Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at tumakbo sa bahay nila para pakiusapan ang Daddy niya na wag ituloy ang alis.
Pero tang'na! Hindi ko naman pwedeng piliin si Ishra kesa sa pamilya ko.
Anong magagawa ko?! Ayokong
mahirapan ang Mama ko pag nagkataon na tawagan niya si Mama. Sisingilin niya daw ito sa pagtulong nito sa pagpapahospital at pagpapalibing sa Tatay ko noon pag hindi pa ako lumayo kay Ishra. Langya! Ayokong nahihirapan ang Mama ko. Pero ayoko ko rin naman na nakikitang nasasaktan si Ishra.
Tinapat ko ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib ko. Pilit kong iniitindi kung bakit ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso ko nung yakapin niya ako.
"Di kaya…… mahal ko na siya?"
* * * *
A/N: Mahal niya na kaya talaga? Ano kayang pwedeng mangyari sa mga susunod na pagkikita nila? My gawd! XD Musta po? Panget? >:) Comment lang! :) Pasensya rin kung maikli, kasi nga po FIRST STORY ko to. HAHA :D Thankyou! :* harthart<3
Pag po hindi nakabold yung mga "quotations" nila, meaning sa cp lang ako nag-update. ♥
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Teen FictionBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...