Jeff Troy's POV
Masakit isipin na yung taong mahal mo aalis na. Sh*t, such a gay! Wala akong magagawa, ganun yung nararamdaman ko eh.
Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo, siya pa!
Samantalang nandyan naman si Kathryn Bernardo, si Julia Baretto, si Janella Salvador, si Liza Soberano. Eh pag niligawan ko yang mga yan, sasagutin din ako niyan eh! Ano, choosy pa sila? Sa pogi kong to, matatanggihan nila? Psh.
"Hi Babe." Tawag sakin ni Allysa.
Hinalikan ko siya sa noo. "Dont be so serious." Bulong ko habang nakahalik sa noo niya, saka ko siya inakbayan.
Ginawa ko yan kasi napansin kong sinundan ako ni Ishra. Aish! Ang hirap nito, ayokong nakikita siyang nasasaktan, pero eto ako! Nagpapakatanga, nagpapakaduwag!
Ngayon lang naman to, para layuan niya na ako. Mahirap man pero ito na lang yung way ko.
Ishra Leigh's POV
Hayss... Ang bilis ng oras. Yung tipong parang may taning na yung buhay mo dito sa Pilipinas.
Graduation, pahinga konti sa bahay, idodouble check yung baggage, then hihintayin magmadaling-araw tas flight na. Hayss...
"Mommy, do you really want to do this? P-pwede pa naman natin icancel yung flight." Pagpupumilit ko habang chinecheck niya yung gamit ko. Malay nyo diba, magbago pa isip nito.
"Ishra, stop it okay?" Sabi niya sakin.
"Just kidding." Mahinang sagot ko, at saka binalik yung atensyon sa gamit ko. "Eh Mommy, why dont you just come with me?" Nakangiting sabi ko.
"Hayy nako Ishra! Naisip ko na rin yan, pero hindi ko naman pwedeng iwanan dito yung bussiness namin ng Daddy mo." -Mommy. Onga pala! Pero ang unfair naman! Tas ako iiwan nila dun? Tsss...
"Hindi ka naman nag-iisa dun, anak. Nandun yung Lola mo saka Lolo mo, minsan dadalaw-dalaw dun mga pinsan mo. Wag nang makulit, okay? Sige na. Mag-ayos ka na." -Mommy.
- - - -
Nandito kami sa kotse, papunta na kami sa NAIA. Hindi na sumama si Dad, ayoko rin, para maiwasan na rin ang tension. Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap ang desisyon niyang to. Pero kahit anong gawin ko siya pa rin ang masusunod, saka Daddy ko pa rin siya. Kaya si Kuya Michael ang driver namin ngayon.
"Hoy! Baka naman dun ka magboyfriend uh? Reminder lang, pinapunta ka ni Daddy dun para tumino, understood?" Sermon ni Kuya.
"Grabe ka naman! Bilin ba yan o insulto? Para mo namang sinabi na napakasama ko dito sa Pinas!"
"Ganun na nga, hindi ba?" Pang-aasar ni Kuya.
"Aba loko ka uh?!"
"Hey! Stop that Ethan." Saway ni Mommy kay Kuya.
"Yan kase!" Sabay belat ko kay Kuya.
"Ishra, yung mga bilin ko uh? Wag mong papainitin ulo ng mga Lola mo dun okay?" Bilin ni Mommy.
"Mommy naman! Sakit ba ako ng ulo dito at ganyan mga bilin nyo? Grabe naman kayo."
"Hahaha!" Rinig kong tawa ni Kuya.
"Tssss...." Hinirapan ko si Kuya.
"Hindi naman. Basta, mag-iingat ka dun uh?" -Mommy.
- - - -
(Airport…)
Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong pupunta ka Jeff. Alam ko pupunta ka, kahit sa huling pagkakataon na lang please!
"You can make it……" Bulong ko sa
sarili ko habang hawak ko yung ticket ko. "Jeff, please?" Bulong ko pa habang nakatingin sa malayo at hindi mapakali. Kahit tawag na lang. "Pleasee…?"
"Oh Ishra, ready ka na? Sino bang hinihintay mo?" Pagtataka ni Mommy.
"Ma, pupunta siya eh. Pupunta siya."
Huminga ng malalim si Mommy. "Anak, hindi natin alam okay? Walang nakakaalam kung pupunta siya. Ishra listen to Mommy…" Sabi ni Mommy habang hawak hawak yung mukha ko na hinaharap sa kanya. Sa ngayon umiiyak na ako.
"Ishra, listen okay? You're going there in Australia. Ishra listen…… You're gonna enter that door and start making a new memories understand?" Titig na titig na sabi sakin ni Mommy.
"Mommy..... I believe in him. Mommy, pupunta siya. Mahal niya ko eh, sabi niya yun. Mommy.…" Umiiyak na sabi ko kay Mommy. Niyakap niya ako. "Shhh...! Stop crying. Stay calm okay? Stay calm."
"Mommy…"
'Ishra, I love you.' Yang mga salitang yan ang umeecho sa utak ko, yung boses niya at kung pano niya sinabi yan. Ramdam ko na totoo yan. Magaling siyang magtago ng feelings pero hindi siya marunong magsinungaling.
"Jeff, please…" Bulong ko sa sarili ko.
Naniniwala ako na pupunta siya, kahit ngayon lang.
Paikot-ikot ako dito, hinahanap ko pa rin siya. Pupunta siya, pupunta siya. Pag hindi siya pumunta, I promise! I will forget him, and I will delete him in my life.
*Paging our flight in Australia*
"Ishra, I love you! Take care okay?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy then hug me.
"I love you too. Im gonna miss you Ma." Bulong ko kay Mommy at saka niya ako hinalikan sa noo. "Ma, give this to him." Inabot ko kay Mommy yung letter na dapat ako magbibigay sa kanya.
Hinahanap ko pa rin siya, pero huli na...
"Goodbye… Jeff"
* * * *
A/N: Waaaah! Bat hindi ka pumunta Jeff? Nakakaasar ka naman eh! ><
Naasar din po ba kayo? Don'cha worry guys! Babalik din si Ishra ;) HAHAHA! Sorry po kung may pagkacorny tong chapter na to. Medyo busy po kasi. Keep reading, supporting & voting! :* Comment! harthart♥
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Teen FictionBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...