Jeff Troy's POV
"Alam mo ba kung anong gulo pinapasok mo huh?! Mukhang nagkamali yata ako ng pagpili sayo! Kailan mo ba balak manahimik?! Pag nakapatay ka na huh?!" Punong-puno na ako sa babaeng to. Pati pamilya ko masisira ng dahil sa mga pinagagawa niya eh.
"Haha!" Nagawa pang tumawa. Tangina! "Chill Troy, chill! I dont intent to hurt somebody, all I want to do is to make her life miserable. Kung nasaktan ko man siya, its part of OUR plan. Remember Troy? It looks like you're forgetting something that you must not forget." Nagawa niya pang ngumiti ng ganyan. Hindi pa ba pananakit yung ginawa niya?
"Ano pa bang gusto mo?!"
"Marry me." Seryosong na siya ngayon. Ako magpapakasal sa isang katulad niya? Over my dead body!
"Seriously? Fvkshit naman Allysa!" Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ko na alam gagawin sa babaeng to!
She smirked. "Then fine, madali naman akong kausap. Edi ituloy ang plano. Remember what I said before Troy. I wont stop until you're not mine."
Ishra Leigh's POV
Nandito na sila Mommy. Hindi na namin kinwento yung nangyari kanina saka kagabi, baka mag-init pa ulo ni Daddy. Si Marco naman, pinauwi muna saglit ng Mommy niya. Importante daw, baka mamaya or bukas pa siya makabalik.
Habang paikot-ikot ako sa resort. May nakita akong nakapark na kotse sa harap, kita kasi sa gate yun. Kaya sinilip ko yun, curious eh :3
Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate, biglang may pumunta sa harap ko.
"Ayh palakang baboy!" Napapikit ako saka napaatras. Tsanggala! "Talaga bang gusto mo na kong mamatay?!"
"Ishra, come with me." Huh? Ano, itatanan niya na ako?
"Oy oy! Hindi ko gusto yang balak mo." Sabi ko habang lumalayo sa kanya.
"I know what're you're thinking. Ang dumi talaga ng utak mo. We just need to talk PRIVATELY." Poker face -_______-
"No! Wala tayong dapat pag-usapan!" Tatalikod na sana ako pero bigla niyang hinawakan braso ko. "Ano ba? Ayoko nga sabi!"
"Tss... Ngayong mag-uusap tayo ayaw mo. Pero kagabi, kung makadrama ka akala mo kung sino hirap na hirap." Loko to uh? Anong tingin nya sa acting ko kagabi, joke? "Ano sasama ka ba o hinde?" No choice! Curiousity attacked!
- - - -
Walang nagkikibuan o nagsasalita man saming dalawa sa kotse. Pero parang wala naman siyang pake dun! Kung titignan pa nga yung mukha niya parang problemadong-problemado ang loko.
Dinala niya ako sa isang park. Gabi na rin kasi kaya walang masyadong tao. Pero meron pa ring mga nagdedate. Tsss... Ano bang gusto niyang sabihin? Ipapamukha niya na naman ba sakin na bitter ako? Tadyakan ko siya sa butt!
"Ano bang ginagawa natin dito?" Inis na tanong ko.
"Mag-uusap nga diba? Madami ka kamong tanong na gustong masagot at alam kong ako lang ang makakasagot nun." Seryosong sabi niya. Oo, madami nga pero hindi pa ako handang marinig lahat ng yun. "Pero bago yun, ako muna ang magtatanong." Napatingin ako sa kanya. Huh? Siya may gustong malaman? Tsssss... As if namang importante yun. "Iiwan kita dito pag hindi ko nagustuhan sagot mo." Aba ayos!
"Huh? Baliw ka ba Jeff? Ikaw nagdala sakin dito tas iiwan mo ko?!!" Sigaw ko sa kanya, wala akong pake kung pinagtitinginan man kami.
"Modulate your voice Ishra! Kaya nga ayusin mo yung sagot mo!" Sigaw niya. Sumigaw din siya eh. Kotongan ko kaya to?
"Ano to? Question and answer portion sa beauty contest? Tigil-tigilan mo ko Jeff uh?!" Nakakaasar talaga tong lalaking to!
"Remeber the letter you gave me before you left" Seryoso na siya habang nakatingin sa malayo.
"Nakasulat dun na, you're leaving to make new memories, we need to start over again without each other, and its up to me kung buburahin na kita sa buhay ko. Alam mo kung ano yung unang bagay na pumasok sa utak ko?" Tanong niya sabay tingin sakin. "That you're really stupid." Saka tumingin ulit sa malayo.
"Are you mocking me?" Inis na tanong ko.
"No, just saying the fact. Think of it Ishra. Sa dami ng taon na kasama at nakilala kita. Ni minsan wala ka pang natupad sa mga promises mo even the simplest one." Habang sinasabi niya yan, may mga bagay na nagfaflashback sa utak ko.
[FLASHBACK]
"Jeffoy, tignan mo to uh? Mashoshoot to, sinasabi ko sayo."
"Goodluck."
"Waaaah! Jeffoy! Concert ni DJ. Promise pupunta ako. Waaaah!"
"Goodluck."
"Mag-aaral na talaga ako ng mabuti! For the sake of my future!"
"Tsss... Goodluck."
"Gagawa ba ako ng project o ano? Kasi naman, nakakatamad! Tsk.. Gagawa na nga ako, dagdag grades din yun."
"Goodluck."
[END OF FLASHBACK]
Ewan ko ba! Pero sa bawat pagbigkas niya ng salita, bumibilis tibok ng puso ko. Naramdaman kong may nangingilid ng mga luha sa mata ko.
"As of now, alam kong hindi mo nagawa yung nakasulat sa letter." He take a deep breath. "Ishra, mahal mo pa ba ako?" Mabilis na sabi niya. Nabigla ako parang huminto yung oras nung tinanong niya yun. Sa ngayon, hindi ko pa alam. Hindi ko pa natatanong sa sarili ko yan. Mahal ko nga ba siya?
Tumalikod siya at saka naglakad konti. "Jeff." Tawag ko sa kanya, dahilan para huminto siya. "Bago ko sagutin yan. Ako muna." Sabi ko habang nagpipigil ng iyak. "Wag kang haharap dito." Ayokong makita niya yung sagot sa mata ko. "Bakit mo ko minahal? Bakit mo ko pinaasa? Bakit mo ko pinagtabuyan? Bakit mo ko sinaktan? Bakit mo ko iniwan?" Bumagsak na ang luha ko. "Isa lang ang rason kung bakit kita mahal, pero napakadaming rason kung bakit kailangan kitang kalimutan at yun ang hindi ko magawa, Jeff! Siguro dahil ikaw pa rin ang hinahanap nito." Sabay turo ko sa puso ko, kahit hindi niya mkita alam kong alam niya ang tinutukoy ko. "Dahil ikaw pa rin ang gusto nito, dahil ikaw pa rin ang laman nito... o dahil ikaw pa rin ang mahal nito..." Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita dahilan para hindi na huminto sa pagbagsak ng luha ko.
"That love was just a big mistake."
****
A/N: </3
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Teen FictionBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...