Ishra Leigh's POV
Bwisit na araw to! Ano, kinakahiya niya na ako ngayon? Parang ipinapalabas niya na kinakampihan niya pa yung dalawang malanding yun, si Dora at si Boots! Nakakaasar!
"Ishraaaaaaaa! Tara dito, daliii!" Sigaw ni Kuya mula sa kwarto niya. Nakauwi na pala ako mag-isa. Dahil sa inis ko, hindi ko muna siya pinansin, nagtuloy-tuloy akong umakyat ng hindi siya sinasagot.
Nang madaanan ko yung kwarto niya, bukas yung pinto. "Hoy! Tara sabi dito eh, dali!" Tawag niya sakin, nakaharap siya sa laptop niya sa desk.
"Pwede ba Kuya, wag ngayon?!" Inis na sabi ko, tutuloy na sana ako sa kwarto ko ng bigla akong makarinig ng pamilyar na maliit na boses.
"Tita Ishraaaa!" Sigaw nung maliit na boses. Mukhang alam ko na kung sino yun. Nagmadali akong pumasok sa kwarto ni Kuya.
"Harveeey! Hello! I miss you." Sobrang tuwang bati ko dun sa harap ng computer ni Kuya. Kaskype niya pala si Harvey. 10 yrs old na siya ngayon. Grabe! Ang pogi ng batang to! Kung hindi ko lang to, pinsan at kaage ko, crush ko to eh!
"I miss you more Tita. By the way, I have two news for you." Masiglang sabi niya.
"Then whats that? Make sure that will make me happy." Parang nawala yung galit ko kanina ng makita ko si Harvey. Ang cute niya talagaaaa! Ayh mali. Ang pogi niyaaaa!
"Yes of course! Which one do you want first? Bad or good?" Tanong nito. Huh? Bad? Good? Luh?
"Oy, bababa muna ako." Paalam ni Kuya, nagriring kasi yung phone niya.
"Bahala ka, sige go, alis!" Sabi ko kay Kuya. At narinig ko na siyang bumaba.
"Harvey, anything you want. Come on dali. Spit it!" Naeexcite kasi ako sa sasabihin niya eh.
"Okay bad first, Im not gonna be with Lola anymore, because………" Biglang nalungkot yung mukha niya. Pero may pabitin effect talaga? -,-
"Because?" Tanong ko.
"Cause, Im going there! And that's the good news." Parang natulala ako sa sinabi niya.
"Seriously? Hey! Dont joke me like that, Im gonna expect you here." Pagsusungit ko. Baka kasi niloloko na naman ako nito. Last time kasi na nakausap ko siya, sabi niya hahabol daw siya dito pero may 'JOKE' sa huli.
"Im not joking this time Tita, its for real." Masiglang sagot niya sakin.
"Really?! Waaahh! Then when is your flight? Im the one who will pick you up at the airport." Masayang masayang sabi ko.
"I dont know. Mom is still planning for it, but its official anymore."
- - - -
Natutulog ako, pero parang may manangong hininga akong nararamdaman sa mukha ko. See? Kahit tulog ako, mabango hininga ko. Pero pinagtaka ko ng biglang may sumundot sa dulo ng ilong ko, napadilat ako dahil don.
"Ayh palaka! Anong ginagawa mo dito?!" Naiinis na sabi ko. Putek! Bat siya nandito? Diba kinakahiya niya ko?
"Good morning, baby." Malambing na sabi niya.
"Walang good sa morning." Masungit na sabi ko at saka tumayo.
Maglalakad na sana ako papuntang
cr ko pero napahinto ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod, pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Sorry na kung nagalit ka. Di naman sinasadya. Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo, pipilitin kong magbago. Pangako sa iyo. Sorry na." Pakiramdam ko nag-init yung mukha ko ng bigla siyang kumanta. Kinikilig ako. Teka! Diba galit ako? Aalisin ko na sana yung kamay niya sa bewang ko pero lalong humigpit yung yakap niya.
"Sorry na, baby. Sorry sa nasabi ko kahapon. That's not what you think, at kahit sino naman mahihiya dun eh. Akalain mo, isang magandang babaeng katulad mo nakipag-away lang naman sa hindi mo ganun kalevel. Sini hindi mahihiya, diba? Ang ganda kaya ng baby ko." Pambobola niya.
"Wag mo kong bolahin." Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinarap sa kanya.
"Hindi kita binobola, totoo yun."
"Tsss..."
"Mas maganda ka pala sa umaga noh?" Titig na titig siya sa mukha ko kaya umiwas ako. Matutunaw ako, tae!
"Stop it!"
"Look, you're blushing baby. Haha!"
"Tae ka! Tigilan mo ko." Nahuli tuloy ako.
"Bati na kasi tayo, please?" Nagpout siya. Potek! Ang cute eh!
"Fine." Tipid na sagot ko.
"Yes!" Bigla niya akong niyakap. "Wala ng bawian yan uh? I love you."
* * * *
A/N: Sheyt! Totoo na ba tong nararamdaman ni Ishra para kay Marco? Eh pano na yung nararamdaman niya kay Jeff? Wala na? Sorry guys, kung wala pa sa mga moment na to si Jeff, padating na din yun, on the way na. :> Wait lang kayo. ;) Love lots.♥
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Teen FictionBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...