(C30: How this will end?)

36 1 0
                                    

Jeff Troy's POV

"That love was just a big mistake." Alam ko ang tanga dahil yan ang sinagot ko. Walang pagkakamali na minahal ko siya. Pero ito na lang ang way ko para tumigil na si Allysa.

"Jeff.." Aalis na dapat ako pero biglang may yumakap mula sa likod ko. Para kong tanga! Imbis na umalis ako at lumayo sa kanya, parang bumigat yung paa ko. "Jeff, wag mo na akong iwan please?" May naramdaman akong tumulo na kung ano sa likod ko, at alam kong luha niya yun. "Jeff, wag na. Alam kong mahal mo pa ko. Jeff..." Humahagulgol na sabi niya. Shet! Bakit ang tanga ko? Wala akong magawa!

"Ishra tama na...." Aalisin ko sana yung kamay niya pero lalong humigpit yung yakap niya. Fvck! Nanghihina ako pag nakikita ko siyang ganyan. Pero diba hindi ko na siya mahal?

"Jeff, mahal mo pa ko diba?" Pumunta siya sa harap ko at saka hinawakan yung mukha ko. "Jeff mahal mo ko! Sabihin mo! MAHAL MO KO!" Galit na sigaw niya habang umiiyak. Niyakap niya ulit ako. "Jeff, hindi ko na kakayanin pag iniwanan mo pa ako. Jeff, wag sa gantong paraan please? Ayoko. Alam kong mahal mo pa ko, nakikita ko………… nakikita ko sa mata mo yun."

Humiwalay siya at saka ulit hinawakan ang mukha ko. "Jeff sumagot ka! Mahal mo ko diba? MAHAL MO KO! Jeff!"

"Hindi na kita mahal! Si Allysa na ang mahal ko."

Ishra Leigh's POV

Its been a week simula nung huling pag-uusap at pagkikita namin ni Jeff. Hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko yun. Isa lang naman ang hindi ko kinaya, yung sinabi niya saking si Allysa na ang mahal niya at hindi ako. Fvck this life! ><

"Ma'am.." Damn this life! What does she have that I don't?

"Ma'am may...." Fvck! Ang gulo gulo na ng utak ko! Ano ng gagawin ko nito?!

"Ma'am..." Pano na lang kami ni Marco nito ngayon? Kami pa ba? Mahal ko pa ba siya? Aish naman!

"Ma'am!"

"Ayh palakang lutang!" Nagulat ako dun uh? Nakalimutan ko, kaya ko pala binuksan yung pinto ng kwarto kasi may kumakatok. Teka! Did she just shout at me?

"Ma'am, may nagpadala po nito para sa inyo." Cold na sabi niya. Kasalanan ko rin naman. Ang lutang ko -____-

Pagkasabi niya nun, bumaba na ulit

siya. Sinara ko na yung pinto at saka nilagay sa ibabaw ng lamesa sa kwarto ko kung ano man yung binigay niya. Wala pa ako sa mood sa mga ganyang bagay. Tss...

- - - -

"Hi Baby!" At saka niya ako hinalikan sa noo. Hindi ko rin nakwento sa kanya yung nangyari samin ni Jeff. Kasi nung gabing yun, dumiretso na ako sa bahay. Tinawagan ko na lng si Kuya na siya na bahala sa gamit ko, 2 nights na lang din naman, uuwi na sila. Si Mom at Dad, nasa ibang bansa na naman for bussiness. Hayss... Hindi ba sila napapagod pabalik-balik? Napaisip tuloy ako. Pano pag ako na rin naghahandle nung bussiness, edi ganyan din ako kabusy?

"Baby.." Tawag ni Marco sakin.

"H-huh? Yes?" I gave him a wide smile, kahit pilit lang yun. "What were you saying again?"

"I was saying na magpakasal na tayo." Huh? Ano? Teka! Hindi yata magsink-in sa utak ko yun. KASAL?!

"Huh?!" Gulat na tanong ko.

"Joke lang." Tumawa siya ng bahagya. "I just notice na these past few days, you were always spacing out. Baby, is there something or someone bothering you?" Nakataas kilay na tanong niya sakin. Bat ang cute niya?

"Huh? No, no nothing. A-ano.. siguro kulang lang ako sa tulog. Alam mo na. Inienjoy ko ang summer." Pagpapalusot. Madami po! Madaming gumugulo sakin.

"Sure?" Paninigurado niya.

"Hmmm.. yes." Mahinang sagot ko.

"I love you baby." He said and smiled at me.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Panloloko na ba to? Sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ko, naguiguilty ako. Tae! Pano ba matatapos to? ><

* * * *

A/N: WARNING! Wag po kayong magrereklamo, pag natapos niyo ng basahin yung next chapter. XD

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon