Epilogue

34 1 0
                                    

A/N: Pero joke lang yun. XD Sorry guys kung natagalan tong Epilogue. Pagtyagaan, wag mag-expect uh? :'D

* * * *

E P I L O G U E

Naaalala ko pa yung mga oras na kinukulit ko si Jeffoy, sinisigawan nya ko, nirereview nya ko, sabay kaming uuwi, yung kwento ako ng kwento tas siya nagbabasa ng libro, yung umamin sya sakin tas umamin din ako sa kanya, yun pinagkakamalang kami, at higit sa lahat eh yung BESTFRIEND ko pa siya. Yun bang mga oras na walang malisya ang lahat.

Maraming nagsasabi ng katagang, "Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, matagal ko ng ginawa." Isa na ko dun. Pero alam naman din nating lahat na napakaimposibleng mangyari yan.

Lalo na ngayon, ngayon na alam kong kahit kailan hindi ko na ulit makikita ang mukha ng tinuring kong bestfriend sa buong buhay ko.

Ang lalaking minsan na akong pinagtanggol, ang lalaking hindi nawala sa tabi ko, ang lalaking naging Campus Hearthrob, ang lalaking walang sawang magbasa ng libro, ang lalaking minsan lang tumawa, ang lalaking napaglaruan ng tadhana, ang lalaking kilala kong matapang sa lahat, at ang lalaking minsan kong minahal.

Siya si Jeff Troy Angeles, kilala sa pangalang "Jeff/Jeffoy"

Kung hindi lang siguro sa katangahan ko, kung hindi na siguro ako nanggulo nung kasal na yon, siguro nandito pa rin si Jeff. Nandito pa rin siya kahit hindi sya masaya sa naging desisyon nyang kasal.

Ngayon naiintindihan ko na lahat. Nagawa nya ang mga bagay na yun para sa ikabubuti ko, para sa kapakanan ko.

Pero ang hindi ko maintindihan, bakit hanggang sa huli naming pagkikita at kahit alam nyang masama ang loob ko sa kanya, nagawa nya pa rin akong iligtas? Iligtas sa bala na paparating sakin nung oras ng kasal na yun. Bala na galing sa mga kamay ni Allysa. Ang babaeng kahit kailan at buong buhay kong hindi mapapatawad.

Kung tinatanong nyo kung nasan si Allysa De Jesus? Kasalukuyan syang nasa Mental Institute sa hindi malamang dahilan ng pagkabaliw nya. Pero isa lang ang alam ko, sa sobrang pagkadesperada nya kay Jeff, hindi sya makapaniwala na sya mismo ang taong pumatay sa taong mahal na mahal nya.

Nasan si Marco Ramirez? He fly off to England to a start a new life. He finally understand that we're not destiny for each other. Isa lang naman ang wish ko sa kanya na mahanap nya na ang babaeng magpapasaya at makakasama nya habang buhay.

Nasan si Jeffoy? Hayysss... Kung nasan man sya ngayon, alam kong masaya na sya. Alam kong dun mismo sa lugar na yun mabubuo yung mga ngiti nya. Dun mahahanap nya kung sino talaga sya. Dun hindi na sya mahihirapan kahit minsan.

Nung una hindi ko pa tanggap ang pagkawala nya sa buhay naming lahat. Pero ngayon naiintindihan ko na. Siguro nga Jeffoy, kaya ka kinuha samin kasi oras mo na. Oras mo na para manahimik at maging masaya para sa sarili mo.

Nasan ako? Nasan si Ishra Leigh Flores? Ang babaeng naging matapang, ang babaeng naiwan, ang babaeng nasaktan, ang babaeng pinagtaksilan, ang babaeng nahirapan, at ang babaeng hindi handang sumuko.

Tatlong taon na din naman ang nakalipas simula ng mawala ang bestfriend ko. Siguro naman oras na para bigyan ko ng tamang panahon ang sarili ko, panahong maging masaya at hindi nag-iisip ng problema. Pangako ko, hinding-hindi ko na ulit iisipin ang mga bad memories namin ni Jeffoy. At kung sino man ang lalaking makilala ko ngayon. Only God knows the answer ;)

*Paging our flight to France*

"Ayh sorry..." Sa sobrang pagmamadali ko, may nabunggo na naman ako -_____- Such a clumsy lady Ishra.

Agad akong umupo para kunin yung gamit ko.

"Let me help you." Agad akong napatingin sa lalaki, hindi naman talaga sya ang nakabunggo sakin. Yung nakabunggo sakin? Ayun oh, tumatakbo, nagmamadali pa. May lakad? May lakad? Ayh wala, may lipad, eroplano sasakyan eh -_____- (A/N: Corny nun uh?)

Napangiti ako ng makita ko kung sino sya.

"Ishra?"

Nakakatawang isipin. DESTINY ba to o coincidence lang?

There's always a guy that will help me when Im down. <3

* * * *

NO CONTINUATION?

NO PART TWO?

NO TWO THOUGHTS?

NO DEMANDS?

NO SUGGESTIONS?

NO APOLOGY FROM AUTHOR?

THE END?????????

THE END :)

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon