Jeff Troy's POV
Ngingiti-ngiti pa tong mokong na to!
"Tsss..." Bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako at saka umalis papunta sa rooftop. Di ko kayang makita na iba ang nagiging dahilan ng mga ngiti niya. Aish! Masyado na akong nasanay na lagi siyang kasama kahit na ang gulo gulo nun.
- - - -
"Jeffoy!" Napatingin ako sa direksyon kung san galing yung boses na yun. Si Ishra lang ang tumatawag sakin ng ganun pero…
"Shit.." Inis na bulong ko sa sarili ko. Talaga bang hindi mapiligilan ng babaeng yun yung bibig nya? Pati yung pagtawag niya saken nabanggit niya pa dito?
"Totoo nga sabi ni Ishra noh? Dito tambayan mo pag bored ka?" Umupo sya sa may harap ko. Nakaupo kasi ako sa may malapit sa hagdan pero nakasandal dun sa parang grills ng corridor. Siya naman umupo sa hagdan. "Ibang klase ka nga bro'!" Sabi pa nito habang sinusuri yung lugar na para bang nagtataka na bakit eto pa tambayan ko. "Bat dito? Bat ito? Eh mas boring pa dito eh.." See? -____- Si Marco ang kaharap ko ngayon. "Huy! Kanina pa kita kinakausap, Jeffoy. May kausap ba ako?"
"Jeff ang pangalan ko, hindi Jeffoy." Sabi ko sa kanya ng hindi tinatanggal yung tingin ko sa binabasa ko. But to be honest, gusto ko ng tumayo dito at puntahan si Ishra para sapakin. Pati ba naman tawag niya sakin pinamigay niya dito?
"Bakit? Diba yun naman nickname mo?" Damn! Kailan ko naging nickname yun? >< Tinignan ko lang siya ng masama. "Edi Jeff." Kibit balikat na sabi niya.
"If youre here just to say something non-sense, just leave me alone. The shortcut is down there." Sabi ko. Mas nakakairita siyang kasama kesa kay Ishra kahit na hindi pa kami ganun nakakapag-usap.
"Ah no no. Well actually, kaya ako nandito para sana…… magpatulong sayo." -Marco.
"For what?"
Huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita. "Dahil bestfriend mo naman siya. Siguro naman, matutulungan mo ako sa kanya. Bro, lakad mo ko kay Ishra." Eh ako ngang hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko kay Ishra, tas sakin pa to magpapatulong.
"Tssss...." Nakakatawa tong lalaking to. "Kung seryoso ka sa kanya, hindi mo kailangan ng tulong ng iba."
"Yun na nga bro eh, akala ko ang laki na ng chance ko pero hindi pala. Mukhang pahirapan to eh." Sabi niya na may halong dismaya. "Ano bro, tutulungan mo ko diba?" Hindi pa rin ako sumasagot. "Bro naman! Hangin lang ba ako dito. Dali na bro! Bestfriend mo yun diba?" Shit! Kailangan talaga paulit-ulit yung bestfriend?
Sinara ko yung binabasa ko at saka tumayo, bababa na sana ako. "Teka lang bro! Alam mo may napapansin ako sayo eh." Tumayo siya saka bahagyang tumawa. "Wag mong sabihing may gusto ka sa bestfriend mo?"
* * * *
A/N: Hala! Ano na lang masasabi ni Jeffoy dun? Musta po? Sorry, kung maikli lang to. Si Vice po kasi, tawa ako ng tawa. Osya. Thanks a lot! ^^
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Teen FictionBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...