(C28: We're not done)

33 0 0
                                    

Ishra Leigh's POV

Hindi ako makatulog, hindi ako mapakali. Gigil na gigil pa rin ako sa babaeng yun! Madaling araw na, hindi pa rin mawala sa utak ko yung pagmumukha niya. Wag lang talaga ang mukha niya ang bubungad sakin mamayang umaga.

Lumabas ako ng kwarto ko, napansin kong wala ng tao kaya siguro tulog na lahat. Nakita ko si Marco, sa labas ng kwarto ko siya natulog. Hindi ko na siya nilapitan baka magising pa. Grabe! Hinintay niya talaga akong lumabas. Katok kasi siya ng katok kanina pero hindi ko siya pinapansin. Sabi niya, dun lang daw siya sa labas kung may kailangan ako, tawagin ko lang siya. Actually, wala akong kailangan. All I want is to be alone. Ganun niya ako kamahal eh. Eh ako kaya, gano ko siya kamahal? :/

Pumunta ako sa may pool area para magpalamig. Eh tangnang buhay to! Naalala ko yung sinabi ni Jeff kanina. 'Hinihintay nyo pang magkamatayan kayo?! Tang*ina! Sana dun pa lang sa pool ginawa nyo na!'

Ang gago gusto na yata akong mamatay.

Tumalon ako sa pool kahit na hindi nagpapalit ng damit. Wala akong pakielam! Nabibwisit ako! ><

"Shit shit shit!!!" Sigaw ko habang pinapalo yung pool.

"Baby!" Napalingon ako kaagad ng tawagin ako ni Marco. Siya lang naman tatawag ng ganun. "Baby, get out of the pool. Baka magkasakit ka niyan. Tara na." Mahinahong sabi niya sakin. Kahit kailan hindi niya pa nagawang magalit sakin maliban na lng yung dun sa mall. Syempre, nakakahiya nga naman talaga yung ginawa KO.

Inabot ni Marco sakin yung kamay niya.

"Ayoko."

"Baby naman. Ayokong magkasakit ka. Tara na.." Inilapit niya pa lalo sakin yung kamay niya. Edi inabot ko na.

Pagkaakyat ko, niyakap ko siya kaagad.

"Marco, thank you. Thank you for always being there." Bulong ko sa kanya. Ewan ko kung bat ako nagpapasalamat. Sabi ko naman sa inyo, may sarili ng utak buong katawan ko. -,-

- - - -

Ginising na ako ni Marco, nakatulog na pala ako. May narinig akong nagsisigawan, bukas kasi yung pinto kaya rinig na rinig ko. Boses yata ni Jeff yun.

Pumunta ako ng terrace para silipin kung ano nangyayari. Pagkapunta ko dun agad akong tumingin sa baba. Nakita kong umiiyak si Jela habang yakap-yakap siya ni Jane.

"Kuya naman! Kung masama loob mo, kung galit ka, wag mo na kaming idamay! Summer na summer ngayon, pero gulo nakikita ko sa inyo. Hangga't maaari, ayusin nyo na yan! Ayokong masira ang Summer namin ng dahil lang diyan sa PAST mo!" Nakita kong sigaw ni Jane sa Kuya niya. Saka niya hinila si Jela na ngayo'y umiiyak pa rin papuntang kotse nila. Ngayon ko lang nakitang sinigawan niya ang Kuya niya. Malaki na nga talaga tong si Jela. Dahil sa mga nakikita ko. Sa loob ng anim na taon, madami talagang nagbago. Ewan ko na lang pag bumalik pa kami sa nakaraan.

Nakita ko naman yung mukha mi Jeff na naiirita. Tsss.. Kasalanan mo din naman.

"Allysa! Ano ba?! Bilisan mo naman! Oh gusto mo maiwan ka na dito!" Sigaw niya kay Allysa na nasa loob pa rin. "Bwisit na buhay to." Nakita ko kung pano niya binigkas yan. Uuwi na sila? Ngayon ko lang narealize. Kaya nagmadali akong bumaba para mahabol sila. Hindi pa ko tapos sa babaeng to!

"Hep hep hep!" Hinarangan ko si Allysa. Kailangan kong gawin to, kahit na naaalibadbaran ako sa mukha ng babaeng to! >:|

"Ano na naman bang kailangan mo?!" Iritadong tanong niya.

"Manong.... manong...." Tawag ko kay sa caretaker na binastos niya kahapon. Lumapit naman agad si Manong. "Ako walang kailangan, pero si Manong meron." Nakita ko naman yung pagkainis ng mukha niya. Haha!

"Hindi Ma'am, okay lang."

"Walang okay dun Manong. Eh kung ako nga ginanun, baka nakalbo ko na tong babaeng to eh." Baka nga napatay ko na. "Go, say sorry." Hindi naman sa pang-aasar, pero dapat nirerespeto ang mga matatanda. Right readers?

"Fine. Im sorry. Are we okay now, Ms. Good-to-all?" Asar na sabi niya.

"Uy eto naman! Alam ko naman yun, di mo kailangang sabihin pati sa harap ni Manong. Ito talaga!" Pang-aasar ko. Haha! Nakakatawa eh.

"Sige po Ma'am, okay na yun." -Manong at saka siya umalis. Pinipigil ko tawa ko. Tae!

"Aish!" Naglakad siya na akala ko didiretso na kila Jeff pero may binulong muna siya bago umalis. Dahilan ng pagngiti ko. "We're not done yet, stupid b*tch."

* * * *

A/N: Kailan kaya matatapos? Mukhang walang balak tumigil tong si Allysa. So guys! Musta? Comment your thoughts! :*

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon