(C5: Worthless Daughter)

59 0 0
                                    

ISHRA LEIGH FLORES at the side ^_____^

****

ISHRA LEIGH's POV

Umuwi na ako ng bahay, kahit kakapasok ko lang. Wala na yata akong mukhang maihaharap sa Academy dahil sa mga bulungang naririnig ko. Kalat na kalat na kasin yung picture naming dalawa ni Jeff.

[FLASHBACK]

"Kababaeng tao, tuwing gabi pa nakikipaglandian." Girl 1.

"Such a flirt, girl." Girl 2

"Sayang pare! Naagawan ka na." Boy 1. Hindi ko alam kung sino sinasabihan niya nun, kasi nakayuko ako habang naglalakad.

"Grabe ka girl! Si Jeff ko pa talaga!" Girl 3. JEFF KO? Kailan pa may nang-angkin kay Jeff? Obsessed Girl. And worst, sinamapal pa niya ako. What the heck?

"How dare you?!" Sigaw ko sa knya. Lalaban din sana ako ng sampal pero agad nahawakan ng kasama niya yung kamay ko. Marahas kong binawin yun at saka tumakbo palabas ng Academy.

Sumakay ako ng kotse namin.

"Ku-kuya Michael...... uwi po muna tayo." Sabi ko kay Kuya Michael.

"Pero Ishra, diba may klase ka pa?" Tanong niya.

Dahil sa sobrang inis ko. "Eh gusto kong umuwi eh!" Nasigawan ko sya. Napapikit ako ng mariin at hinawakan yung noo ko nung masigawan ko siya ng ganun.

Hindi na siya sumagot, pinaandar niya na lang yung kotse.

Sa loob ng maraming taon niyang paninilbihan samin, ngayon ko lang siya nasigawan.

[END OF FLASHBACK]

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kama ko ng hindi nagpapalit ng uniform. Sa sobrang pag-iisip ko sa pwedeng mangyari pag nakita ni Daddy yun at sa sobrang inis ko, naputol ko yung kamay ni Spongebob.

"Sorry." Bulong ko habang yakap-yakap si Spongebob.

Tumingin ako sa relo ko, 6:03 na pala ng gabi. Hindi ako naglunch kaya gutom na gutom ako.

Bumaba ako at nakita ko si Kuyang nakaupo sa sofa habang nagtetext.

Napatingin siya sakin. "Tsk tsk tsk..." Sabi niya.

"Ba-bakit?" Kinakabahan na tanong ko. Alam na kaya nila ang tungkol dun? Hala! This cant be happen! >< Di na sumagot si Kuya kaya naglakad ako papunta kusina. Pero napahinto ako ng madaanan ko ang office ni Daddy ar naririnig kong magkausap sila ni Mommy.

"Ivan, no! Sa tingin mo papayag ng ganun ganun na lang si Ishra? Malaki ng yang anak natin, kaya kaya niya nang umayaw sa mga gusto natin!" Narinig kong sabi ni Mommy. Hindi ko maintindihan pero ako ang pinag-aawayan nila.

"Kukunsintihin mo na naman yang anak mo, Elsa? Hindi ko na alam gagawin diyan sa batang yan. First, she's always getting a low grades in schol. Second, she doesn't even listening in our house rules. Third, that picture of her and Jeff together?!" Galit na sabi ni Daddy. Tama nga ang hinala ko. Alam na nila. "Sa ayaw at sa gusto niya, pupunta siya ng Australia kasama ang Lola niya! Pagkagraduate na pagkagraduate niya, aalis na siya." Maawtoridad na sbi ni Daddy.

Napaatras ako ng marinig ko ang pagtunog ng door knob at pagbukas ng pinto. Si Daddy ang lumabas, tinignan niya ako at sabay huminga ng malalim. Hindi rin naman nagtagal, umakyata siya at pumasok sa kwarto, nagulat pa ako nung marinig ko kung pano nya sinara yung pinto ng kwarto nila.

Si Mommy naman ang sunod na lumabas. "Ishra, sweetheart...." Yayakapin niya sana ako pero lumayo ako.

"No, Mommy. Its okay." Sabi ko habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko. Pero tumulo rin ito ng bumalik ako sa kwarto.

Napasandal at napaupo ako sa likod ng pinto ko. Napaisip ako kung gagawin ko ba yung gusto ni Daddy o susuwayin ko na NAMAN siya. Tama naman siya eh. Totoo lahat ng sinabi niya. Lagi na lang mainit ang ulo ni Daddy pagdating sakin. Pero kay Kuya, 'Im so proud of you, son.' Tss... Lagi na lang si Kuya. Sa bagay, si Kuya kasi MATALINO. Eh ako? Eto, di hamak na estudyante lang naman.

Sa ngayon, huminto na rin ang pagtulo ng luha ko. Ewan ko! Siguro ubos na rin ito.

Napaupo ako sa kama ng marinig ko ang katok at tawag sakin ni Kuya. 8:00 na ng gabi.

"Ishra, come out in there! Walang mangyayari sayo kung magkukulong ka dyan." -Kuya.

"Bakit ba?"

"Tawag ka ni Daddy." Patay! Ta-tawag ako? Waaaah! >:(

- - - -

Nandito ako ngayon sa office ni Daddy kasama si Mommy, Daddy at Kuya. Ano to? Principal's office lang?

"Ishra, siguro naman nari..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Daddy.

"Yes Dad, all of them." Sagot ko. Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Kung ganun? Alam mo na kung ano ang plano ko?" Pagtatanong ni Dad.

"Gagawin ko Dad. Gagawin ko ang gusto mo." Tumayo ako sa kinauupuan ko sabay tulo ng luha ko. Lumapit sakin si Mommy, hinimas-himas niya ang likod ko. "Sa-sana Dad dineretso nyo na kanina eh. Sana sinabi mo na, na pabigat na ako sa pamilyang to! Na wala akong kwentang anak..." Ewan ko ba! Pero yan ang lumabas sa bibig ko.

"Ishra!!" Sigaw ni Dad sakin.

"Bakit Dad? Diba yun naman talaga ang ibig-sabihin nun?" May sarili ng utak bibig ko, pero kahit anong kaba wala akong nararamdaman. Ang tangin alam ko lang, galit ako! Galit.

"Ishra anak, alam mong hindi totoo yan." -Mommy.

"Siguro Ma sayo hinde."

"Its for your own good" -Mommy.

"For good? Eh bakit? Dito ba hindi mabuti ang nangyayari sakin? Ma naman!"

Nakita kong tumayo si Daddy, pero bago pa siya magsalita. "Kahit kailan, hindi ko naramdamang anak mo ko Dad." Umalis na ako sa office ni Dad, tumakbo ako sa kwarto ko.

- - - -

A/N: May magagawa ka pa ba talaga pag parents mo na ang nagdecide? Ibang klase rin ang tapang ni Ishra para sabihan ang Daddy niya ng ganun. Ako nga, hindi ko kaya yun. >:) HAHA!

Panget po ba ang chapter na to? Sorry, pinipilit ko namang pagandahin eh. :') Comment your thoughts! Remind ko lang po. Baka po mga 20-30 chapters lang ang abuting nitong story na to. Wag pong mag-expect kasi nga po 1st story ko to :'D Love you guys! :* harthart<3

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon