(C25: The more, the merrier)

34 1 0
                                    

Ishra Leigh's POV

"Bakit hindi mo yata kasama si Ms. Silent-Girl? Huh?! Huh?!" Mapang-asar na tanong ko kay Kuya. For the first time in history! Hindi niya kasama si Ate Cheska. Parang imposible, pero hindi niya talaga kasama ngayon dito sa outing namin. Nandito na nga pala kami sa Private Resort na ni rent ni Kuya. Sila Mommy and Daddy, wala. Susunod na lang daw sila, may big client daw. Kasama rin namin si Marco pero nandun pa siya sa room niya, inaayos yung gamit namin.

At itong bastos na si Kuya, iniwanan ako dito sa side ng pool na nakaupo. Naiwan tuloy akong nganga. Kanina lang ang ingay-ingay niya tas nanahimik siyang bigla.

Nakita kong papunta si Marco sakin habang nakatingim kay Kuya na nagtataka.

"A-anong nangyari dun? Bat nakasimangot?" Saka umupo sa tabi ko.

"Ewan ko nga eh, kanina ang daldal tas nung tinanong ko yung kung bat wala si Ate Cheska, sumimangot." Sabi ko na may halong pagtataka, pag-aalala, pagkainis. Lam nyo yun?

"Ah. Baka may problema sila? Di bale, magkakaayos din yan, parang tayo." Sabay wink. Ehhhhh? :"">

"Geh, pagpatuloy mo yan." Sinabi ko na hindi tinatanggal yung tingin sa pool, baka mapansin niya na namang kinikilig ako.

"Sure. Baby, sa tingin mo. Bat sa dinami ng babae dyan, ikaw pa ang mahal ko?" Seryosong tanong niya kaya napatingin ako bigla sa kanya.

"Huh? Malay ko sayo! Ah. Siguro kasi, maganda ko." Sabay wink, saka bumalik tingin ko sa pool.

"Aish! Mali." Mali?!

"Ano? So, pangit ako, ganun?" Naiinis na sabi ko.

"May sinabi ba ako?" Hinawakan niya yung kamay ko at saka hinalikan iyon. "Cause you're too different compared to them." Inilipat niya ako sa kanya at saka hinalikan yung noo ko. Ramdam na ramdam ko na po ang Summer. >////////<

"Haha! You're prettier when you're blushing." Sabi niya at saka pinisil ng mahina yung pisngi ko. Tumayo siya at saka inabot yung kamay niya. "Tara. Let's take a walk around."

- - - -

Habang naglalakad-lakad kami, may narinig akong nag-uusap sa gate.

"Sorry talaga Sir, hindi kasi agad sakin nasabi nung isa sa mga caretaker dito na may nauna na palang nagrent kesa sa inyo." Sabi nung caretaker… yata.

"Aish! Sa susunod kasi sisiguraduhin nyo." Sabi nung babae, pamilya yung boses.

"Baby tara tignan natin." Haya sakin ni Marco. Pumunta kami dun sa gate kung san siya may kausap.

"Oh, may problema ba dito?" Agad na tanong ni Marco. Napatingin ako sa kotse, si Jeff at yung Allysa, saka yung dalawang kapatid niya.

"Hi Ate Ishra!" Kaway nung kapatid niya sakin. Nagfake smile naman ako.

"Ganda talaga ni Ate Ishra noh?" Dagdag pa ni Jela.

"Ah ganun ba?" Tanong ni Marco sa caretaker. So, ganun lang? No problemo!

"Sa susunod kasi, aayusin nyo trabaho niyo. Para wala kaying naaabalang tao. Aalis na kami." Paalam nung Allysa.

"W-wait! Teka! Hindi naman yata tama na sagutin nyo ng ganyan si Manong." Sabi ko. Kahit na nagkamali si Manong, dapat pa ring respetuhin noh!

"Hindi Ma'am, okay lang." Sabi ni Manong.

"No Manong. Walang okay dun."

"Ano bang pakielam mo sakin?!" Sabi nung Allysa.

"Wala akong pakielam sayo, RESPETO kay Manong pinag-uusapan dito!" Galit na sabi ko.

"Baby, tama na yan! Yan ka na naman." Bulon ni Marco sakin, I just rolled my eyes and shut up. Igaganti kita Manong, dont worry. ;)

"Aalis na lang kami. Hanap na lang tayo sa iba." Sabi pa ni Jeff. At dahil may naisip na naman akong BAD IDEA. Haha!

"No! Wag! Walang aalis. Come on, join us, guys!" Sabi ko. Wala eh! Hindi dahil sa gusto kong makasama si Jeff, gusto ko lang gumanti dito sa babaeng to!

"Oo nga Kuya!" Sabay na sabi nung dalawa niyang kapatid. I smiled at them.

"Seryoso ka baby?" Nagtatakang tanong ni Marco.

"Oo naman noh. Why not diba? So, ano? Dito na lang kayo, gabi na rin eh." Nakita ko pang humirap si Allysa kaya natuwa ako dun.

"The more, the merrier diba?"

* * * *

A/N: Lupit mo tol Ishra! HAHA! XD Keep reading! :*

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon