ISHRA LEIGH's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nung umuwi ako dito sa Pilipinas. Syempre, si Kuya masyado yata akong namiss kaya sobra kung makapang-asar. Nameet ko na rin yung girlfriend niya. Gravity! Talbog beauty ko. Pero syempre, mas maganda pa rin ako. Maganda din naman siya, mala Cristine Reyes ang beauty ni Ate eh. Model kasi eh. Diawata ang mukha eh. Eh ako? Anghel na prinsesa lang naman. ;>
Si Mommy naman, tawa lang ng tawa kay Kuya. Wala akong kakampi T_T Si Daddy naman, okay na naman kami. Ayoko na ring balikan yung nakaraan. Hanggang ngayon, pinipilit ko pa ring kalimutan siya. Sino makakalimot sa tagal ng pinagsamahan namin nung mokong na yun? Tapos nandito pa ako sa Pilipinas, malapit na naman kami sa isa't-isa.
Ang boring sa bahay, wala kasi sila Daddy at Mommy, nasa company building. Si Kuya naman, kadate si Ate Francheska Gomez, yung girlfriend niya. Parang araw-araw yata silang nagdedate. Nagtataka naman ako dito kay Ate Cheska, hindi ba siya nagsasawa sa mukha ni Kuya? Ako nga sawang-sawa na.
Dahil nga boring, I decided to go shopping. Napag-usapan din naman namin nila Kuya na magswimming next week, kaya magshoshopping na lang ako. Napag-usapan din namin ni Dad na saka na lang ako magtatrabaho sa company namin, pag natapos na tong bakasyon. Sulitin ko daw muna yung Summer. Oh ha? Oh ha? :D
(Mall……)
Im all alone again. Bigla ko tuloy namiss si Harvey. HAYYSS… Yung batang makulit na yun, na walang ginawa kundi kulitin ako. Haha! Nakakamiss naman. Yung tipong magshoshopping ka tas sasama siya, ang tanging gagawin niya lang naman eh, hilahin ka dito, hilahin ka doon. Turo dito, turo doon. Bili dito, bili doon. Kain dito, kain doon. Grabe yung batang yun. :D
Naaalala ko tuloy yung time na nabunggo niya yung crush niya tapps natapon yung ice cream na kinakain niya dun sa damit ng crush niya. Hahaha! Hindi niya alam gagawin niya. Nataranta ang bata. What's cute, eh yung namula pa. :D
"Hey! Titingin ka nga sa dinadaanan mo." Natauhan ako ng biglang magsalita yung babae sa harap ko. Ayh! Hindi ko napansin, nakabunggo na pala ako. Medyo lutang Ishra.
"Sorry." Yan na lamang ang tanging nasabi ko.
Bago siya umalis, hinirapan muna niya ako. Loko to uh? Eh bat siya, hindi din naman siya tumitingin sa dinadaanan niya. Dukutin ko mata niya eh. Oops! Too much violent.
Nung tinitigan ko siya habang paalis, parang pamilya yung likod niya saka yung pagnagside view siya.
Aish! Di ko talaga macontrol sarili ko. Dahil nga sa mabilis akong macurious. Hinabol ko yung babae at saka nagtanong.
"Hey!" Napatingin ito sakin habang may katext. "Have we met?"
Ngumisi siya at saka sumagot. "Nah!" Sabay talikod.
Pumunta ako sa harap niya. "You seems familiar."
She rolled her eyes and said. "Could you please get out of my way!" Sigaw nito sa akin. "Hey Troy!" Sabay alis niya sa harap ko nung tinawag niya yung Troy na yun.
Aalis na sana ako, pero bigla kong narinig yung boses nung Troy. "Sorry for being late in 15 minutes." Pamilyar ang boses niya kaya napaharap agad ako sa kanya.
My heart breaks into two when I saw the boy's arms around her waist, and sweetly staring at each other.
The boy look at me straight into the eyes. "What can I do for you, Ishra?"
He asked. It seems like he really followed what I wrote in the letter.
Hindi ko na makita yung mga bagay na pinagsamahan namin dati sa mga mata niya. Iba na rin ang laman nito.
Ngumiti ako ng pilit kay Jeff. Oo si Jeff nga ang kaharap ko ngayon nakayakap nung babaeng nabunggo ko kanina. "H-huh? No... nothing. A-Im just happy for you."
* * * *
A/N: Talaga nga bang wala ng nararamdaman si Jeff para kay Ishra? Eh si Ishra? Mukhang nahihirapan sa pagmove-on. Eh musta naman si girl na nakayakap kay Jeff natin? Who's this girl in his life? Waaaah! Palapit na po ng palapit ang ending :/ Basta. Go lang! Basa lang! Comment lang! Vote lang! Share na rin! ;) ♥
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (EDITING)
Teen FictionBEST FRIEND: Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship. Best Friends are very special people in your life. They are the first people you think about when you make plans. They are the first people you go to when you need...