(C8: Marco?! ><)

56 2 1
                                    

Jeff Troy's POV

"Nililigawan ako ni Marco!" -Ishra.

"What?!" Napasigaw ako. Kita sa kanya na nagulat siya at nagulat din ako dun. -____-

"Huh?" Pagtataka niya.

"Di-diba…" Umiwas ako ng tingin, "Sabi ko sayo naiinis ako dun?"

"Ikaw yun, hindi ako." Dinilaan nya ako -____-

Umakyat ako papuntang rooftop, dun sa tambayan ko pero sinusundan nya pa rin ako.

"Jeffoy, I need someone to talk to." Malungkot na sabi niya.

"Diba, kausap mo na si Marco kagabi?" Tanong ko saka umupo sa sahig at sumandal sa pader. Sa daldal neto, imposibleng hindi nya pa nakwento LAHAT sa lalaking yun. -_-

"Huh? Pano mo nalaman?" Pagtataka niya.

"A-ano… kakasabi mo lang knina. Sabi mo ni-nililigawan ka niya." Utal na utal na sabi ko. Takte! Bat ba kasi ganto? ><

"Pa-pano mo nalamang kagabi? Ayh! Nevermind!" Naguguluhang sabi niya. Ako rin, naguluhan -____- "Aba!" Gulat na sabi niya kaya napaharap ako sa kanya, "Wala ka yatang dalang libro ngayon?" Tanong nya. Sinandal ko ulit yung ulo ko sa pader, pumikit ako saka nilagay yung kanang kamay ko sa noo. Yung kaliwa naman, nakapatong sa kaliwang tuhod ko.

"Sabi mo kasi, kailangan mo ng kausap." Nakapikit na sagot kko sa kanya.

"A-ang gulo mo noh?!" Inis na sabi niya. "May nangyari kagabi sa bahay." Bulong na sabi niya.

"Ano?" Dumilat ako saka tumingin sa kanya.

"Nag-away kami ni Dad." Mahinang sabi niya.

"May bago ba dun?" -Ako.

"Iba to, Jeff. Iba na to, at tingin ko hindi ko kakayanin ang gusto niyang mangyari." Seryosong sabi niya. Jeff na naman? Tapos mamaya, Jeffoy na naman yan. Tsss..! Babaeng to!

"Kwento." Sabi ko saka pumikit ulit.

"Tssss... kahit kailan talaga, hindi ka matino kausap!" -Ishra.

"Kwento na! May pasok pa tayo!" 6:30 na oh. -_____-

"Mamaya na lang kaya? Magbebell na eh," Bigla na namang syang ngumiti, "Mahaba-habang usapan yun eh." Tuloy niya.

"Fine."

- - - -

Ishra Leigh's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng cr, hinihintay si Jeffoy. Ngayon ko na kasi ikekwento sa kanya.

Uwian na eh! Woohoo! Parteh parteh!

"Baby, you're the one I love. Baby, you're the one I need....." -Ako.

"Uy!" Tawag niya saken. Oh sheyt!

"Uy! Musta?" Bati ko sa kanya habang tinatanggal yung earphones ko.

"Okay lang. Ikaw? Ano, ano na bang sagot mo?" Masayang tanong niya.

"Hindi pa kasi ako nakapag-iisip Marco eh. Alam mo na, family problem diba?" Sabi ko sa kanya saka ko siya nginitian.

"Sa bagay. Sige! Bukas na lang. Bye! See yah!" And tuluyan na syang umalis.

"Oh, nandyan ka na pla? Tagal mo naman?" Tanong ko kay Jeffoy na kanina ko pa hinihintay -,-'

"Tara na." Sabi niya saka naglakad.

"Kahit kailan talaga, ang sunget." Bulong ko sa sarili ko. Nilingon ako ni Marco at mukhang narinig nya ang sinabi ko.

"Hi! He-he!" Fake na smile ko.

- - - -

JEFF TROY's POV

"Uy!" Boses pa lang, alam ko na kung sino. Kahit nasa loob ako ng cr, rinig na rinig ko ang usapan nila.

"Uy! Musta?" -Ishra

"Okay lang. Ikaw? Ano, ano na bang sagot mo?" Tsss.. nanliligaw pero hindi makapaghintay?

"Hindi pa kasi ako nakakapag-isip Marco eh. Alam mo na, family problem diba?" -Ishra. Nauna pa nyang malaman ang tungkol dun kesa sakin, ganun?

"Sa bagay. Sige! Bukas na lang. Bye! See yah!" -Marco. Nanliligaw siya pero hindi marunong manuyo? Anong klaseng lalaki to?

"Oh nandyan ka na pala? Tagal mo naman?" -Ishra. Lumabas na ako ng cr, pagkaalis na pagkaalis nung mokong na yun.

"Tara na." Haya ko sa kanya saka ko isinabit sa balikat ko yung bag at naglakad.

"Kahit kailan talaga, ang sunget." Narinig kong bulong nya. Nilingon ko siya at tinignan ng masama.

"Hi! He-he!" Yan na lamang ang sabi niya.

Kahit saang sulok ng academy, bulungan pa rin tungkol samin ang naririnig ko.

"Look oh? They're together again." -Girl 1

"So, is it official?" -Girl 2

*-______- * ‹--Ako.

*:)* ‹--Ishra

- - - -

Nandito kami sa Parking Area ng academy.

"Kwento." Utos ko.

"Uhm... anong gusto mong unahin? Yung good or bad?" Masayang tanong nya.

"Kahit ano."

"Tsss..." Halatang naiinis siya. "Good na nga lang."

"Dali!" Sigaw ko.

"Aish! Eto na nga. Ganto kasi yan. Umamin sakin kagabi si Marco na grade 4 pa nga lang daw kami, he really likes me na." Kitang kita sa mata niya yung saya.

"Tapos?" Tanong ko na para bang walang pake.

At ayun! Kinwento nya na nga ang lahat.

"Ano yung bad news?"

"Da-Daddy wants me to leave in Australia with Lola."

* * * *

A/N: Waaah! Ano na kayang pwedeng mangyari ngayong alam na ni Jeff ang pag-alis ni Ishra? Maiintindihan na kaya ni Jeff ang nararamdaman nya para sa bestfriend nya? What'cha think guise? ;D How's reading? Maganda? Panget? HAHA! Comment lang! ;) Sa cp lang po ulit ako nag-update. Pakiintindi! :>

Thankyou! ^^

Hidden Feelings (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon