CHAPTER FIVE

101 1 0
                                    


Halos isang linggo na din ang nakalipas magmula ng magsimula ang klase. Ok naman yung takbo nung isang linggong pagpasok ko. Nakaadjust na din ako at nagsimula ng magkaroon ng maraming kaibigan.

"Hey! Banana, pakibilisan naman yung kilos dyan sa CR! May gagamit pa ho!" Rinig kong sigaw ni abegail kay aaliya sa CR.

"At ikaw naman Zha? Kailan mo balak bumangon dyan? Gusto mo talagang malate noh? Nakikisabay ka pa eh!" At eto nanaman! Ang magandang bulyaw ko sa umaga •___•

"Heh! Manahimik ka na nga lang dyan abe! Hindi naman ikaw ang malalate eh, si zha naman kaya umayos ka nga!" At ayon! Sumingit na si natifan

"Urgh! Whatever! Bahala nga kayo! Basta ako mauuna na, ilock nyo yung pinto hah. Bye!" Paalam ni abegail.

"Oh girls? Narinig nyo naman ang sabi ni Madame abe" at natawa naman ako sa tonong ginamit ni natifan.. issh!

"Osya! Zha bumangon ka na dyan" ulit sa sinabi ni abegail. Haysss

Wala na kong nagawa kundi ang bumangon, lagi nalang kasi ako ang huling kumikilos sa aming apat.

"Hmm aaliya tapos ka na ba? Pakibilisan naman oh!" Inaantok ko pang sabi.

"Oeto na!" At sa wakas! Lumabas din sa lungga si inday este si aaliya. Pshh katagal!

Pumasok na ko sa Cr at nagsimula ng mag ayos. Naligo ako 30 minutes. At nagbihis na din pagkatapos.

Nakita ko si Aaliya na nag aayos at napansin ko ding wala na si natifan. Hays that wild girl, lagi nalang sumusunod sa yapak ni abegail. Mangiiwan -__-

"Oh ano? Tapos ka na ba? Sabay na tayo." Tanong ni Aaliya sakin.

"Sige tara na." Pag sang ayon ko.

Lumabas na kami ng room at nilock ang pinto. Nagsimula na kaming tumungo sa unang klase namin. Nakita naman namin si abegail na nakaupo na sa kanyang upuan nung dumating na kami ni aaliya. At saktong dumating naman ang aming guro.

"Goodmorning class! Last week sabi ko diba may gaganaping WRGT? O wildroses got talent kung sabihin. Inaasahan ko na sa klase kong ito ay maraming gustong sumali" panimula samin ng guro.

Talent? Hmm parang nagka- interest naman ako dun.

"Hey zha! Diba magaling kang kumanta? Tara sali tayo!" Nagulat naman ako sa pagsulpot ni abegail sa gilid ko. Hah! Naalala ko kumakanta nga pala si abegail, hmmm what if sumali kaya kami?

"Maam! I think abegail and Rie wants to join!" Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Aaliya non..

"Good! So ililista ko nalang kayo. Maghanda nalang ako later after breaktime. Punta kayong AVR dahil doon gaganapin ang audition" sagot ng guro namin "eto nalang muna sa araw na ito. Goodbye class!" Dagdag pa nito.

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon