Abegail's POVHanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung saan ako dadalhin ng nilalang na ito. Hindi ako pumapalag kahit na gusto ko, para bang ramdam kong mapagkakatiwalaan ang taong bumibitbit sa akin?
Napansin ko nalang na pumasok kami sa isang room, room na malapit sa dorm namin. Owmyghaad! Jsmeee ayoko pa po! T_T
Inupo nya ko sa isa sa mga upuan na narito sa loob ng room. At sinarado nya ang pinto. Gabi na din kaya medyo madilim pero dahil sa liwanag ng buwan nagkakakitaan pa din naman kami.
"Sino ka?" Bungad ko sa kanya habang tinitingnan sya..
Nagtaka naman ako ng bigla nalang syang umupo sa sahig malapit sa blackboard. Abay bastos to ah kinakausap ko di man lang ako sagutin. "Aalis na ko" sabi ko at tumayo na papuntang pinto. Ngunit nagsalita ang lalaking kasama ko.
"Sige lumabas ka, para lalo kang mapahamak pag nakita ka nina pat at pagkamalan kang tumakas." Seryoso nyang sabi pero may lamig akong naramdamang bumabalot sa akin.
"Eh sira ka ba? Ikaw ang walang paalam na kinuha ako! Edi syempre mapapahamak talaga ako!" Inis kong sabi pero mahina lang baka kasi marinig ako eh.
"Nilalayo lang kita sa mga taong di mo dapat sinasamahan." Malamig ang boses nito. Para bang nakikipagusap lang sya sa kung sino?
Sinulyapan ko sya na ngayon pala ay nakatungo na..
"Wala kang alam" tipid kong sagot.
Umupo ako sa tabi nya perooo medyo malayo hihi baka kasi kung anong gawin nito pagsamantalahan pa ko. "Hindi ko ginusto ang mga nangyayari." Sabi ko at ipinatong ang ulo ko sa tuhod ko."May alam ako. Alam ko ding ginawa mo lang ang mga ito dahil ayaw mong mapahamak ang mga kaibigan mo." Sabi nya na dahilan para mapatingin ako sa kanya na ngayon pala ay nakasandal na ang kanyang ulo sa pader.
"P-paano mo nalaman?" Nagtataka ako paano nya nalaman yun? Wala akong sinabihan, saka sino ba sya? " Sino ka ba?"
"Hindi mo ko kilala, pero ikaw kilala ko." Sabi nito. Eh lintik! Kaya ko nga tinatanong kung sino sya para makilala ko eh.. tsk mga tao talaga ngayon di mo na makakausap ng maayos. "Bakit ba napakatanga mo?" At bigla nalang sya napatingin sakin na ngayon nakakunot na ang noo nya.
Huh? Abay ang lakas ng loob nitong tangahin ako?
"Tsk, nagpapauto ka sa mga ganung tao? Dahil ano? Dahil sinabi lang nila sayo na mapapahamak ang mga kaibigan mo pag nagsumbong ka? Tsk napakatanga mo talaga! Sa tingin mo ang ang pwede nilang gawin sa mga kaibigan mo? Hindi nila mapapatay ang mga kaibigan mo!" Ramdam ko ang inis sa boses nya habang sinasabi ang mga yun.
"Nagpauto ka." Dagdag nya.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER
Misterio / SuspensoTwo women who fell in love with each other in an unexpected time and unexpected place. "LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDER"