CHAPTER NINETEEN

45 0 0
                                    

"Owmy!! Sinabi nya yon?" Hindi makapaniwalang sabi ni natifan.

Naikwento ko kasi sa kanila yung about sa nangyari kanina samin ni justine. Hindi din sila makapaniwala.

"Yeah" tipid na sagot ko, at pumunta ako sa may bintana kung saan tanaw ko ang mga estudyante sa ground.

"Haha geez! Ano naman kaya ang nagustuhan sayo rie?" Natatawang sabi ni Abegail

Tiningnan ko naman ito na nakangisi "bakit? Maganda naman ako ah, kala nyo sakin!?" Proud kong sabi.

Duh? Ang ganda ko kaya, normal ng may magkagusto sakin.

"The hell rie? Nahihibang ka na ba? Baka nga ginayuma mo yun eh" pang aalaska ni Aaliya.

"Ow talaga? Wala lang nagkakagusto sayo eh" pang aasar ko.

Sumimangot naman ito sa sinabi ko. Pero nagbibiro lang naman ako, maganda si Aaliya, mga bulag lang siguro ang tao dito at hindi nila makita yun

"Hahaha basta rie, in fairness huh? May nagkakagusto sayo. Ano kayang nakita nya sayo?" Natatawang sabi ni Abegail.

Tss.. ang salbahe! -__- maganda naman ako ah, tsk... Kaya nga nagkagusto sakin si....

"Eh btw ano balak mo kung sakaling manligaw sayo? Papayagan mo?" Biglang tanong ni natifan.

"Geez guys! Ano ba yang iniisip nyo. Kung ako nga di ko iniisip yan eh" natatawa kong sabi.

"Eh ikaw yun. Kami ba ikaw? Pshh hiya naman beauty ko sayo!" Tugon ni abby.

Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga estudyante...

"Pinagmamasdan?" Sabi ni Abby na ngayon pala ay nasa tabi ko na.

"Huh?" Takang tanong ko. Pinagdasabi nito?

"Hayu o" sabi nya na may tinuturo gamit ang nguso nya "diba si messy yon?" Dugtong pa nito. Sabay tumingin sakin ng nakakaloko.

Tiningnan ko naman yung tinuturo nya, at halos mapatulala na ko...

"Oh sya! Alis na muna ako hah? Enjoy the view" sabi nito at tumawa, hindi ko sya pinansin at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa taong ngayon pinagmamasdan ko.

Ang sarap pagmasdan ng mukha nya... Ang amo.. ang cute nya lalo na pag tumatawa kitang kita mo ang malalim na dimple nito... nangingiti nalang ako habang pinagmamasdan sya, nakakahawa ang mga tawa nya..

Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti, at marinig na tumawa. Kakaiba sa pakiramdam.. parang simula ngayon mas gusto ko syang nakikitang tumatawa at ngumingiti... Dahil sa mga ngiting yan, napapangiti din ako.

Posible din kayang mainlove ako sa taong to? Naalala ko nanaman yung sinabi sakin ni kuya.. ang babae ay para sa lalaki. At naisip ko din yung sinabi ni aaliya... Kung talagang mahal namin ang isat isa, hindi hadlang ang kasarian..

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon