CHAPTER TWENTY-THREE

37 0 0
                                    


Abegail's POV

"Oh asan na pat? Akala ko ba ngayong araw natin gagamitin?"

"Wait lang kita mong kinukuha ko pa diba?"

"Abby, buti di ka hinahanap sa kwarto nyo. Siguradong lagot ka pag nalaman nila ang ginagawa mo tuwing gabi" nagulat naman ako sa mga sinabi ni Alyssa.

Malamang sa malamang lagot ako pag nalaman ng mga kaibigan ko kung bakit lagi akong lumalabas ng gabi.

"Oh abby, ikaw na sunod hah?" Sabi ni pat na pumasok sa kakahuyan kung saan dun nila gagawin ang lagi nilang ginagawa.

Hindi ko alam, ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ako umama sa mga ganito. Kilala si patricia dito sa campus, dahil di lang sa maganda.... Mayaman pa. Matagal ko ng pinangarap na makasama sa tropa nya, hanggang isang araw na hindi inaasahang pagkikita...

***

*FLASHBACK*

Nagpaalam na ko sa tatlo na mauuna na kong pumuntang room. Tss ang bagal naman kasi lagi ni Rie ayoko kayang malate.

Naglalakad ako patungo sa room namin ng bigla nalang  may nakaagaw ng pansin sa akin kaya nagtago ako sa pader kung saan sa tingin ko di nila ko makikita.

Nagulat ako sa mga nakita ko. Nababalot sila sa usok na nang gagaling sa mga ginagamit nila. Masama ang kutob ko sa bagay na ginagamit nila, dahil ipinagbabawal itong gamitin sa paaralan lalo na sa mga estudyanteng gaya namin.

Naagaw ng babaeng nasa gitna nila ang atensyon ko. Halos manlambot ako sa kinatayayuan ko. Si patricia?? Ang magandang babaeng nakilala ko? Na akala ko mabait? Yun pala may taglay ding kademonyohan na hindi ko inaasahan? Bakit nya gagawin ang bagay na ito? Bagay na ipinagbabawal? Bagay na di dapat ginagamit ng tulad naming mga bata... Bakit sila gumagamit ng..... Marijuana?

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon