38

73 0 0
                                    

BRION'S POV

HAH! Aga ng POV ko ah. Thanks sa author. Anyway Hi! I'm Brion Nicolas. Pogi, goodboy, friendly, maputi, at higit sa lahat loyal (^^)

"Tol! Anong gagawin natin sa isang to?" Tanong ni Tristan. Nandito kami ngayon sa lumang silid aralan, nandito din ang ugok na lalaking bumastos kay rie.

"Nako! Maswerte pa to dahil wala si bradah!" Natatawa kong sabi.

"Loko to eh! Hoy bakit mo ginanon si rie!" Naiinis na tanong ni Tristan. Akala mo naman alam nya nangyari? -__-

"Na-napag utusan lang!" Aba! Nakakapag salita pa pala ito.. bugbog na labi nya eh.. or I mean bugbog na sya.

"Napag utusan? Sino nag utos sayo?" Oh teka? Kilala ko yung boses na yon ah.. "SINO!!!?" Nagulat kami na makitang hawak na ni anthony yung kwelyo ng lalaking nambastos kay rie

"Wait tol! Hinay hinay ka lang... Baka lalong di makapag salita!" Awat ni tristan kay anthony.

"Tangna! Walang salitang hinay sakin kung binastos nya si rie!" Pasigaw na sabi ni anthony.

Matagal ko ng nahahalata na parang may kakaiba kay anthony pag nasasama sa usapan si rie.

"Chill.. ako na kakausap" mahinahong sabi ni tris (tristan)

Umupo muna si anthony sa bakanteng upuan dito.

"Pare! Tatanungin kita, pero sana sasagutin mo ko ng maayos" sabi ni tris.

"Pre, sagutin mo lang... Makakaalis ka na-"

"Anong makakaalis! Puta di ko yan hahayaang mabuhay!" Walangyang anthony naman to o! Dumadagdag pa!

"Pwede ba manahimik ka nalang dyan anthony!? Di ka nakakatulong!" Ayan! Nagalit na si tris. Kasi naman tong si anthony imbis na huminahon dinadagdagan pa eh -__-

Tiningnan ko ng masama si anthony tsaka itinuon yung atensyon ko sa lalaking nakayuko at halos di na makagalaw ng maayos dahil sa bugbog.

Kagabi pa kami nandito at kagabi din sya nakatikim.. "anong pangalan mo?" Tris.

"H-hindi na kailangan." ba ayus to ah! "Hindi na kailangang malaman ang pangalan -"

"Lorenz. Lorenz ang pangalan nya" sabay naman kaming napatingin ni tris kay anthony."kaklase nina patricia." Dugtong nya. Nakayuko sya habang nakakuyom yung kamao nya.

*Sigh* "so.... Ok sino nagutos sayo?" Para na kaming nag lolokohan dito.

"Hindi.. hindi ko sya kilala" sagot ni mokong.

LOVING SOMEONE WITH THE SAME GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon